Part 39

6 3 0
                                    


(39)

Dear Crush,

Napakabigat ng dibdib ko. Hindi nauubos at natatapos ang pagbuhos ng luha ko. Naiinis ako sayo. Sinarili mo lang ang problema mo na sobrang bigat pala. May sinasarili rin akong problema at yon ay ang pag-alis ko pero itong problema mo parang sobrang hirap masolusyonan. Ni hindi mo nga sinasabi sakin na may ganon pala. Sa tuwing magkasama tayo palaging hinihiling mo na ngumiti lang ako at maging masaya dahil yon ang magpapasaya sayo. Hindi mo man sabihin sakin yon gagawin ko naman, kasi masaya ako sayo.

Ilang oras na ang nakalipas simula nong umalis si Tita kanina. Nakaupo pa rin ako sa couch. Tulala at tumutulo pa rin ang luha. Humihikbi pa rin ako na siyang tanging naririnig ko. Ano na ang gagawin ko?! Ang hirap.

Gusto kitang makita sa mga sandaling ito. Gusto kong marinig ang boses mo. Gusto kitang makasama. At higit sa lahat gusto kitang makausap. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung paano. Kung paano ko sisimulan ang lahat.

Lumabas ako sa bahay dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sakit at utak ko kakaisip ng mga posibleng mangyari. Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa park. Naupo ako don sa bench na inuupuan natin kahapon lang. Kahapon masaya naman tayo di ba?! Ako lang ang may problema. Bakit ang bilis magbago?! Ang bilis baguhin ng mga pangyayari na sa isang iglap lang pwedeng maging malungkot ka sa gitna ng saya.

Hinawakan ko yong suot suot kong kwintas na binigay mo sakin kagabi. Napangiti ako habang umiiyak. Parang mababaliw na ata ako. Nasa akin ang kalahati ng puso mo at hindi ka mabubuhay kapag wala ito. Kasi ako bubuo sa puso mo.

" Ate bakit ka umiiyak?!" pinalis ko naman ang luha ko ng may kumalabit sakin. Nang lumingon ako ay medyo malabo pa ang paningin ko dahil sa luha ko pero nakita ko ang mukha ng isang batang lalaki na nag-aalala. Ngumiti ako sa kanya.

" May iniisip lang." tipid kong sagot at medyo namamaos ang boses ko.

" Ano pong iniisip niyo?!" magalang niyang tanong habang umuupo sa tabi ko.

" May mga problema kasi ako eh at siguradong kahit sabihin ko sayo yon hindi mo maiintindihan kasi bata ka pa." paliwanag ko sa kanya.

" Edi iintindihin ko po. Alam niyo sabi sakin nong Kuya ko gagaan daw ang pakiramdam niyo kapag may nasabihan kayo ng problema niyo. Si Kuya nga eh lagi niya saking kinukwento yong mga problema niya kasi gumagaan daw yong pakiramdam niya kapag may nakikinig sa kanya. Kaya Ate, andito lang ako makikinig ako sayo para hindi ka na umiiyak." makulit niyang sabi. Parang ang mature niya magsalita. Siguro mga six to seven years old lang siya.

" May bestfriend kasi ako. At yong bestfriend kong yon mahal na mahal ko. Ayoko na nga na mawala siya sa buhay ko eh. Kung pwede lang palagi kaming magkasama kasi masaya ako sa piling niya. Masaya kami eh, akala ko okay lang ang lahat. Hindi pala. May sakit pala s-siya!" walang humpay nanaman ang pagtulo ng luha ko. Sobrang sakit na ng gilid ng mga mata ko kakaiyak. " Sinarili lang niya ang lahat. Mas inuna niya ako kesa sa malubhang kalagayan niya." tanging iyak ko na lang ang maririnig sa paligid. Tahimik lang yong batang lalaki sa gilid ko at parang nakikinig talaga siya.

" Alam ko po na malalampasan niyo yan. Magtiwala lang po kayo kay God. " tapos niyakap niya ako. Yakap na sa tingin ko ay kailangan ko ngayon. Yakap na medyo nagpagaan ng kalooban ko.

" Salamat ah." sabi ko sa gitna ng pagtahan ko sa pag-iyak.

" Wala po yon. Nakinig lang naman po ako at pinagpray kayo. Sige po Ate, baka hinahanap na po ako ng Kuya ko." sabi niya tapos tumakbo na siya palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin habang tumatakbo hangang sa mawala na siya sa paningin ko.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon