(57)
Dear Crush,
Natapos na akong maligo and I'm fresh. Kinuha ko na yong tuwalya at yong damit na pinadala ni Dana. Nagulat naman ako sa nakita ko. Wala naman akong bikini na dala sa bag, paano nangyari toh?! Napailing na lamang ako sa kalokohan ni Dana. Sinuot ko na rin dahil no choice na kung magiinarte pa ako. May nahulog naman na papel ng bulatlatin ko yong laman nong paper bag. Pinulot ko ito kahit na basa na siya.
' Chesca, wala ka man lang dalang pang swimming sa bag mo. Kaya binigay ko na lang yong bagong bili ko. Alam ko naman na hindi ka papalitan nng damit ni Sir Ace eh. Suotin mo ah, nako bagay na bagay sa iyo yan.' - Dana
Napailing nanaman ako. Kinuha ko na tong tshirt ko at shorts. Hang lumalabas ako ng banyo ay pinupunasan ko naman ng tuwalya yong buhok ko.
Naalarma naman ako ng hindi kita makita sa pinagiwanan ko sa iyo kanina. I mean wala ka na sa buong kwarto. Hindi ka naman pwedeng magtago sa ilalim ng kama dahil tiningnan ko na. Aiishh! Napakamot ako sa ulo ko. Naistress nanaman ang mga kuto sa buhok ko. Ay wala pala akong kuto. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Itinali ko yong buhok ko kahit basa pa ito at tsaka naglakad palabas.
Alam ko naman na hindi angkop ang suot kong damit dito. Hello, nakashort pants lang naman ako na lampas tuhod tapos yong t-shirt ko na sobrang haba ng manggas. Kaya paglabas na paglabas ko nong kwarto mo nakatingin sa akin ng kakaiba yong mga nakabikining babae.
" Haiisst, nagkamali ata ng pinuntahan." nailing na sabi nong isa. Mukha namang mga retokada ang buong katawan magmula sa muka hanggang talampakan. Tumigil ako at tsaka tining nan sila mula ulo hanggang paa.
" Retokada naman! At tsaka mukhang sila ang nagkamali ng pinuntahan, nakamake-up ba naman sa beach?! Tss. Natatakot siguro na makita ang totoong itsura." sarkastiko kong sabi. Matalim naman nila akong tiningnan.
" Hindi bagay dito ang manang, di ba?! Ano yon, magsuswimming nang balot na balot ang katawan?! " natatawang sabi pa nong isa. Nag-init naman ang bumbunan ko. Humugot muna ako ng hininga sa kaibuturan ng lungs ko.
" Kesa naman sa lantad ang katawan, tingnan niyo oh kitang kita ko yong mga peklat na maliliit dahil sa tusok ng karayom. At tsaka kahit anong pigil niyo pang hindi huminga diyan, alam ko naman na may bilbil kayo. Ang lakas ng loob magtwo piece peke naman." mapakla kong sabi. " By the way, good mood ako ngayon kaya papalampasin ko ang ginawa niyong pagtsismisan ako. Kapag naulit pa, ipapakain ko kayo sa kauri niyo sa dagat." nakangisi kong sabi.
Naglakad na ako palabas ng nakangiti at iniwan silang nakanganga sa mga pinagsasabi ko na hindi ko alam kung saan ko nakuhang lupalop. Ang daming nnakatingin sa akin pero wala akong oras para makipagtsikahan sa kanila dahil di naman kami close. Higit sa lahat hinahanap pa kita.
Nakarating ako sa tabing dagat na sobrang daming tao kapag ganitong umaga. Napalingon naman ako ng may magtakbuhang mga babae sa kabilang banda. Tss. At dahil nacurious ako sa pinagkakaguluhan nila lumapit ako ng konti. Agad na uminit ang dugo ko sa nakita ko. Nakikipagngitian ka doon sa mga babaeng mukhang model, nakikipagshakehands ka pa, nakikipag-usap at hindi ko na nakayanan pa ang view. Tawa naman ng tawa yong lalaking katabi mo.
Napatingin ako sa suot ko at doon sa suot nong mga magagandang babae. Insecure ata ako ngayon. Nakaisip naman ako ng paraan para makaganti sa iyo. Aba, nagpapakasaya ka diyan sa mga babae mo matapos mong sabihin sa akin kanina lang na ako ang mahal mo. Nakita ko naman ang mga mukha nong mga lalaking mukhang nagpipigil na ng galit habang nakatingin sa direksyon niyo. I'm sure may girlfriend sila diyan.
Napangiti naman ako at tsaka hinubad ang suot suot kong t-shirt at shorts. Ngayon lantad na ang makinis kong balat na tinatamaan ng mainit na sikat ng araw. Iniwan ko yong damit ko sa gilid at tsaka tinanggal ang pagkakapusod ng buhok ko. Nakita ko naman ang pagtitig nong mga lalaki sa akin. Ngumiti ako at naglakad lakad. May lumapit naman sa akin na mga lalaki.
