(7)
Dear Crush,
Lumipas ang ilang araw at hindi niyo na nga ako pinapansin. Nagtatawanan na kayo na wala ako. Parang hindi ako malaking kawalan sa inyo.
Nagpatuloy akong sumama don sa mga nakasama ko bago mag exam. Nakapasa ako at dapat masaya di ba? Pero paano kung di ka na kinakausap ng mga kaibigan mo sa loob ng mahabang panahon?
Recess time, pumunta ako sa madalas nating tambayan noon. Hinawakan ko ang nakaukit na pangalan nating lahat sa puno. Nakapaloob ito sa isang malaking puso.
Nagulat ako ng may yumakap sakin mula sa likod. Pero amoy pa lang kilala ko na. Hinarap kita.
"Ayaw niyo na ba sakin?" malungkot kong sabi sayo.
"No... hindi" sabi mo.
"Eh bakit kayo nagagalit sakin?" tanong ko naman sayo.
Pinalis mo yong mga luha ko.
"Sumama lang yong loob nila sayo nung makita ka namin na kasama yong mga kaklase natin na nakikipagtawanan. Tapos napansin din nila yong pag-iwas mo."
"Kaya lang naman ako sumama sa kanila kasi alam ko na makakapagfocus ako sa pagrereview. Di ba kailangan kong magpasikat sa Papa ko? "
"Pero bakit hindi mo na ako inaalaska tulad noon?" naspeechless naman ako sa tanong mo.
Hindi kita sinagot dahil nakaramdam na ako ng hiya. Nahihiya na ako sayo samantalang dati ay hindi.
Kinausap mo sila na pansinin na ako.
"Basta ha, walang iwanan!" sigaw nila.
"Sama sama tayo!"
Nagkabati na ulit ang lahat. Sumasama na ulit ako sa inyo pero naiilang pa rin ako sayo.
Malapit na ang graduation natin. Nasa faculty tayo para kunin yong toga at year book natin.
Nakisiksik ako don sa mga kumukuha dahil baka maubusan ako. Habang namimili ako napansin ko na parang tumigil yong mga kasabay ko na maghalungkat. Naririnig ko din ang hagikhikan sa loob.
Naramdaman ko na may mabigat na nakadagan sa balikat ko. Kaya paglingon ko para na akong nakayakap sayo kasi nakaakbay ka pala sakin.
Pinilit kong pilipitin yong braso mo pero di ko kaya masyadong, ah basta!
"Galawang Ace!" sabi ng lahat ng nasa loob ng faculty.
Pakiramdam ko kasing pula na ng kamatis yong mukha ko at kasing init na ng sasabog ma bulkan dahil sa pinaghalong kilig na tinatago ko at inis na ipinapakita ko sayo.
"Urrgg!! nakakainis ka talaga Ace!" sa inis ko sayo nag walk out ako.
"Uy wag ka nang magalit! Eca!" natatawa mo akong tinatawag sa labas.
Nabuhay nanaman ang tuksuhan satin. Ipinagkanulo nanaman tayong dalawa.
Habang ganon at habang nalalapit ang graduation hindi pa rin kita pinapansin.
Lumalapit ka at inaasar ako lagi kaya lumalayo ako. Baka mamiss kita lalo.
Nang maggraduation na tayo, apat na salita lang ang narinig ko mula sayo. Nag-aayos tayo sa room at nagpapaalam na sa mga naging teachers natin. Nakaupo lang ako at tahimik. Bigla kang lumapit sakin at ngumiti. Nag iwas nanaman ako ng tingin.
"Uy gagraduate na siya!" tapos kinurot mo yong pisngi ko. Pinalo ko yong kamay mo. Umiinit ang pisngi ko kaya lumabas ako. Pati yong puso ko kumakalabog na.
Iniwan kita don. Nilapitan ko yong mga kakilala ko sa labas na nagpapaicture sa stage. Lahat sila masaya at laging sinasabi na mamimiss nila ang isa't isa.
Natapos ang graduation ngunit hindi na tayo nakapag-usap. Huli kitang nasulyapan na kasama yong mga magulang mo.
Nagpicture pa ata kayo ng barkada pero mas pinili ko na umuwi na lang. Nakapagpapicture naman na tayo nong magsidatingan dito. Di ko nga alam ang itsura ko don kasi kinabahan ako sa akbay mo sakin.
Natapos ang elementary days at masaya ako dahil nagkabati bati tayo. Hindi man kita pinansin sa mga huling araw, ikaw naman ang laman ng puso ko araw araw. Buti at tinigil niyo na yong pagiging malapit masyado kay Lara dahil nagseselos talaga ako. Mabait naman siya kaya lang naiichapwera ako pag nandiyan siya.
Salamat sa anim na taon na nakasama ko kayo. Sa lahat ng masasayang memories.
Aaminin ko na sa sarili ko at dito sa puso ko.........Ace
CRUSH KITA
Dalawang salita yan pero di ko maamin sayo. Madalas mong tinatanong sakin yan, pero di ako makapagsabi ng totoo.
Gusto ko ring malaman kung crush mo rin ba ako?
Magkikita pa naman tayo, dahil baka iisang school lang ang pasukan natin sa highschool. Sana kayo pa rin ang kaklase ko. Sana wag kayong magbago.
