Part 60

4 3 0
                                    


(60)

Dear Crush,

Pagkalabas ko nong building eh biglang nagring naman yong phone ko. I was expecting that you're the caller. Akala ko tatawagan mo ako kasi sasabihin mo na hindi mo na pala pupuntahan si higad na Dwen. Umasa lang ako.

" Oh Krea, napatawag ka?!" bungad ko sa pinsan mo sa kabilang linya.

(" Busy ka ba?!") tanong niya.

" Hindi naman masyado. Bakit?!"

(" Pwede bang pabantayan ko sa iyo si Keon?! Emergency lang kasi eh. Kanina pa niya hinahanap yong Papa Ace niya kaso di ko naman macontact. Tapos sabi niya si Mama Ches na lang daw. Kanina pa umiiyak eh.") nagmamadaling sabi ni Krea sa kabilang linya.

" O sige, punta na ako diyan sa bahay niyo." sabi ko tsaka binaba yong cellphone ko.

Mama na rin ang tawag sa akin ni Baby Keon. Tapos ikaw yong Papa niya. Oh di ba naging instant parents tayo? Kapag tayo nagkaanak gusto ko kasing cute ni baby Keon. Mas sweet pa siya sa atin kesa doon sa tunay niyang Mommy at Daddy.

Nagtaxi ako para makapunta sa bahay nila Krea. Masyado kasing abala ang mag-asawang si Krea at Grio sa trabaho. At wala ring tumatagal na yaya si baby Keon dahil palagi niyang sinasabi na baka raw mahawa siya ng mga mapangitan nila at nagkakacrush lang daw sa kanya ang mga yaya niya. Oh di ba, ang bata bata pa iba na ang narating ng pag-iisip niya.

Nang bumaba ako sa taxi sa tapat ng bahay nila ay agad akong pumasok sa gate at sinalubong naman ako ni baby Keon.

" Hey, big boy! I miss you! " nakangiting sabi ko sa kanya at tsaka siya binuhat. Parang nawala tuloy ang inis ko sa iyo ng pandalian.

" I miss you too Mama, let's go inside! I have a lot of books. Papa bring all of that last night for me." excited niyang sabi. Pumasok na ako sa bahay at nakita ko naman ang mag-asawa na abala sa paghahanda sa kung saan man sila pupunta.

" Eca, pasensya na ha?! Mamaya tatawagan ko si Ace para siya na ang mag-alaga muna sa pamangkin niya. Ayaw kasi magpa-iwan ni Keon dito kasama yong mga maids eh." wika ni Krea habang inaayos yong mga papers sa table. Nakita ko naman si Grio na kakababa lang.

" Okay lang naman sa akin. At tsaka wala rin akong ginagawa kaya mas mabuti pang ako ang mag-alaga sa napakagwapo kong pamangkin." sabi ko sabay gulo sa buhok ni Keon.

" O siya aalis na kami. May mga orders pa kaming dapat icheck at meetings na kailangang puntahan eh." sabi ni Grio.

" Bye Keon. Be a good boy! " sabi nong mag-asawa at humalik sa pisngi ni Keon.

" Alright Mom, Dad! " sabi ni Keon.

Nang makaalis na sila eh pinakita sa akin ni Keon yong mga books niya na bagong bili mo raw. Pumunta kami sa mini library niya para ipagmalaki sa akin yong mga bagong books. Sigurado ako paglaki nitong batang toh, sobrang talino. Baka elementary pa lang siya pang college level na ang talino niya. Hindi rin siya mahilig sa mga laruan na palaging hinihingi ng mga batang katulad niya sa magulang nila. Nagmana ata sa akin toh, chos. Baka sa iyo nagmana.

" Mama, you love Papa right?!" bigla niyang tanong habang binubuklat yong ibang libro. Sa murang edad naturuan na siyang magbasa at magsulat dahil sa iyo. I'm so proud of you Parts ko. Marunong ka nang mag-alaga ng bata. Parang ang ganda mong tingnan kapag naging tatay ka na talaga ng anak natin.

" Of course I love your Papa very much. Why?!" naguguluhan kong tanong. Tinupi niya yong libro niya at tsaka tumingin sa akin.

" Nothing. I was just knowing if that's true. Papa always told me that you love each other so much. Mama, do you think I can find a girl like you and Mom?!" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni baby Keon. Jusmiyo! Ang bata bata pa yon agad ang nasa isip. Kung ano ano talaga ang itinuturo mo kay baby Keon, Parts ko. Rated PG na G lang dapat eh. Napakamot ako sa ulo ko.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon