(6)
Dear Crush,
Ang aga kong pumasok sa school. Kaso nanibago ako dahil kadalasan naman ikaw ang nauuna sakin.
Nakaupo lang ako sa may playground. Nag-aantay na makita ka man lang kahit sandali. Nagsimula na ang klase pero wala ka pa rin.
Palingon lingon ako sa pinto baka kasi late ka lang pumasok. Pero wala.
"Hinahanap mo si Ace?" sabi nila.
Umiling ako.
"May sakit daw sabi nong pinsan niya. Yakapsule at kisspirin lang yon ni Lara!" sinapak siya nong mga kaibigan natin pero di ako natawa dahil inaalala kita. Hindi ko na rin pinansin yong tungkol kay Lara.
"Ikaw lang makakagamot don!" sabi nila sakin.
Nagkibit balikat lang ako doon sa mga sinabi nila. Gusto kitang makita para icheck kung okay ka lang ba. Gusto kong andyan ako sa tabi mo.
Sobrang lungkot ko ng maghapon na yon. Namimiss na kita. Nakatunganga lang ako don. Nakikinig naman ako ng lecture kaso wala talagang pumapasok eh.
Kinabukasan di ka pa rin pumasok kaya lalo akong nag aalala sayo.
Nang pumasok ka na halos tumalon yong puso ko sa tuwa. Kasi finally magaling ka na. Nakasmile ka pa kaya napasmile na rin ako kahit di mo nakikita kasi nakaharap ka kay Lara.
"Di mo ba ako namiss?" malungkot mong sabi ng matapos ang asaran niyo ng mga kaklase natin.
"Bakit naman kita mamimiss? Madami na ang nakamiss sayo, andyan yong barkada pati si Lara." malamig kong sabi sayo habang nakatingin ako sa gilid ko. Hindi kita matingnan dahil kinakabahan ako. Bumibilis yong tibok nitong puso ko kapag nakikita kita, ano pa kaya kapag malapit ka. Kapag wala ka hinahanap kita kapag andyan ka na hindi naman ako makalapit sayo at makipagusap dahil kinakabahan ako.
"Siyempre crush mo ko kaya dapat mamiss mo 'ko!" pinangangatawanan mo na yang pinagsasabi mo na crush kita.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kita crush?" tumalikod ako sayo na kunwari ay nanonood ako ng mga batang tulad natin na naglalaro sa ground.
"Hanggang sa maamin mo na crush mo na 'ko!" halos mabingi ako sa tilian ng mga nakikinig satin.
Tuksuhan nanaman ang naganap. Umalis na lang ako para umiwas don.
Palagi mo na akong inaasar about sa crush thingy. Pinapakita ko na naiinis ako pero kinikilig talaga ako.
Naisip ko na bakit di na lang kita iwasan baka bumalik sa normal yong nararamdaman ko.
Ilang araw na lang exam na. Busy yong mga nasa top pero yong iba parang wala lang. Yong barkada natin nag-aaral din naman kaya lang ay nakakadistract kasi puro kayo kalokohan kaya di ako makapagconcentrate.
"Eca, sama ka samin. Magrereview kami." sabi ng mga kaklase nating mahilig mag-aral at tahimik.
Di na ako nagdalawang isip dahil kung mga tahimik ang kasama ko tiyak na mas makakapagfocus ako.
Sumama ako sa kanila. Pumunta kami sa may tapat ng room natin yong lugar kung saan ko kayo nakita ni Lara na naghahabulan dahil sa notebook mo.
Umupo kami doon. Seryoso nga silang mag-aral. Ngayon lang ako nakakilala ng katulad nila. Tahimik lang. Sobrang kabaligtaran ng barkada natin.
Mabilis kaming nakapagreview at dahil wala naman tayong klase nong time na yon nandon lang kayo sa room. Nakipagkwentuhan ako sa kanila. Sa kalagitnaan ng tawa ko dumaan kayo sa harap namin. May galit sa mga mata niyo. Napatingin ako don sa babae sa likod niyo... si Lara na nakangiti.
Babatiin ko sana kayo ngunit hindi niyo ako pinansin. Nagpatuloy kayo sa paglakad. Nagtaka ako kung bakit. Galit ba kayo sakin? May nagawa ba ako na masama?
Natapos ang maghapon na yon at hindi niyo ako pinapansin kahit nga isang sulyap lang wala.
Gusto kong magtanong pero hindi niyo ako binibigyan ng pagkakataon.
Kasama niyo si Lara at nong mag-uwian na hindi niyo ako inintay. Naiiyak na ako ng mga oras na yon.
"Oh asan sila Ace?" tanong nong mga kaklase natin na naiwan sa room kasama ko.
"Ah nauna na siguro yong mga yon." kahit alam ko naman na talagang nauna na kayo at iniwan ako.
"Himala ata ngayon ka lang nila naiwan ah!" sabi pa nila.
"Hayaan niyo na baka may mga gagawin pa sila." sabi ko na lang.
Sa kanila ako sumabay pauwi. Nakakapanibago sa kanila lalo naman sakin na kayo lagi ang kasama tapos parang naglipat bahay ako.
Masaya rin silang kausap at kasama kaso hindi kasing saya ng naramdaman ko sa piling niyo. Walang papantay sa inyo. Nakakamiss kayo.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom isang umaga ay nakita ko kayo. Masaya kayong nag-uusap kasama si Lara. Nakakaselos na si Lara, Ace. Pinalitan niya na ba ako sa grupo natin? Mas masaya ba siyang kausap kesa sakin? Mas masarap ba siyang kasama?
Nakatingin lang ako sa malayo. Parang hindi niyo nga maalala na may iniwan kayo na katulad ko.
Ako ba ang may kasalanan? Pero wala naman akong natatandaan.
Dumaan ako sa may hallway malapit sa kinauupuan niyo. Natigil kayo sa tawa. Nakatingin ka lang sakin. Gusto ko kayong lapitan at kamustahin pero natatakot ako.
Masama ang tingin nila sakin na para bang ang laki laki ng kasalanan ko.
"Kapag umalis na wag na wag ng babalik!" sabi nila.
Ang sakit na sa inyo mismo yon marinig. Kumpirmasyon na pinapaalis niyo na ako sa grupo natin.
Nakatingin ka lang sakin. Nangingilid na yong mga luha ko.