(27)
Dear Crush,
"Ang cute nilang tingnan." sabi ko sayo habang nakatingin tayo sa couple na sobrang sweet.
"Parang tayo lang yan." nakangisi mong sabi. Nag-init naman ang pisngi ko.
" Hindi noh! " pagtanggi ko..
" Totoo naman ah,ang dami kaya nating napapakilig sa school. Ikaw kinikilig ka ba sakin?! " parang naging bato ako na hindi kayang tibagin dahil sa sinabi mo.
"Tinatanong pa ba yan ?! Tara na nga maglakad lakad na tayo. Baka langgamin pa tayo dito." sabi ko. Nauna akong maglakad sayo pero nakakailang hakbang palang ako ay naramdaman na agad kita sa gilid ko. Napapangiti ako sa simpleng pag-uusap natin ay nakapagbibigay ito ng ngiti at kilig sakin. Natanaw ko ang ngiti mo pero iniwas ko rin ang tingin ko. Nabalot ng katahimikan ang ating paglalakad.
"Tuloy pa rin ba yong plano mo na kukuha ka ng course related sa business?! You know, after a couple of months it's our graduation already." kibit balikat mong tanong. Nakalagay ang kamay mo sa bulsa ng pants mo at seryoso lang ang tingin mo.Sobrang gwapo mong tingnan na kahit sino ay mapapatingin sayo.
"Oo, it runs in the blood siguro. Grandpa is very addicted to business that's why Papa and my Tito's are really in to it. Of course my cousins are the same, they help Grandpa to manage his business abroad. At yong andito sa Pilipinas si Papa ang nagmamanage." sagot ko. "Ikaw?!" tumingin ako sayo at ngumiti ka naman.
"The same." kumunot naman ang noo ko.
"Anong the same ka diyan?! Di ba sabi mo sakin noon magdodoctor ka? At gusto mo ring maging cook at magkaroon ng sarili mong resto?" tumigil ka sa paglakad at ganon rin ako. Humarap ako sayo at tiningnan kita ng diretso.
"Dati yon, nong hindi pa ako sigurado sa feelings ko para sayo. Gusto ko na rin kung anong gusto mo sa buhay, natupad ko na rin ang pagiging cook. At ayoko ring ipatikim sa iba ang mga niluluto dahil para lang talaga yon sayo. " naglakad ako papunta sa isang bench upang itago ang pumupula kong pisngi. Umupo ako at ganon rin ang ginawa mo. " Ngayon yong mga bagay na ayaw at gusto mo unti unti ko nang natutunang ayawan din at magustuhan."
"Seryoso ka ba diyan?! " tanong ko.
"Oo naman."
Nanahimik na lang ako dahil alam ko na hindi kita mapipigilan sa kung ano na ang napagdesisyonan mo. Malapit nanaman ang graduation, magtatapos nanaman tayo at magpapatuloy sa nasimulang buhay.
"Sana hindi matapos ang kung anong meron satin." nasabi ko na lang sa gitna ng katahimikan.
"Hindi natin ito tatapusin dahil pahahabain pa natin."sabay gulo mo sa buhok ko.
"Sana nga."
"Nagugutom ka ba?! Gusto mo bili muna tayo ng foods, tapos itake out natin at dito na kainin." sabi mo.
"Sige."
Bumili tayo ng pagkain sa malapit na resto. Kumain tayo ng nagtatawanan at parang ayoko ng matapos pa ang araw na toh! Sobrang gaan lang sa pakiramdam na parang ayaw mo nang tapusin pa.
"Mas masarap pa rin luto ng cook ko!" komento ko ng matapos akong kumain. Tumingin ako sayo dahil ikaw ang tinutukoy kong cook.
"Hindi kasi nakapagluto yong cook mo! Excited kasi na makita yong pinagluluto niya ng pagkain." sabi mo tapos kumuha ka ng tissue na nasa bag ko." Halika ka nga." bahagya kang yumuko at pinunasan mo ang gilid ng labi ko. Sobrang lapit mo sakin kaya ganon na lang ang kaba sa aking dibdib.
"Salamat." sabi ko.
"Hindi naman halata na hindi mo nagustuhan yang luto diyan sa resto. Naubos mo kaya yong binili natin. " natatawa mong sabi sabay tingin don sa kinainan ko. Hinampas kita ng malakas sa braso mo.
