Part 25

6 3 0
                                    


(25)

Dear Crush,

"Let's all welcome the candidates for Mr. and Ms. Intrams for this school year!" halo halo na ang kaba na aking nararamdaman ng magsalita na ang host ng intrams natin.

Nasa kabilang dulo ka ng stage dahil andon lahat ng boys na participants samantalang dito naman sa tabi ko ay mga girls. Buti na lang seniors tayo para panghuling lalabas sa stage.

Isa isa nang naglabasan ang lahat ng kalahok mula sa freshmen at syempre tayo ang panghuli. Nong una kabadong kabado pa ako dahil sa dami ng crowd sa ibaba ng stage, pero habang tumatagal nawawala na ang kaba ko at nakangiti na ako. Hindi ko na nga malaman kung asan ang mga kaibigan natin eh.

Lakad dito lakad don, at huli ay magkatabi na tayo sa gitna na siyang nagpatili sa marami. Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ng mga kaibigan natin at mga nasa senior year. Nang matapos ang pagrampa ay nakatayo na tayo sa may gilid at magkatabi. Idinikit mo yong ulo mo sa may tenga ko at bumulong.

"May karayom ka ba diyan?!" naguluhan naman ako sa tanong mo na rinig na rinig ko sa gitna ng maingay na paligid.

"Bakit naman?!" nagtataka kong tanong sayo.

"Kanina ko pa kasi gustong tusukin ang mga mata ng mga lalaki diyan na sobra kung makatingin sayo. Sana pala hindi na lang tayo sumali dito." medyo natawa naman ako sa reason mo at tinulak kita dahil sobrang lapit mo sakin nasa taas pa naman tayo ng stage.

"Hayaan mo na wala naman silang ginagawang masama."

"It's like making a sin when they stare at you. And I don't like the way they stare." naglitawan nanaman ang mga paru paro sa tiyan ko at nagsimula nang magdiwang. Nakatingin lang ako sayo at bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"May pana ka ba?!" seryoso kong tanong sayo ng makita ko kung paano ka titigan ng mga babae at binabae.

"Wala, pero sa susunod magdadala na ako. Gusto ko nang panain yang puso mo para magustuhan mo na ako." hindi ko nagawang mainis dahil sa hindi mo nagets ang tanong ko dahil nauna na ang kilig sa buong sistema ko. Ang totoo niyan, matagal nang napana ni kupido ang puso ko at ito'y patuloy na tumitibok para sayo.

Nag-iwas ako ng tingin para itago ang kilig na nararamdaman.

"Eca!" nilingon ko naman ang ilang lalaking nasa senior year na nasa gilid at tinatawag ako. Ngumiti ako sa kanila at paglingon ko sayo nakangiti ka sa mga nagtitiliang babae. Agad akong nakaramdam ng inis sa sarili.

"Kung may pana lang talaga ako dito nako kanina ko pa pinatamaan ang mga mata niyang mga babae na yan.!" mahina kong sabi na siyang nagpalingon sayo at nakakuha ng buong atensyon mo.

"Pakiulit nga ng sinabi mo." nakangisi mong sabi na parang nang-aasar nanaman. Dahil sa inis na nararamdaman ko ay inirapan kita.

"Sorry, hindi ako unli." sabi ko sayo.

Nagulat ako ng bigla mong hawakan ang baba ko at iniharap mo ako sayo ng maayos. Pilit mong itinatapat ang mata mo sa mata ko. May mga nagpeperform sa stage kaya andun ang atensyon ng karamihan.

"Nagseselos ka ba?! " nakangisi mong tanong na siyang nagpakabog ng malakas sa puso ko. Hindi ko naman pwedeng aminin dahil wala akong karapatan. I know my limits.

"Bakit naman ako magseselos eh nakikipagngitian ka lang naman diyan." sarcastic kong sambit. Narinig ko ang mahinang tawa mo.

"Your jealous! And I am too jealous when you give those guys beautiful smile that I want to be mine." halos matunaw ang tuhod ko at alam kong nararamdaman din ito ng maraming babae kapag sinabihan sila ng ganon. Nakita ko ang saya sa mga mata mo ng ideklara mo na nagseselos ako kahit na patuloy ko itong itinatanggi.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon