Part 59

4 3 0
                                    


(59)

Dear Crush,

Umuwi na rin agad ako sa bahay pero pinakalma ko muna ang sarili ko. Panigurado kasing magtatanong si Mama at Papa kung bakit hindi mo ako inihatid, anong sasabihin ko?! Na hindi mo ako naihatid dahil hindi ka makatanggi sa long lost friend mong higad?! Alam namang may girlfriend ka na kung magpapansin sobra talaga.

" Where's Ace?!" bungad sa akin ni Papa ng pumasok na ako sa bahay. Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng tv.

" Uhm, busy. He's busy Papa. Work thing you know! " kibit balikat kong sabi.

" Okay, then how's your work?!" pabalik na tanong ni Papa. Matagal na rin akong nagtatrabaho sa company ni Papa at nag-eenjoy talaga ako. Gamay ko na ang mga trabaho doon.

" Maayos naman po." simpleng sagot ko.

Matapos ang mga tanong ni Papa sa akin ay umakyat na rin ako patungo sa kwarto ko. Kinuha ko yong phone ko sa bag at mabilis na dinial ang number mo. Ilang beses munang nag-ring bago ito sagutin.

("Hello, who's this?!") sabi ng boses babae. Agad kong ibinaba yong phone ko at napahilamos na lang ako sa mukha ko.

Pati ba naman phone mo na kay Dwen?! Aiishh! Ako nga ni minsan hindi ko pinakelaman ang phone mo eh, tapos siya ganon lang?! Ganon ba talaga kayo ka-close?!

Gabi na rin pero hindi pa ako makatulog. Nakahiga lang ako at nakatitig sa ceiling ng kwarto ko. Bakit hindi nanaman kaya ako dalawin ng antok?! Bumangon na lang ako at lumakad papunta sa study table ko. Tatapusin ko na lang siguro muna ang mga kailangan kong tapusin para wala na akong masyadong gagawin bukas sa opisina ko.

Nang matapos ko na lahat eh hindi pa rin ako dinadalaw ng kaibigan kong antok. Nag-open na lang ako ng facebook ko na mukhang kinakalawang na sa tagal na hindi ko binubuksan.

Unang bumungad sa newsfeed ko ang picture na nagdulot ng inis sa akin. Kakapost lang nito pero ang dami na agad ng likes at comments. Nakahawak yong kamay mo sa bewang ni Dwen habang nakangiti kayong dalawa. Tapos may caption pa na: Perfect night with my perfect guy. Nakatag ka kaya nakita ko.

Nag-iinit na talaga ang ulo ko kanina pa. Nakakarami na yang Dwen na yan ah. Akala mo naman siya yong girlfriend, kaibigan lang naman. Inilapag ko na lang yong phone ko bago ko pa ito maibato sa kung saan.

Dumapa na ako sa kama ko at pinipigilang umiyak.

" Hindi dapat iniiyakan ang ganon, Eca. Mahal ka niya." paulit ulit kong sabi sa sarili ko hanggang sa antukin na ako.

Nang magising ako kinaumagahan eh agad akong naligo at nagbihis ara pumasok sa trabaho. Tiningnan ko muna yong phone ko pero wala ni isang tawag o text mula sa iyo. Walang good morning Parts ko. Walang kain ka na Parts ko. Napailing na lamang ako bago lumabas ng kwarto.

Nang pumunta ako sa kusina eh ang daming pagkain. Nakaupo na si Mama at Papa habang nakatingin sa akin. May okasyon ba?! Nakasimangot lang ako kahit na nakakaengganyong kainin yong mga pagkain sa lamesa. Umupo ako ng nakabusangot pa rin ang mukha. Naaalala ko nanaman yong picture niyo ni Dwen kagabi.

" Goodmorning Parts ko." napalingon naman ako sa may pinto ng marinig ko ang boses mo. Nakalongsleeves ka na kulay blue at nakangiti. May dala dala ka ring bouquet of flowers habang naglalakad patungo sa dining area. Iniwasan naman agad kita ng tingin. Kahit na sobrang gwapo mo, naiinis ako sa iyo! Tumusok ako ng tocino at inilagay ito sa plato ko. Nagulat na lang ako nang makita ka na sa may gilid ko at hinalikan ako sa cheeks. Pero dahil galit nga dapat ako sa iyo ngayon, deadma lang muna ako. Kahit na medyo natanggal na yong inis ko sa iyo. Umupo ka sa tabi ko pagkatapos magmano kila Mama at Papa.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon