Part 11

13 4 2
                                    


(11)

Dear Crush,

Hindi ko alam na ganon pala kabilis magbago ang lahat. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero kapag nakakasalubong ko kayo sa hallway parang hindi niyo na ako kilala. Nahihiya na rin ako sa inyo. Ang laki ng pinagbago niyo o baka ako ang nagbago.

Kung sa bagay yon din naman yong nasa plano ko, ang layuan ka. Hindi ko naman akalain na ganon pala kalayo. Yung tipong hindi niyo man lang ako tinatapunan ng tingin.

May mga new found friends na kayo. Sikat ka na rin sa school. Nakuha ka bilang varsity ng basketball. Ang saya ko para sayo, hindi mo nga lang nakikita.

Ang dami mo nang fans, lalo na sa section namin. Half ng klase namin iniidolo ka, at yong kalahati si Grio naman ang iniidolo. Nakasama rin siya sa varsity.

Wag kang magagalit sakin ah, gwapo naman si Grio. Yun nga lang suplado masyado at masyado ring bossy. Pero mas gwapo ka pa rin siyempre.

Tapos na ang klase namin at may practice pa si Grio sa gym. Siyempre bilang isang pretending girlfriend kailangan andun ako.

"Pwedeng wag na akong sumama, makikita ko lang si Ace don eh. " reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa gym.

"Wala naman siyang pakialam kung andon ka eh. At tsaka andon si Krea, kaya dapat andon ka rin." mariin niyang sabi.

"Pwedeng magrequest?" tumigil naman siya sa paglakad at tinaasan ako ng kilay.

"Ano?" masungit niyang tanong.

"Tigilan mo na yong pag-akbay mo, yong paghawak sa kamay ko, yong pagiging sweet mo kapag nasa harap niya basta lahat." pinitik naman niya ang noo ko kaya napahawak ako rito.

"Eh paano magiging makatotohanan ang ginagawa natin kung hindi ako magiging ganon?"

"May mga lovers namang ganon ah!"

Hanggang sa nakarating kami sa gym ay yon pa rin ang complaint ko sa kanya.Para naman siyang hindi nakakarinig.

Nakajersey na siya ganon din ang ibang players. Wala ka pa. Umupo muna ako sa bleachers at nakatingin lang ako sa kawalan.

May mga babae rin na tumitili kapag may dumadating na poging players. At halos mabingi ako sa tili nila ng dumating ka na.

Umayos ako ng upo, sumusulyap ako sayo pero inaalis ko rin. Kasama mo ang barkada at si Krea. Nakakamiss na talaga kayo.

Ang gwapo mong tingnan sa suot mo bagay na bagay sayo. Sana tapunan mo naman ako ng tingin.

Hanggang nakaw tingin na lang ako sayo ngayon. Samantalang noon kahit anong oras pwede kitang kausapin at tingnan.

Umupo sila sa may dulo. Nagkukuwentuhan at nag-aasaran. Yong bagong idol ko sa room na si Krea kaasaran na nila. Nakakainggit.

Natapos ang practice at pawis na pawis ka. Inabutan ka kaagad ni Krea ng towel at tubig. Habang nakatingin ako sayo nagulat ako ng bigla kang tumingin sakin. Nagtama ang mga mata natin.

"Ang obvious mo eh noh?" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Grio sa gilid ko.

Agad kong kinuha yong bag niya at inilabas ko yong tubig at towel din. Ginaya ko lang yong ginagawa ni Krea sayo. Yon nga lang daig ko pa ang kinukuryente sa mga kilos kong nanginginig.

"Let's go, let's start another show." bulong niya sakin tapos parang nakayakap na siya.

Bumilis yong tibok ng puso ko sa mga sandaling ito. Ano itong nararamdaman ko?

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon