Part 26

10 4 0
                                    


(26)

Dear Crush,

Nakita ko ang pinsan kong nakaupo sa sofa at nanood ng tv. Lumapit ako sa kanya at naupo na rin.

"Ang epic nong boyfriend mo nong intramurals niyo. Hahaha grabe lang yong itsura niya!" tumatawa niyang sabi kaya nainis ako sa kanya.

"First of all hindi ko boyfriend si Ace. At pwede ba Lio, 'wag mo siyang pagtatawanan dahil ang lalaking yon lang naman ang nag-iisa sa mundo at walang katulad." pagmamalaki ko sa kanya. Ayoko kasi na ginaganon ka ng kahit na sino. Ganon kita kagusto na aawayin ko ang sino mang gumawa ng hindi maganda sayo. Pero don sa ginawa ni Lio nong nakaraang intramurals natin pinapakita mo kung ano ang naramdaman mong selos na siyang nagpapatunay na totoong gusto mo ako.

"Pinagtatanggol! Aminin mo kinilig ka rin noh?!" pang-aasar ni Lio sakin kaya hinampas ko siya ng throw pillow pero tinawanan niya lang ako. Tumayo ako ng nakapamewang sa harap niya at tinaasan ng kilay.

"Sa susunod na pagtawanan mo pa si Ace humanda ka talaga sakin. Wala kang karapatang pagtawanan ang taong walang kasing bait, kasing maalaga, gentleman, matalino, may sense of humor, pinagluluto ako ng paborito kong ulam at take note siya ang tagaluto ng lunch ko sa school, laging maasahan na sobrang gwapo na laging nasa tabi ni Eca. At saan ka nakakita ng manliligaw na simula elementary hanggang ngayon eh nililigawan ako?! Wala di ba?! Hindi siya katulad mo na nilalaro lang ang mga babae. Siya yong marunong maghintay na magkagusto ako sa kanya kahit ang totoo-" natigil ako sa pagsasalita ko ng makita ko si Lio na nagpipigil ng tawa at nakatingin sa may likuran ko. Kumunot ang noo ko at nagtaka. Baliw na talaga ang pinsan ko.

"Hahahaha pfffftttttttt!" tatawa siya tapos titingin sakin tapos titingin sa may likuran ko. Kaya nacurious ako at lumingon at sa hindi inaasahang pangyayari napatakip ako sa bibig kong ubod ng daldal. Bigla akong kinabahan.

"Ano ba yong totoo Eca?!" biglang parang tumigil yong paghinga ko. Dito mo na ba malalaman na may gusto ako sayo?! Wait! Hindi ko naman tinuloy yong sasabihin ko sana, buti na lang.

"Anong totoo?! Baka nagkamali ka lang ng rinig." palusot ko sayo pero binigyan mo ako ng makahulugang ngiti.

"Ano nga ba ang totoo anak?!" doon ko lamang napansin na nasa may gilid pala si Papa.

"Ang totoo niyan Tito, tinamaan na yata yang anak mong prinsesa!" tumatawang sabi ni Lio.

"Tumigil na nga kayo diyan!"bumalik ako sa pagkakaupo ko at umupo ka naman sa may gilid ko. Parang hindi ako makahinga sa presensya mo. Pansin ko rin na nakatitig ka sakin.

"Ano palang ginagawa mo rito, Ace?!" tanong ko sayo. Nagpaalam naman si Papa na may pupuntahan lang tapos isinama niya si Lio kaya tayong dalawa lang ang natira sa sala.

"Ah aayain sana kitang mamasyal. Kung okay lang naman. At nagpaalam na rin ako kay Tito kaya andito ako. Pero kung ayaw mo naman okay na ok-" agad kitang pinutol sa pagsasalita.

"Makakatanggi pa ba ako?! Nauna ka na ngang magpaalam sa magulang ko bago mo ako tinanong kung okay lang ba sakin eh." masungit kong tanong sayo. Susubukan ko lang kung anong isasagot mo. Tumingin ka sa tv at parang nenenerbyos na ewan sa upuan mo.

"Eh kasi, sa magulang muna para alam nila na malinis ang intensyon ko sayo. Ayoko naman nong bigla nalang kita yayayain parang ninakaw lang kita non kasi mag-aalala ka na baka makita tayo ng magulang mo tapos mapagalitan ka-" natawa ako sa sagot mo pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Eh bakit parang kinakabahan ka diyan kanina pa?!" seryoso kong tanong sayo at hinarap mo ako ng seryoso din ang mukha, ako naman ang kinabahan.

"Ang tunay na lalaki kinakabahan sa harap ng nililigawan nila." bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Seryoso ka pa rin at kitang kita ko ang kumikinang na pawis sa noo mo, patunay na kinakabahan ka talaga. Nakatitig ka lang sakin kaya hindi ako makakilos kahit makahinga ng maayos.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon