Part 29

9 4 0
                                    


(29)

Dear Crush,

" Dumaan pala si Ace dito, sabi niya hindi ka daw niya maiintay papasok sa school kasi may kakausapin lang daw siya. Magkita na lang daw kayo mamaya." bungad sa akin ni Lio na nakaupo sa sala nang bumaba ako.

" Ah okay, sige. Alis na ako." sabi ko na lang.

Lumabas na ako para pumasok naman sa school. Ang boring maglakad papunta sa school kapag hindi kita kasama. Walang nang-aasar sakin, walang nagpapakilig sa simpleng asaran. Nasanay na ako na palagi kang andyan.

" Di ba ikaw si Eca?!" nagulat naman ako ng biglang may lalaking tumawag sakin. Nagmadali ako sa paglakad ko. " Wait lang! " hinawakan niya yong braso ko at sobrang kinabahan ako.

" S-sino ka ba?! Anong kailangan mo sakin?!" kinakabahan kong tanong. Ngumiti naman siya at oo gwapo. Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saan. Siguro sa school kasi same yung uniform.

" Makikipagkilala lang sana ako sayo." inilahad niya yong kamay niya sa harap ko at tiningnan ko naman ito. " I'm Rence, matagal na kitang nakikita sa school. But then hindi ako makalapit kasi over makadikit yong star player ng basketball team sayo." sabay ngumiti siya.

" Ah, hello. I'm Eca. Nice meeting you." tapos naglakad na ulit ako pero nakasunod lang siya sakin.

" Sabay na tayo! " nakangiti nitong sabi.
Hindi ko na ito napigilan dahil parehas lang naman ang school na pupuntahan namin. At tsaka baka sabihin sobrang bastos ko naman kaya hinayaan ko na lang.

" Nagmamadali ka ba?! Parang ng bilis mo atang maglakad. " pagpuna niya. Ang totoo niyan hindi ko gusto yong presensya niya.

" Ah, ma-may gagawin pa kasi ako eh." tamang tama naman at nakita ko si Krea sa may gate at nakakagulat lang dahil hindi ata niya kasabay si Grio ngayon.

" Ah ganon ba."

" Ah mauna na ako." sabi ko napalingon naman si Krea sakin.

" Eca! " lumapit ako sa kanya at iniwan ko yong si Rence.

" Bakit hindi mo kasama si Grio?!" tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

" Tss. Hayaan mo siya! " sabi ni Krea sa baritonong boses. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa campus." Bakit kasama mo si Rence?! " nagtatakang tanong ni Krea.

" Kilala mo yon? " naguguluhan kong tanong.

" Oo naman. Isa kaya yon sa sikat dito sa school. Nanligaw din sakin dati yan." sabi nito.

" Sinabayan niya ako kanina." sabi ko. Nagulat naman ko ng biglang tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako ng diretso.

" Bakit hindi kayo magkasabay ni Ace?! " mapanuri nitong tanong.

" Nauna nang pumasok may kakausapin daw." kibit balikat kong sagot.

" Akala ko naman LQ kayo tulad namin." nagpatuloy nanaman kaming maglakad.

Habang naglalakad kami ay nakita kita sa hallway. Nakikipagtawanan ka sa president ng student council na babae. Sabay kayong naglalakad kasabay ng pag-usbong ng inis sa aking puso. Kaya ba hindi mo ako inantay dahil sa kanya?! Dali dali akong naglakad papunta sa room at nagtataka namang sumunod si Krea sakin.

" Huy! Eca! Ano bang nangyayari sayo?!" tanong niya ng makarating kami sa room.

" Di ba LQ kayo ni Grio ngayon?! So hindi kayo magtatabi di ba?! Dito muna ako uupo.!" sabay upo ko. Parang sasabog ako sa sobrang inis na nararamdaman ko. Selos ba toh?! Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko sa sobrang frustration na nararamdaman.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon