(16)
Dear Crush,
"Eh ako kelan mo magugustuhan?" tanong mo na sana eh walang halong biro.
Ilang sandali bago ako sumagot dahil hindi ko alam kung seryosong tanong ba yan o trip trip lang. Nakatitig ka lang sakin habang ako ay todo iwas ng tingin.
"May klase pa tayo, tama na ang mga kalokohan mo." pag-iwas ko sa tanong mo.Dali dali kong inayos ang mga gamit ko at inalalayan mo akong tumayo.
Naging tahimik ka habang naglalakad tayo papunta sa room kaya hindi na rin ako nag open pa ng topic.
Bawat kilos mo may kakaibang kahulugan para sakin na sa tingin ko'y wala kang pakialam. Bawat salita mo nakatatak sa aking isipan, gaano mman kasimple yan. Pero sana hindi mo naman daanin sa biruan, para naman mas maging makatotohanan.
Sana kasing bilis lang ng pagtibok ng puso ko kapag nakikita kita yong pag-amin ng aking nais sabihin. Pero hindi, mahirap yon. Dahil kapag andyan ka na , presensya mo palang dila ko ay umaatras na.
Isang araw nalang examination day na kaya naman busy ang lahat sa pagrereview dito sa room namin. Pointers para sa iba't ibang subjects ang nasa ibabaw ng desk ko. Messy bun ang tali ng buhok ko dahil sobrang nakakastress at parang ang init.
"Eca, patingin nong gawa mo sa English." sabi ni Krea na may dala dala pang ballpen habang lumalapit sakin.
Kinuha ko yong hinihiram niya at iniabot ko sa kanya.
"Eto oh." sabi ko.
"Salamat, later ko na lang ibabalik." nakangiti niyang sabi.
"Sige." sabi ko.
Ganyan siguro talaga kapag yong taong gusto mo ay gusto ka din, kahit stress sa mga paper works eh nakakangiti pa. Parang si Krea at Grio. Sana ganon din tayo, childhood friends turn to lovers.
Nakaramdam ako ng gutom matapos ang morning class namin kaya niligpit ko na ang mga nagkalat kong gamit. Simula nong kumain tayo sa field yon na yong madalas nating tambayan kapag walang klase. Ikaw na din ang nagdadala ng lunch para sating dalawa. I find it sweet, yong feeling na crush mo yong nagaasikaso ng kakainin mo tapos siya pa mismo ang nagluto. Pero nag-iisa ka lang na ganyan sa mundo at walang makakapantay sayo.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kita na naglalakad papalapit sakin. Nakalagay ang isang kamay mo sa bulsa ng khaki pants at nakasukbit sa kabilang balikat mo ang itim na bag. Hawak mo rin ang isang paper bag na naglalaman ng kakainin natin.
Parang nawala ang pagod ko sa pagrereview at pagsusulat ng marami ng masilayan ko ang sobrang perpekto mong mukha. Parang nawala ang stress na kanina lamang ay iniinda ko. Stress reliever ka pala.
"Done?" taas kilay mong tanong nang makalapit ka.
Nagsimula nanaman ang malakas na katyawan sa room namin ng mapansin ka nila na sinusundo ako. Nag-init ang pisngi ko pakiramdam ko ay malapit na itong sumabog.
"You're blushing." ñanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi mo.
"Hindi ah! Mainit lang talaga ang panahon ngayon. Tara na nga!" pagtanggi ko kahit alam kong halatang halata naman ang pagbublush ko.
Akmang aalis na ako palabas ng room ng bigla mong hawakan ang kamay ko. Grabe sigawan nanaman ang narinig ko. At grabe din kung magwala ang puso ko sa loob dahil sa ginawa mo. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa kamay ko. Parang may isinasalin kang kuryente papunta sa kamay ko.
"Ah A-ako na magdadala ng mga gamit mo." kinuha mo yong libro na nasa kaliwang kamay ko.
Naglakad ka na palabas ng room .