(21)
Dear Crush,
"Bakit hindi na lang si Ace at Eca ang gawing representative ng seniors?!" suggestion nong isa nating kaklase kaya nabigla talaga ako kasi hindi ko naman alam kung paano sumali diyan sa Ms. Intrams. na yan.
"Hala?! Bakit ako?! Iba na lang!" mabilis kong sigaw. Napatingin naman kayong lahat sakin.
"Kung hindi ka sasali hindi na rin ako sasali." bulong mo sakin.
"Bakit ba lagi mong ginagaya ang desisyon ko?! Gaya gaya puto maya-" agad mo akong pinutol sa pagsasalita.
"Nabuhay para alagaan ka." pagpatuloy mo.
"Ewan sayo!" sabay irap ko sayo at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana ng classroom natin.
"Tingnan niyo Ma'am ang cute nilang tingnan oh!" sigaw ng mga kaklase natin.
"Oo nga naman, Why would you try to join?!" tanong naman ni Ma'am na mukhang naimpluwensyahan na ng panunukso ng mga kaklase natin.
"Itsura ko pa lang po di na ako qualified." sambit ko at bigla ka namang tumawa sa tabi ko.
"Sinong nagsabi na hindi ka qualified, Eca?! Si Ace ba?!" nanliliit na tanong ni Ma'am sa akin. Mabilis akong umiling bilang sagot.
"Eh sino?!"
"A-ako po?" napakamot ako sa ulo ko habang sumasagot.
"Ace! Ikaw magsabi diyan sa longtime girlbestfriend mo kung ano ang masasabi mo." nakita ko naman ang paggalaw ng adams apple mo. Parang hindi ka makagalaw sa kinauupuan mo.
Tahimik ang apat na sulok ng ating room at nnaghihintay sa sasabihin mo. Pati ako ay nag-aabang ng sasabihin mo.
"Overqualified." seryoso mong sabi at nahampas kita sa braso. Pagkatapos non ay ngumisi ka ng nakakaloko.
"Anong overqualified ang pinagsasabi mo diyan?! Ha?!" bulyaw ko sayo habang nagtatawanan naman at naghihiyawan ang mga kaklase natin.
Napuno ng ingay ang klase natin. At sigurado ako na namumula na ang pisngi ko na dahilan ng pagiging mainit nito.
"Alam mo kahit kelan ang slow mo eh noh?! Simula elementary, hanggang sa maging senior high na tayo, basta simula nang magkakilala tayo sobra ang slow mo pa rin. Subukan mo kayang mag analyze." masungit mong sabi.
"Analyze ka pang nalalaman diyan! Tss. Manahimik ka na lang." humarap na ako sa may bintana para iwasan ang tingin ng lahat at lalo ka na.
"I think meron na tayong representative for Mr. and Ms. Intramurals. So Eca and Ace, inaasahan ko ang inyong pagkikipagkooperasyon dito. Sa ayaw at sa hindi kayo ang sasali period.!"
"Pero-" pinutol mo agad ang sasabihin ko dahil bigla kang sumagot kay Ma'am.
"Sure Ma'am! Asahan niyo ang pagdalo namin. Di ba Eca?!" sabay kindat mo pa at agad naman akong ginapangan ng kilig.
"Tseh! Ma'am hindi ko po talaga kaya yong mga ganong- mmmmmmm" agad mong tinakpan ang bibig ko. Kaya pilit ko itong kinakalas sa pagkakahawak mo. In fairness ang bango ng kamay mo.
"Kaya niya po yon. Sure na yon!" nakangiti mong sabi.
"Yessssss!!! Ayyiiieeee! " kaliwa't kanan ang hiyawan nila pati si Ma'am nakikisali na.
"So that's settled." ani ni Ma'am na malaki ang ngisi sa atin.
Nang umalis na siya ay don mo lang tinanggal ang pagkakahawak mo sa bibig ko.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Ayoko ngang sumali don! " Sigaw ko sayo.
"Kasama mo naman ako don kaya ako pumayag. Pero kung isa lang satin ang kasali hindi ako papayag noh! At tsaka para maranasan mo namang humarap sa maraming tao kasama ako. Ilang buwan na lang tapos na ang highschool days natin." nakapangalumbaba mong sabi habang nakatingin sakin.