(49)
Dear Crush,
Nakatitig lang ako sa calling card na bigay mo. Tatawagan ba kita?! Tumayo ako sa kama ko at kinuha ko ang phone ko. Tinype ko yong number na nakalagay.
"Aiisshhh!! " agad ko ring binura yong number na tinype ko. Hinagis ko yong phone ko sa ibabaw ng kama. Ginulo ko ang buhok ko. Lakad ako ng lakad sa kwarto ko. Gabi na pero hindi ako makatulog. May lakad pa naman ako bukas. Hindi ako nakatiis at kinuha ko yong phone ko. Tinype ko ulit yong number mo na namemorize ko na. Nanginginig ang darili ko nang pindutin ko yong call button. Itinapat ko ito sa tenga ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko sa sobrang kaba. Makalipas ang ilang ring ay may sumagot nito.
" Hello?!" medyo husky ang boses na narinig ko. Shocks! Kinakabahan talaga ako. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko ng marinig ko ang boses mo. Ang tagal kong hindi narinig ang boses mo. Limang taon Ace. Nag-init ang gilid ng mata ko at tumulo na ang luha ko. Napakagat ako sa daliri ko habang umiiyak. " Hello?!" medyo naiirita mong sabi. " Papa, let's eat chocolates." narinig kong boses ng isang bata. Si Keon. " No Keon, you need to sleep. Go to your Mom! " narinig kong sabi mo. Ang sakit! Parang tinutusok ng paulit ulit yong puso ko sa narinig ko. Agad kong binaba yong phone ko at in-end yong call. Tsaka ako umiyak ng malakas. Kelan kaya matatapos tong pag-iyak ko?! Kelan kaya mawawala ang sakit na dulot nito?!
Nakaupo ako sa sahig habang nakasubsob yong ulo ko sa kama. Panay pa rin ang paghikbi ko. Kelan ba mawawala toh?! Pagod na pagod na ako kakaiyak! Pagod na ako sa ganito!
Nagising na lang ako na nakasubsob pa rin ang mukha sa may gilid ng kama ko. Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa study table ko. Ang aga pa. 5:00 a.m. Nahagip ng mata kong namumugto ang picture frame na may larawan nating dalawa. Ito yong isa sa picture na nasa photo album na binigay mo sa akin five years ago. Tumayo ako at naglakad patungo rito. Kinuha ko ito at nakatitig lang ako. Ang saya pa natin dati. Mahal na mahal mo pa nga ako di ba?! Todo effort ka pa noon sa akin. Na kahit na may dinaramdam ka palang sakit eh nakukuha mo pang tumawa sa harap ko, sa tuwing kasama mo ako.
Akala ko ba ako lang ang nagpapasaya sayo?! Di ba sabi mo sakin, ako yong dahilan ng pagngiti mo?! Kung sa bagay, baka nagsawa ka na rin sakin. Ibang iba ka na nga ngayon eh. Change is constant and it can happen time to time.
Kinuha ko yong box na may sulat mo, photo album at CD na may video sabi mo. Binuksan ko ito at kinuha ko muli ang sulat mo. Binasa ko nanaman. Puro pangako mo na mahal mo ako, na babalikan mo ako. Pero bakit ako lang ang bumalik?! Kinuha ko yong laptop ko at isinalang ko yong CD. Ipiplay ko na sana ng biglang magring yong phone ko. Agad akong kinabahan. Baka tinawagan mo ako. Puno ng kaba kong kinuha yong phone ko sa ibabaw ng kama at tiningnan kung sino ang tumatawag. Thank God! Yong secretary lang.
"Hello?!" bungad ko.
("Hello Ma'am good morning po. Uh Para po on time tayong makarating sa resort kailangan po nating umalis ng maaga. Strict daw po kasi yong investor at kailangan daw po talaga eh on time." ) sabi niya sa kabilang linya.
" Anong oras ba tayo aalis?!" tanong ko.
("Mga 6:00 po kasi 8:00 po yong meeting niyo. Para po makapagready pa kayo pagdating natin." )sabi niya.
" Ah sige, pumunta ka na lang dito sa bahay." sabi ko.
(" Sige po thank you.") at binaba na niya yong tawag. Inilapag ko naman yong phone ko sa study table ko. Tinanggal ko na muli yong CD sa laptop ko at shinut down ito. Nilagay ko na ito sa bag ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko katulad ng damit. Mabuti na lang pala at nakapag-ayos na ako ng gamit ko kagabi.
Nagtungo ako sa banyo at naligo na. Pagkatapos non ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Halata ang pamumugto ng mga mata ko. Naglagay ako ng light na make up. Medyo hindi naman nahalata na galing ako sa pag-iyak. Nakalugay ang mahaba kong buhok. Bumaba na ako matapos yon dala dala ang mga kakailanganin ko. Marami akong dalang damit dahil magistay pa ako roon ng mga one week siguro. Tutal kapag hindi ko naman napa-oo yong investor eh magistay pa ako rito sa Pilipinas ng isang buwan. Tumingin ako sa wrist watch ko at malapit nang mag ala sais.
