Part 58

5 3 0
                                    


(58)

Dear Crush,

" Tuloy ba tayo?!" tanong ko sa iyo nang makarating ako sa opisina mo. Ibinaba mo yong papel na hawak mo at tsaka tumingin sa akin at ngumiti.

" Of course." masigla mong sabi kahit na alam ko naman na pagod na pagod ka.

" Okay lang naman eh, mukhang pagod ka sa trabaho oh?! Mabuti pa sa ibang araw na lang tayo magcelebrate ng monthsary natin." sabi ko.

Yeah, ilang buwan na rin ang nakakalipas simula nong sagutin kita sa isang sobrang romantic place na inihanda mo. At ikaw yong boyfriend na hindi nawawalan ng oras sa akin. Katulad ngayon, kahit pagod sa trabaho gusto pa mo pa ring magcelebrate tayo. Okay lang naman sa akin kung hindi dahil hindi naman mahalaga yon. The important thing is your love towards that someone. Bigla namang may kumatok sa office mo kaya napatingin tayo doon.

" Sir, iiinform ko lang po kayo para sa meeting niyo later." sabi nong sekretarya mo.

" I-cancel mo lahat ng appointments ko today." maawtoridad na sabi mo. Tiningnan kita ng masama habang nakangisi ka lang sa akin.

" Ah okay po Sir." napakamot na lang siya sa ulo niya at tsaka isinara yong pinto.

" Hoy! Pwede naman nating i-cancel na lang yong date natin today. Marami ka palang gagawin pa eh." iritableng sabi ko sa iyo.

Tumayo ka sa inuupuan mo at tsaka pumunta sa may likuran ko. Ipinulupot mo yong braso mo sa aking bewang at hinalikan yong buhok ko. Kahit na boyfriend ba kita sobrang kinakabahan pa rin talaga ako kapag ikaw ang kasama ko. The sparks that I feel before didn't change. Ganon pa rin ang nararamdaman ko para sa iyo, nothing changed.

" I don't care about that. Don't worry okay?! Basta mamasyal tayo ngayon. Oras mo ngayon para makasama ako at mag-enjoy kasama ang isat isa. Happy monthsary! I love you!" bulong mo. Kinilabutan naman ako at napangiti na lamang.

"Oh siya sige na nga. Ikaw ang boss eh! I love you din." nakangiti kong sabi habang nakaharap sa iyo. Nakatingin ka lang sa akin at mabilis akong hinalikan sa lips. Natawa na lang ako habang lumalabas tayo. Nakakapit yong kamay mo sa bewang ko na palagi mong ginagawa. Sanay naman na yong mga empleyado ng kompanya sa nilalanggam nating kasweetan at kahit sila ay kinikilig rin.

Para sa iyo sobrang bilis ng lahat pero para sa akin tama lang. Kelan mo kaya ako maaalala?! Okay lang naman na hindi dahil masaya na tayo. Naipakilala na rin kita kila Mama at Papa bilang boyfriend ko at sobrang saya nila para sa atin. Naiyak pa nga si Mama eh. Hindi ko ring maiwasan na hindi magselos sa tuwing may kakausap sa iyo na babae syempre babae rin naman ako at natural lang yon. Pero hindi mo pinapatagal ang lahat kapag nagseselos ako at ang lagi mong sinasabi eh wala namang dahilan para magselos ako dahil mahal na mahal mo ako. Don palang sa mga salitang yon nawawala na lahat. Hindi mo pinaparamdam na may dapat akong ikaselos ako lang talaga ang nag-iisip ng kung ano ano na siyang ikinaseselos ko. Ganon naman talaga ang mga babae di ba?! Lalo na kung sobrang gwapo ng boyfie mo, katulad mo. Aye!

Habang naglalakad lakad sa mall eh enjoy na enjoy tayo sa mga kalokohan mong sinasabi. Hindi talaga ako mabobored kapag ikaw ang kasama ko. Kahit na titingnan lang siguro kita buong maghapon at magdamag hindi ako magsasawa at hindi mabobored. Napangiti naman ako sa mga naiisip ko.

Dumaan tayo sa bilihan ng alahas at nagtitingin tingin ka. Napakunot naman ang noo ko.

"Anong bibilhin mo?!" tanong ko.

" May nagugustuhan ka ba sa mga yan?! Like rings." kibit balikat mong tanong.

" Marami pa akong singsing. At tsaka hindi ko naman kailangan ng mga ganyan mamaya maholdap pa ako sa daan kapag nagsuot ako ng mga ganyan." sabi ko. Napatawa ka naman at pinisil ang ilong ko. Nag-iba naman ang ekspresyon mo at tila kinakabahan.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon