Part 15

11 4 0
                                    


(15)

Dear Crush,

Naglakad tayo hanggang sa makarating na tayo sa tapat ng bahay namin. Hindi na kita kinausap simula nong sinabihan kita ng 'Namiss kita sobra' dahil kinakabahan ako at baka kung ano pa ang maamin ko sayo. At ikaw naman, kanina mo pa ako inaasar at tawa ka ng tawa sa tabi ko kaya lalo akong nahihiya.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?!" nangisi mong tanong ng nasa tapat na tayo ng bahay.

"Sige pasok ka, kung gusto mong makita kung paano magtransform ang Papa ko sa pagiging dragon." natawa ka naman sa sinabi ko.

"Sige, next time kapag prepared ako papasukin ko yang bahay niyo. At kahit magtransform pa bilang mabangis na tigre ang Papa mo haharapin ko." agad namang nag-init ang mukha ko kaya medyo tumungo ako dahil baka makita mo ang pamumula ng mukha ko.

"Sus! Sige na, baka makita pa ako non dito sa labas. Bye thank you sa paghatid." nginitian kita at kumaway ako sayo.

"Always welcome baby Eca, bye! See you tomorrow! Baka di ka makatulog niyan mamaya sa kakaisip sakin ah! Kanina ka pa namumula oh!" agad akong tumalikod sayo at tinakpan ang mukha ko. Shocks! Nakakahiya.

"Umalis ka na nga!" sigaw ko sayo. Tumatawa ka pang naglakad palayo.

Binuksan ko ang gate namin at agad akong pumasok. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin. Parang hinahabol ng kung ano ang pintig ng puso ko sa sobrang pagmamadali nito. Para akong sasabog sa kilig.

Pagkarating ko sa bahay hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking labi, aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko ng makasalubong ko si Papa sa sala. Tumayo siya at humarap sakin.

"Hi Pa!" nakangiti kong bati sa kanya.

Nagmano ako at hinalikan ko sa Papa sa cheeks. Seryoso naman ang mukha ni Papa. Lagi na lang.

"Sino yong naghatid sayo?!" dinatnan agad ako ng kaba sa tanong ni Papa. Paano niya nalaman yon?

"Kaibigan ko po." mabilis kong sagot sa kanya.

"Kaibigan lang ba?" bumagsak ang tingin ko sa tiles na sahig namin. Kaibigan lang naman kita.

"O-oo naman po." may halong kaba kong sagot.

Iba talaga pag si Papa ang kausap ko lagi na lang parang pagagalitan ako. Ang strikto pa naman nito.

"Eh bakit kung makangiti ka ay daig mo pa ang nanalo sa loto?!" nahalata ata ni Papa ang kilig ko sa paghatid mo sakin dito sa tapat ng bahay namin. Kinikilig lang talaga ako kaya ako nakangiti.

"Hindi na po ba pwedeng ngumiti ng ganito? Inenjoy ko lang po ang buhay, kesa naman po sa inyo na laging seryoso ang mukha.Lagi na lang pong nakakunot ang noo niyo sige kayo mabilis ang pagtanda niyo niyan. " kumunot ang noo ni Papa at nakaramdam ako ng takot. Bakit ko ba kasi sinabi sa kanya yon?!

"Hindi naman porque at seryoso ang mukha ko ay hindi ako nageenjoy! Sa susunod kung may maghahatid sayo na kaibigan ay papasukin mo naman dito sa bahay. At tsaka highschool ka na pero wala pa rin kaming nakikilala ng Mama mo na kaibigan mo."Akala ko pagagalitan niya ako. Paano naman ako magdadala ng kaibigan eh ni ayaw nga nila akong palabasin ng bahay.

Kung alam ko lang na gusto pala nila na makilala ka edi sana pinapasok kita. Kaso baka himatayin na ako non dahil sayo.

"Sige po next time." sabi ko sa kanya.

"Nag-eenjoy ka lang ba talaga anak?! " nagtatakang tanong ni Papa at nakatingin lang sa mukha ko. Para bang sinusuri niya ang mukha ko.

"O-opo." nakakatakot naman makatingin si Papa.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon