(Epilouge)
Pagtapos tapusin ni Eca ang pagsusulat sa notebook niya na para kay Ace naagaw ang atensyon niya sa phone niya na umiilaw sa ibabaw ng kama niya. Nakita niyang si Ace ang tumatawag. Kakatapos niya lang umiyak ng umiyak at pagod na pagod na siya. Pero hindi niya mapigil ang mga luha niya dahil kusa itong tumutulo sa tuwing naaalala niya ang sinabi ni Ace sa kanya.
"Let's end this. Nasasaktan lang kita ng dahil sa akin." mga salitang sinabi ni Ace na nagpadurog ng husto sa puso ni Eca.
" Tss. Patawag tawag ka pang nalalaman diyan! Papaiyakin mo lang naman ako! " sabi niya at hindi na pinansin yong tawag ni Ace.
Muli niyang tiningnan ang lahat ng bagay na binigay sa kanya ni Ace noon. Muling niyang binalikan ang mga alaalang masaya kasama ang isa't isa kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.
"Ano ba?!!" sumigaw pa si Eca at bumalik na sa pag-aaral.
"Alam mo crush ko si Eca." hindi alam ni Eca kung sa kanya ba sinabi yon ni Ace o sa kanila. Halos mapunit ang libro niya dahil narinig niya ang pangalan niya mula sa kaibigan. Umiinit talaga ang ulo niya.
Nagsimula nang mang-asar ang mga kaklase at maging mga kaibigan nilang dalawa. Tawa naman ng tawa si Ace habang si Eca ay inis na inis na at namumula sa galit.
Tumayo siya at tiniklop ang librong binabasa. Humarap siya kay Ace nang nakakunot ang noo at nakapamewang pa.
"Anong problema mo?!" inis niyang sabi sa kaibigan. Tumawa lang si Ace bago nagsalita.
"Eca,namumula ka oh!" panunukso ng batang si Ace.
Gustong sabihin ni Eca na namumula siya dahil sa inis sa kaibigan at baka nga ay nahahighblood na nga siya. Pero walang lumalabas sa bibig niya, parang napipe siya.
Nahagip ng mata niya ang mga libro niyang nasa ibabaw ng desk.Kinuha niya yong nasa ibabaw at inihagis ito kay Ace pero nakailag siya. Ganon din ang nangyari sa pangalawa. Nang ihahagis na sana ni Eca kay Ace yong pangatlo ay natigil siya dahil nagsalita si Ace.
"Kapag ibinato mo pa yang pangatlo, ibig sabihin niyan 'I love you'" seryoso nitong sabi.
Nagsimula nanaman ang tuksuhan sa loob ng classroom na parang naintindihan ang sinabi ni Ace samantalang walang ideya ang kaibigang si Eca sa mga sinasabi nito. Nakatunganga lang ang batang si Eca dahil hindi nito alam kung anong koneksyon non sa tatlong libro.
"Anong konek? Nababaliw ka na ba ha? Kung ano ano ang pinagsasabi mo." sigaw niya kay Ace. Natawa na lang si Ace.
"Ilan ba ang words ng 'I love you' ?" tanong mo sa akin.
"Tatlo" sagot ni Eca sa kaibigan.
"Pang ilan na yang hawak mong libro?"
"Tatlo."
Halos sumabog na siya sa inis sa kanya kaya naihagis ni Eca yong hawak niya na libro sa mukha ni Ace at wala siyang balak magsorry sa ginawa niya. Ayon sapul sa mukha ni Ace.
Tinawanan naman ng mga kaibigan nila si Ace pero para pa rin itong tanga na nakisabay pa sa tuksuhan tungkol sa kanilang dalawa.
"Ibig sabihin You love me? I love you too!" natatawa nitong sabi.
"Ayyiiee!" panunukso ng kanilang mga kaklase.
"I love you'hin mo yang mukha mo!" pinulot ni Eca yong mga librong nagkalat at kinuha niya na rin yong bag niya.
Ang unang kabata kung saan nagsimula at bumukadkad ang pag-ibig ng dalawang bata. Ang araw kung saan unti unting nagkaroon ng kakaibang pakiramdam si Eca sa kanyang kaibigan na si Ace. Naalala niya ang unang araw na nag-iba ang pakikitungo niya kay Ace at bawat galaw niya ay nag-iba rin. Unti unti nanamang tumulo ang luha niya ng maalala niya ito. Bagay na hindi niya talaga inaasahan dahil sobrang bata pa nila noong mga panahong iyon. Mga panahon na halos lahat ay puro kalokohan at biro lang. Simpleng biro na nauwi sa totohanan.