Part 24

7 3 0
                                    


(24)

Dear Crush,

"Anak pwede ba, nahihilo na ako sayo eh. Kanina ka pa lakad ng lakad at padyak ng padyak diyan." sabi ni Mama.

Kanina pa talaga ako kinakabahan. Paano kung madapa ako habang naglalakad, edi pinagtawanan na ako non! Hayys!

Umupo ulit ako sa upuang katabi nung inuupuan ni Mama.

"Tumawag na po ba kayo sa bahay?!" tanong ko.

"Oo, papunta na daw dito si Lio para sunduin ka. Wag ka ngang kabahan ng sobra para ka namang mamatay kapag nangyari ang mga iniisip mo." sabi ni Mama na parang sinisermonan na ako. Napabuntong hininga na lang ako.

Nag-angat ako ng tingin ng biglang bumukas yong pinto ng salon. Nakita ko ang pinsan ko na nakangiti samantalang ako'y kabadong kabado na.

"Namumutla ka ata?!" pambungad niya ng makalapit samin.

"Kanina pa kinakabahan yan. O siya, ikaw na ang bahala sa pinsan mo Lio. May lakad ako ngayon at kailangan ko nang umalis.!" sabi ni Mama at bumaling naman sakin " At ikaw tandaan mo lahat ng bilin ko. " tumango naman ako agad.

"Take care Tita, ako na po ang bahala kay Eca. Don't worry." sabi naman ni Lio.

Umalis na si Mama at sumakay naman kami ni Lio sa sasakyan niya.Kahit na sobrang todo na ng aircon sa loob ng kotse niya ay pinagpapawisan pa rin ako ng malamig.

"You look so cute and different everytime. Siguro marami nang nanliligaw sayo noh?!" pang-aasar niya sakin kaya mabilis kong hinampas ang braso niya. Tumawa lamang siya.

"Hay nako may nang-aasar na nga sakin dadagdag ka pa. Ewan ko ba sa inyong mga lalaki palagi na lang nang-aasar." sabay irap ko sa kanya.

"Normal lang yon samin! At tsaka madalas sa asaran nagsisimula ang hindi inaasahang feelings. At yon din ang kadalasang dahilan kung bakit mabilis kayong nagkakagusto sa lalaki, that's what you called 'sense of humor' " binigyan pa talaga niya ng emphasize yong words na sense of humor.

Kaya pala. Kaya pala ang bilis kong magkagusto sayo kasi nagustuhan ko muna ang sense of humor mo na nakakuha ng atensyon sa damdamin kong nanahimik at bigla mong ginulo.Kaya mo ba dinaan sa biro ang lahat kasi yon yong madaling gawin?!

"Ngayon mo lang narealize kung bakit ka nagkagusto sa kanya noh?!"nabalik ako sa aking pagiisip ng magsalita ang pinsan ko na parang nang-aasar nanaman.

"Anong pinagsasasabi mo diyan?! Wala akong nagugustuhan noh! " pagtanggi ko.

"Hindi ako naniniwala. I know meron yan. Namumula ka nanaman oh!" itinuro niya pa yong mukha ko kaya mas lalo akong nainis.

"Tigilan mo nga ako! Wala tayo sa showbiz! Hindi ako artista para tanungin ng ganyan. Magdrive ka nalang dahil kaunting oras na lang magsisimula na ang parade." bulyaw ko sa kanya.

Bigla naman akong nagulat ng itigil niya ang kotse niya sa may gilid. Kumunot ang noo ko samantalang nakangiti siya na pang-asar sakin.

"Bakit mo hininto?!" naiinis kong tanong.

"Sino muna ang gusto mo?! "Ghad! Nakakainis talaga ang pinsan kong ito. Sana nagcommute na lang ako.

Napatingin ako sa wrist watch ko at ilang minuto na lang magsstart na. Baka malate pa ako neto lalong nakakahiya yon.

"Pag ako nalate kasalan mo talaga Lio! " sigaw ko sa kanya pero nakangiti lang siya.

"Kapag hindi ko sinabi sakin hindi tayo aalis dito kahit na matapos na ang intramurals niyo na walang muse yong escort mo." nakangisi niyang sabi kaya't agad kitang naalala. Sabihin mo lang pinagmukha kitang tanga kakaantay sakin. Ayokong mangyari yon!

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon