(32)
Dear Crush,
Hindi ako nakatulog ng maayos. Parang lumulutang pa rin ako at hindi ko malimutan yong nangyari kagabi. Yong kiss sa cheeks!
Ginawa ko na lahat ng ritwal ko sa umaga at ready na akong pumasok. Kinakabahan akong makita ka. Tulala ako ng bumaba ako sa sala. Nakita agad kita na nakaupo sa couch. Ngumiti ka sakin at kinilabutan nanaman ako. Wala sila Papa at Mama dahil may lakad, si Lio naman ay nasa gym na.
" Good morning! " masayang bati mo sakin at kinuha mo na yong mga libro sa kamay ko.
"Good morning din" naiilang kong sabi.
" How was your sleep last night?!" nag-iwas ako ng tingin. Parang sasabog ako sa tuwing naalala ko yong kagabi.
" Hi-hindi ako nakatulog ng maayos " diretsong sabi ko. Ayoko nang magsinungaling, there's no use. Ngumiti ka habang lumalabas tayo sa gate.
" Ako nga din eh! It's like last night is the most magical night I ever had. " naiiling mong sabi. Kumunot ang noo ko dahil gusto kong sabihin sayo na yong gabi na yon ang hindi ko malilimutan. First kiss sa cheeks ko ang bestfriend slash manliligaw ko.
" Bakit naman?!" tanong ko.
" Kasi nakasama kita. Every moment we had, I treasured that. " nakangisi mong sabi. " So.. Bakit hindi ka nakatulog ng maayos?!" ayan nanaman yong kaba sa dibdib ko. Natulala ako habang naglalakad sa gilid mo.
" Ah-eh kasi... bakitmobakasiakohinalikansacheeks?!" tuloy tuloy kong sabi. Kumunot ang noo mo at yong pang-asar mong ekspresyon lumabas nanaman. Lumakad ako ng mabilis habang ikaw ay nakangisi pa rin. Hinawakan mo yong braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sayo ng naiinis dahil nang-iinis ka nanaman.
" P-pakiulit nga?!" namamangha mong pakiusap. Nakangisi ka at ang sarap mong tingnan.
" Malilate na tayo!" sigaw ko sayo perp ayaw mo pa ring bitiwan yong kamay ko. Nakangisi ka lang, na parang nagugustuhan ang mga pangyayari.
" Hindi tayo aalis hanggat hindi mo sinasabi ulit!" mariin mong sabi. Humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan kita sa mata.
" Okay! Ang sabi ko bakitmoakohinalikansacheekskagabi?!" nakakakaba pala talaga. Hindi ko masabi sayo ng maayos.
" Ano ulit?! Sige ka malilate ta-" hindi na kita pinatapos magsalita. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi mo. Natulala ka naman. Ang kulit!
" Alam mo bang hindi ako makatulog dahil hinalikan mo ako?! " mataray kong sabi sayo. Ngumisi ka lang at paarang natutuwa.
" Parehas lang naman tayo ah! Pero.... " tumingin ka sa akin na parang tutunawin mo na ako. " Kapag napangasawa na kita, sa lips na." tumingin ka sa labi ko. Agad ko itong tinakpan at nag-init nanaman ang pisngi ko. Nagmartsa ako palayo sayo at hinabol mo naman ako. Tumatawa ka habang pinapakalma ako.
" Okay lang yan at gusto ko na ganyan ka kaapektado sa isang goodnight kiss ko." parang matutunaw na ata ang tuhod ko at anytime babagsak ako sa nilalakaran natin. Hindi ako humarap sayo dahil panigurado namumula na ang pisngi ko kaya nagtuloy-tuloy ako sa paglakad.
" Eca!" napalingon naman tayong dalawa ng marinig ang pangalan ko. Nakita ko si Rence na nakangiti at papalapit sa atin.
" Oh, ikaw pala Rence! " bati ko. Nakita ko na sobrang sama ng tingin mo kay Rence at mukhang papatay ang tingin mo.
" Hindi kita nakita kagabi?!" nanghihinayang na bungad nito.
" Hindi ka rin niya nakita! " bigla mong sabi kaya sabay kaming napatingin sayo. Kumunot ang noo ko dahil parang nang-iinis ka.