Part 28

7 4 0
                                    


(28)

Dear Crush,

" Naku, kayo talaga! Bakit naman kayo nagpaulan? Paano kung magkasakit kayo niyan? Eca umakyat ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit! " sabi ni Papa ng makauwi na tayo sa bahay. Nakatungo lang ako dahil alam kong magagalit si Papa.

" Sige po, ah Ace salamat! " sabi ko pero hindi pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko.

" Ikaw Ace, diyan ka lang kukuha lang ako ng damit mo.!" sabi naman ni Mama na nasa gilid ni Papa.

" Hindi na po Tita, mauna na rin po ako. Sorry po talaga hindi na mauulit." nag-aalalang sabi mo. Hinarap mo ako at tumingin ka sakin. " Eca, thanks for the time."

Nagpaalam ka na dahil sabi mo eh malapit lang naman yong bahay niyo. Hindi ka naman na napigilan pa nila Mama at Papa. Umakyat ako sa kwarto ko at naligo muna bago magpalit ng kumportableng damit. Pagkaligo ko ay bigla nalang akong nabahing.

Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Humiga ako sa kama ko at binalot ko ang katawan ng comforter. Sobrang nilalamig ako kahit na sobrang balot na balot na ako ng makapal kong comforter.

Naalimpungatan ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko. Nakatulog pala ako at medyo sumasakit ang ulo ko. Bago tumayo ay nabahing nanaman ako at parang matutumba ako pero inayos ko ang sarili ko.

"Bumaba ka na at kakain na tayo." sabi ni Mama.

" Sige po! " nanghihina kong sabi.

Naunang bumaba si Mama at sumunod naman ako. Ang bigat ng katawan ko at sobrang panghihina ang nararamdaman ko.

Kahit na ang daming pagkain ay wala akong gana. Konti lang ang inilagay ko sa pinggan ko.

" Okay ka lang, couz'?! " biglang tanong ni Lio sa akin.

" Okay lang ako." pagkatapos kong magsalita ay bumahing nanaman ako.

" May sakit ka ba Eca?! " nag-aalalang tanong ni Mama. Agad siyang tumayo at lumapit sakin. Inilapat niya ang kanyang palad sa noo ko.

" Magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Dadalhin ko na lang ang gamot mo don." sabi ni Mama.

" May sakit?!" tanong ni Papa.

" Oo, nilalagnat. Siguro dahil don sa pagpapaulan niya." sabi ni Mama at naglakad na patungo sa tapat nong maliit na cabinet sa kusina na lalagyan ng first aid at ilang medicine.

Umakyat na ako sa kwarto ko at agad na nahiga sa kama. Sumasakit ang ulo ko at bahing ako ng bahing.

" Inumin mo muna itong gamot mo." sabi ni Mama dala dala ang isang baso ng tubig at gamot. May dala rin si Papa na palagana na may lamang tubig tsaka basang bimpo. Ininom ko kaagad ang gamot at tinapalan ni Papa ng bimpo yong noo ko.

" Magpahinga ka na muna. " sabi nila. Nakaramdam naman ako ng antok bigla.

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Umaga na pala at mataas na ang sikat ng araw. Kaunting galaw ko lang ay sumasakit na kaagad ang ulo ko at parang ang bigat bigat ng katawan ko. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko na dahan dahang bumukas at nakita kita dala dala ang tray na may lamang pagkain.

" A-anong ginagawa mo rito?!" nagtataka kong tanong. Napatingin ako sa orasan ko at nanlaki ang mata ko ng makitang 8 am na pala. " Late na ako! Bakit di mo ako ginising?!" agad akong napatayo pero biglang sumakit ng kaunti ang ulo ko at parang nahihilo pa rin ako. Agad mo rin akong dinaluhan na may nag-aalalang mukha.

" Good morning! Wag ka nga munang bumangon." inalalayan mo akong umupo ng maayos sa kama ko. Kinuha mo yong tray na may pagkain at umupo ka sa harap ko." Kumain ka na para makainom ka ng gamot." sabi mo. Nakatingin lang ako sayo dahil sobra sobrang pag-aalala ang pinapakita at pinaparamdam mo sakin.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon