(20)
Dear Crush,
"Ako na diyan." maawtoridad mong sabi habang nagwawalis ako.
"Ano?! Eh kanina mo pa inaagaw lahat ng ginagawa ko. Pagdadala ng basuharahan, pagdadala ng dustpan, pamumulot ng basura at kahit na anong ginagawa ko! Maghanap ka nga ng gagawin mo, hindi yang nang-aagaw ka." dirediretso kong sabi sayo.
Binitawan mo ang sako na pinaglalagyan ng basura at dala dala mo. Inilapag mo ito sa gilid at nag-angat ka ng tingin sakin. Natigil naman ako sa pagwawalis ng mga tuyong dahon at balat ng kung ano anong produkto.
"Basta, sundin mo na lang. " sabay agaw mo nong walis tingting sa kamay ko.
"Edi sana pala hindi na ako nagpunta di ba?! Community service nga eh di ba? Ano, papatayuin mo lang ako dito?!" sabi ko sayo. Napansin ko naman na biglang nagtahimik ang paligid. Nanlaki ang mata ko ng makita sila na nakatingin satin.
"Ayiiiieeee!" panunukso nilang lahat sa gitna ng mainit na sikat ng araw. Hindi ko na lang pinansin.
"No, mamaya mapagalitan pa ako dito. Ano na lang ang iisipin ng mga schoolmates natin? Na may special treatment na nangyayari?!" napansin mo yata na masyado na akong highblood.
Gusto ko naman kasi na tumulong. At tama lang naman pero ang pigilan mo ako sa mga gusto kong gawin ngayon ay nakakapang-init ng ulo.
Hinila mo ako papunta sa ilalim ng isang puno sa gilid. Dahan dahan mong kinuha yong walis tingting sa aking kamay.
"Ang dami mo nang pawis oh! Nauuhaw ka ba? Teka kukunin ko lang yong tubig na nandon sa may bench! Just wait for me here."hindi ko maintindihan kung bakit iniba mo ang usapan at natulala na lang ako sa aking kinatatayuan. Agad kang tumakbo papunta don sa may lagayan ng gamit at natanaw ko ang pagbukas mo ng bag.
Pagbalik mo isang bimpo at bottle of water ang dala dala mo. Agad akong umayos ng tayo at pinanood lamang kita sa paglalakad.
"Oh eto tubig, lumapit ka nga dito." humakbang naman ako ng kaunti hanggang sa maglapit tayo.
Sobrang init ng panahon pero nanlalamig ako. Bakit ba ganyan ka?! Bakit sobra sobra ang pag-aalala mo?! Ang pag-aalaga mo?!
Parang naging bato ako ng punasan mo ang pawis na nasa noo ko. Nakatingin lang ako sayo. Ang seryoso mo at sobrang gwapo lalo na kapag malapitan.
Wala naman akong ginawa dahil ikaw ang gumagawa ng lahat ng dapat kong gagawin.At ni hindi nga ako napagod nainitan lang talaga ako. Hinawakan ko ang kamay mo na nagpupunas ng pawis ko at napatitig ka sa akin.
Kinuha ko yong bimpo sa kamay mo at alam kong ikaw ang mas nangangailangan nito.
"Tss. Ikaw ang sobra ang pawis diyan! Ako pa tong pinupunasan mo? Halika ka nga dito! Ang pasaway kasi masyadong bossy." idinampi ko sayo ang bimpo habang nagsasalita ako at pansin sobrang kinis ng mukha mo.
"Pinupunasan mo ba ang pawis ko o minimemorize mo ang bawat feature ng mukha ko?!" halos mabitawan ko ang bimpo dahil sa sinabi mo. Mind reader ka ba? O baka masyado akong halata?!
"Yabang mo rin eh noh?!" sabi ko sabay hampas nang mahina nong bimpo sa dibdib mo.
"May ipagyayabang naman eh. Okay lang naman sakin na titigan mo ako, kesa sa iba ka pa tumingin. " nakangisi mong sabi sabay kindat kaya umiwas ako ng tingin.
"Tutulong ba tayo sa paglilinis o maglolokohan at magkukuwentuhan na lang tayo rito?!" sarcastic kong sabi.
Gusto ko naman na ganito na lang tayo pero parang nakakahiya naman. Nagpunta pa tayo dito para lang mag-usap.
