(34)
Dear Crush,
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi na ako makasunod. I mean sobrang nakakamangha at napakaunexpected. Sobrang saya ng lahat at halata na kinikilig.
" Uhm, nagustuhan mo ba?!" nag-aalangan mong tanong. Nginitian kita ng sobrang lapad.Umiling ako na ikinabahala mo." Okay lang naman kung hindi mo nagustuhan. Akala ko kasi magugustuhan mo. Simple lang ba ang gusto mo katulad nong nakita natin sa park-" natigil ka sa pagsasalita ng tumayo ako at niyakap kita. Halata naman na nagulat ka sa ginawa ko at hindi ka kaagad nakagalaw. Narinig ko ang malakas na sigawan ng mga nasa gym pero hindi ko na pinansin.
" Thank you! Hindi ko lang siya nagustuhan because I love it! Sobra! I have the very special treatment everytime I'm with you! I'm lucky to have you! " masaya kong sabi. Sinuklian mo ang yakap ko at nararamdaman ko ang matinding kuryente na dumadaloy sa akin.
" Thank God! Ang mga babae tinuturing na prinsesa katulad mo." buong mo.
Nang matapos na ang inihanda mo eh nalaman ko na wala ka naman palang practice. Unti unti ng lumalabas ang mga nakasaksi sa kakiligkilig na surprise mo.
" Kunin ko lang yong bag ko sa may locker." paalam mo. Tumango naman ako at muling naupo.
" Eca, alis na kami ah! May gagawin pa kasi eh. Sagutin mo na kasi todo effort oh! Wala na atang makakapigil pa sa inyo." natatawa nilang sabi. Nakitawa na lang din ako.
" Kayo talaga! " pagdepensa ko. Naglakad sila palabas ng gym habang tumatawa kakakantyaw sakin. Konti na lang ang mga students sa gym. Lumingon naman ako sa bandang kanan ko at nakita ko ang nakangiting si Tacey. Naglalakad siya patungo sa akin.
"Ikaw na talaga! " maligaya niyang sabi sabay siko niya sakin. Hindi ba siya nagseselos kasi di ba gusto ka rin naman niya.
" He's the man full of surprises, that's him." sabi ko na lang habang nakangiti sa kanya. Bigla naman siyang tumahimik sa isang tabi. Nagtaka naman ako at kumunot ang noo ko.
" Ang swerte mo sa kanya. Sobrang maeffort mapasaya ka lang. Lahat kaya niyang gawin para sayo. " seryoso niyang sabi sakin. Iniisip ba niya na sana siya na lang ako?!
" I know. At sobrang naaappreciate ko ang lahat ng yon." sabi ko.
" Alam ko din. Alam mo bang halos kilala na kita?!" nagtaka naman ako bigla at tumingin ako sa kanya.
" Paano naman?! Stalker ba kita?!" natatawa kong sabi. Ngumiti naman siya sakin.
" Hindi ako stalker noh! Ang totoo niyan noong hindi pa siya sa pilot section palagi kaming magkasama. Sa bawat oras na magkasama kami hindi pwedeng hindi niya babanggitin ang pangalan mo. Lahat ng katangian mo, lahat ng paborito mo palagi niyang sinasabi sakin. Lahat ng pinagdadaanan niyo alam ko. Magmula nong elementary pa kayo. " binalingan niya ako habang nagsasalita. Nakatingin lamang ako sa kanya at nag-aabang ng kung ano mang sasabihin niya.
" Wala ka bang boyfriend?!" nag-aalangan kong tanong.
" Meron noh! Siguro iniisip mo na aagawin ko sayo si Ace?!" tumatawa niyang pagdedeklara. Napakamot nalang ako sa batok ko sa sobrang hiya na aking nararamdaman. Embarassment!
" H-hi-hindi k-kaya." nauutal kong pagtanggi.
" Kahit hindi mo naman sabihin alam ko eh! Mahal na mahal ko ang boyfriend ko at hindi ko siya ipagpapalit. Nagseselos nga yon nitong nakaraan kasi lagi kaming magkasama ni Ace." nakikinig lang ako sa kanya kasi gusto ko nang mawala ang selos na nararamdaman ko sa inyo ni Tacey.
" Bakit nga pala kayo magkasama ni Ace nong nakaraan?!" tanong ko. Nilalaro ko ang mga daliri ko habang inaantay ko siyang magsalita.
" Kasi dahil dito." kibit balikat niyang sagot sakin. Nagtaka nanaman ako sa sagot niya.
