(5)
Dear Crush,
Kasabay kong pumunta sa canteen yong mga girls syempre wala si Lara. Naiwan kayo sa room dahil hindi pa kayo tapos magsagot ng quiz kaya nauna na kami.
Naupo kami sa tabi ng mga pinsan mo. Isang long table sa canteen yon.
"Asan si Ace?" tanong nung pinsan mo.
"Uy Eca, tinatanong ka."
Hindi ko alam na ako pala yong tinatanong nila.
"Ewan?" patanong kong sagot.
Natawa naman sila sa akin.
Nagkwentuhan naman sila tungkol sa mga laruan something.Mga usapang bata siyempre elementary palang tayo.
"Ace!" tawag nila sayo ng dumating kayo..
Naghuramentado nanaman ang puso ko. Bakit ba kinakabahan ako sa tuwing andyan ka? Pinagpatuloy ko ang pagkain ko para matapos agad.
"Uy!" nakipaghighfive ka pa sa kanila.
Nagulat ako ng tumabi ka sakin. Naamoy ko yong pabango mo na baby cologne. Nagsimula nanaman akong maconscious hanggang sa pagsubo ng kutsara ko.
Bawat galaw ko pakiramdam ko nakatingin ka sakin.
Lalo na kapag kinakausap mo yong katabi ko kaya parang sakin ka nakatingin.
Tumayo ako agad. Hindi ko na makayanan ang kabang nararamdaman ko.
" Ah Cr lang ako." sabi ko at dumiretso na ako sa Cr. Naghugas ako ng kamay ko.
Nang bumalik ako ay tapos na kayo sa pagkain. Agad kang tumingin sakin. Parang tinitipid ko lahat ng galaw ko kapag andiyan ka.
"Tara sa gym?" yaya mo.
Pumunta naman tayong magkakaibigan don. Naglaro kayo ng basketball. Nakatitig lang ako sayo.
Nagbell na kaya pumunta na tayo sa room. Naisisingit ko pa ang pagrereview ko sa pagsama sa inyo. Ayoko kasing mawalan ako ng kaibigan na tulad niyo ng dahil lang sa nararamdaman ko para sayo.
Nagpasalamat ako dahil hindi sumama si Lara satin. Dahil siya nanaman siguro ang magiging bida.
"Eca, tabi tayo ha!" sabi mo ng umupo ka sa bakanteng upuan sa gilid ko.
Ayokong isipin mo na iniiswasan kita. Hindi na ako nagsalita.
"Psst, crush mo ba ako?" halos magulantang ang buong sistema ko sa tanong mo.
"Di noh!" pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ngunit sa loob ay kabadong kabado akong magsinungaling lalo na sayo.
"Weeh? bakit di mo na ako pinapansin?" medyo malungkot na ang mapang asar mong boses kanina.
"Oo nga, ang kulit mo! Di kita pinapansin kasi kailangan kong makakuha ng mataas na grades. Kilala mo naman si Papa di ba? Kaya I need to do my best!" nakangiti ka lang habang ako ay nagsasalita at medyo naiirita na.
"Suplada mo na Eca. Akala ko crush mo na nga ako." sabi mo.
Ayokong magsungaling pero this time I need to.
"Okay na kayo?" sabi nila satin.
"Bakit naman hindi?" sabi ko. Pinipilit kong ibalik ang lahat sa dati.
"Crush nga ako neto eh!" sinuntok kita sa braso mo dahil sa mga pinagsasasabi mo.
"Uy ang sweet!" pang aasar nila.
Hindi pa rin ako tumigil sa paghampas sa braso mo. Di ko alam kung nasasaktan ka na sa mga hampas ko sayo.
"Magsabi ka na lang kung gusto mo akong hawakan, dinadaan mo pa sa dahas eh!" halos manlisik ang mata ko sayo sa sobrang inis dahil sa pinagsasabi mo.
"Puro ka talaga kabaliwan!" tumigil na ako dahil di ka tumitigil kakaasar sakin.
"Aminin na kasi Eca!" sabi niyo.
"Anong aaminin ni Eca?" napatingin ako kay Lara ng magsalita siya.
"Bahala nga kayo diyan!" padabog akong naglakad papunta sa labas.
Wala tayong klase dahil may meeting ang mga teachers. Naupo ako sa damuhan, yong sa playground na malawak.
Tahimik lang doon dahil ang iba ay nasa classroom nila at hindi pinalalabas. Umihip ang malakas na hangin nakatitig lang ako sa kawalan. Nililipad nito ang buhok kong mahaba.
Natigil ang lahat ng iniisip ko ng makita ko kayo ni Lara. Hinahabol mo siya at pilit mong kinukuha yong notebook mo sa kanya. Tawa siya ng tawa at mukhang nafufrustrate ka na.
Gusto kong matawa sa itsura mo pero naalala ko na natatawa lang ako dati sayo kapag frustrate ka na dahil sa akin.
Nakuha mo yong notebook mo at napatingin ka sakin. Iniiwas ko yong tingin ko sayo. Inakbayan ka ni Lara, kaya lalo lang sumakit. Sana pala di na lang ako tumingin.
Dati ako lagi ang dahilan ng pagtawa mo. Ako lang lagi ang inaasar mo. Dapat na ba kitang layuan para matigil na toh?!
Pahingi naman nang sign.
