Part 41

3 3 0
                                    


(41)

Dear Crush,

Agad akong napabangon sa aking higaan ng maalala ko na ngayon nga pala ang alis mo. Bago pa man ako makalabas ng kwarto ko ay nahagip na ng mata ko ang isang maliit na box na nakapatong sa ibabaw ng study table ko. Lumapit ako dito. May nakita akong note sa ibabaw nito.

' Smile before opening it ' -A

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumakbo na ako palabas ng kwarto ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan at nagpalinga linga.

" Ace! " tawag ko sa pangalan mo. Pero tanging katahimikan ang bumabalot sa aking paligid. Nakita ko naman si Mama na nasa sala at nagbabasa ng magazine. " Mama asan na si Ace?!" kumunot naman ang noo ni Mama at ibinaba ang binabasa sa center table namin. Nagbabasakali ako na andito ka pa. Na baka inantay mong magising ako.

" Nakaalis na siya." mahinang sagot niya. Para namang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Mama. Napaupo ako sa couch na nanlulumo sa narinig. " Pumunta siya rito kanina bago yong flight niya. Nakiusap siya kung pwede ka daw makita. I suggested na gigisingin kita pero agad siyang tumanggi. Ayaw daw niyang makita mo siya na aalis." mahinahong kwento ni Mama sa akin.

" Anong oras na ba?!" tanong ko sa kawalan. Nagbabasakali pa rin ako na baka hindi ka pa umaalis dahil inaantay mo pa ako. Tumingin ako sa wall clock at tuluyan na akong nawalan ng pag-asa pa na makita ka sa pag-alis mo. Isang oras na ang nakalipas. Nakasakay ka na ngayon at hindi ko na mahahabol pa. Tumulo na lang ang mga luha ko.

" May iniwan daw siya don sa table sa kwarto mo. Actually, pinagluto ka pa nga niya ng breakfast kaya maaga daw siyang pumunta dito." dagdag ni Mama. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Yong mga favorite kong pagkain na niluluto mo palagi para sa akin ang nakita ko. Napaupo na lang ako sa isa sa mga upuan sa sobrang kalungkutan kong nararamdaman. Noong nakaraang araw lang before mag graduation andito ka pa, nagtatawanan pa tayo. Kinikilig pa nga ako sa mga pinagsasasabi mo. Pero ngayon bakit ganito?! Sobrang lungkot na. Ganito pala talaga kapag nawala ang malaking parte ng buhay mo. Hindi ko magawang kumain. Parang wala akong gana samantalang dati basta luto mo kahit busog pa ako kakainin ko. Nakatitig lamang ako sa mga pagkaing nasa harapan ko at iniimagine ko ang itsura mo. Bawat figure ng mukha mo, nakangiti, nakatawa, malungkot at nagpapakilig. Pinalis ko ang luhang walang sawang lumalandas sa pisngi ko. Nakakamiss ka naman eh!

" Andaya mo naman, hindi mo man lang ako ginising para mayakap ka at makapagpaalam man lang ako sayo. Buti ka pa nakita mo ako samantalang ikaw ni anino mo hindi ko man lang nasulyapan. Ang daya mo! " sabi ko habang umiiyak.

" Eca, tahan na. Magkikita pa naman kayo ni Ace for sure. You made the right thing to do, that's for the good of the two of you. That's one of the trials in life that you have to passed. Be strong little girl, we're always here for you." sabi ni Mama na sinundan ako sa kusina. Nakatingin lang siya sa akin na may malungkot at naaawang mga mata.

" Thanks Ma. Akyat lang po ako sa kwarto ko." sabi ko. Gusto kong mapag-isa sa ngayon. Umakyat ako patungo sa kwarto ko. Agad ko itong sinara at napasandal ako sa pinto habang umiiyak. Ang sakit naman nito. How could I ease this pain in my heart?! What should I do for this feeling of mine to fade easily?!

Nilapitan ko yong box na nasa ibabaw ng table ko. Nacurious ako sa laman nito.

' Smile before opening it." - A

Paano ba ako ngingiti kung wala yong dahilan ng pagngiti ko sa araw araw?! Sabi mo ngumiti ako bago ko buksan kaya ginawa ko. Ngumiti ako ng pilit bago ko hilahin yong ribbon nong box. Nang buksan ko ito ay may isang envelope at isang CD. Tapos may isang album na kulay black and white na may design na heart na maliliit. Una ko itong binuksan. Unang buklat ko pa lang pangalan na agad nating dalawa ang nakita ko. ACE & ECA CAPTURED MEMORIES. Hindi ako makapaniwala na isang lalaki ang gagawa ng ganito. Samantalang ako ni hindi ko man lang naisip na gawan ka ng ganito. Ikaw yong lalaking sobrang effort na gagawin ang lahat mapasaya lang ang isang katulad ko. One of the reason why I fall for you like this. Isa nga lang ang picture nating dalawa na nasa akin eh, kasama pa natin ang buong barkada doon. Sunod kong nakita ang picture ko, elementary pa ako dito. Ito yong masaya akong nakikipag-asaran sa inyo. Puro pictures ko ang nandito, seryoso at madalas nakangiti o di kaya ay nakatawa ako. Sa bandang huli ay tayong dalawa. Simula nong maging close tayo nong highschool at yong huli ay yong mga kuha natin sa park. May isa pa nakatingin ka sa akin nang nakangiti habang ako ay nakangiti sa camera.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon