Sabado ngayon, kaya nandito lang ako sa bahay. Inabala ko ang sarili ko sa pagliligpit ng aking mga gamit. Inumpisahan ko ang pagligpit sa study table ko. Masyado kasing magulo roon lalo na't exams namin last week.
Kinuha ko ang mga ballpen ko sabay lagay sa lalagyanan. Niligpit ko na rin ang mga libro ko at nilagay sa ito sa bookshelves sa tabi ng aking study table. Napatigil lang ako sa pagliligpit noong mapansin ko ang kalat kalat na pictures sa roon kaya agad akong napangiti noong Makita ko iyon. Eto ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral netong araw.
Hinawakan ko ang litrato, napangisi ako noong maalala ko kung ano nangyari roon sa litrato. Eto iyong araw kung saan nasa labas na kami ni Gem ng school at hinihintay ang mga sundo namin. Nakita ko si Maximo na patawid na siya nang mapansin niyang may umiiyak na bata sa tabi niya. Mabilis siyang tumawid at bumili ng tinapay sa tindahan pagkatapos ay bumalik sa bata at inabot ang biniling pagkain. Napakabait talaga ni Maximo.
Sa totoo niyan, mula noong Makita ko siya sa field noong first day of school sinusubaybayan ko na siya. Tuwing break time hahanapin ko siya at magtatago para lang makakuha ng litrato niya. Minsan sumasali ako sa mga clubs na sinasalihan niya, tulad na lamang ng glee club. Magaling kumanta si Maximo, nakita ko, imean napanuod ko iyon. Kinabukasan ako nag-audition para naman maipon ko ang confidence na mayroon ako.
Nawala lang pagmumuni muni ko noong may kumatok sa aking pintuan. Biglang iniluwa noon si Gem na patakbong pumunta sa akin at parang kiti kiti kung gumalaw.
"Ano bang problema jan!" tanong ko sa kanya
"Ano ka ba?! Manuod ka naman ng t.v para sabay na tayong kiligin oh!"
"Ano ba kasi iyon!?"
"Yung crush mo! Artista na! tinanggap na niya iyong matagal ng inaalok sa kanyang trabaho!" kinikilig na sigaw ni Gem sa akin
"Crush?" nakakunot kong noo, tanong ko sa kanya. Napatigil siya at nanlaki ang mata pagkatapos ay hinampas ako ng unan ko
"Seriously Max! Seriously! Yung crush mo! Si Maximo!" sigaw niya sa akin
"What the hell Gem! Lower down you voice! And besides he's not my crush!"
"Ows? Talaga? Kaya ka ba may picture sa kanya huh!? Anong tawag mo sa picture na ito?" sabi niya habang kinukuha ang mga pictures ni Maximo sa table ko. Bakit ko nga ba nakalimutan na nandun iyon?!
"Tsss!" inis kong sabi sa kanya
"Wag mo akong matss tss jan huh! Tara na! tumayo ka jan dahil pupunta tayo sa first ever mall tour niya!" sabi niya sabay tulak niya sa akin papunta sa aking drawer.
Pinasuot niya sa akin ang off-shoulder kong color pink na dress. Hindi man ako komportable, sinuot ko na rin para hindi na kami magtagal
Nasa SM Manila kami ngayon, dito kasi magmamall show si Maximo. Maximo Padilla ang kanyang screen name. Halos mga babae ang nagpunta rito, mag uumpisa pa lang siya sa industriya pero tanggap na tanggap na siya ng mga tao. Nakakita rin akong ng mga taga St. Benedict College. Mukhang sinusupportahan talaga nila si Maximo.
Bigla akong iniwanan ni Gem dahil sa sobrang sabik niya kay Maximo. Napailing na lang ako sa kanya. Dahil wala pa naman si Maximo, naglibot libot muna ako. Bumili ako ng hotdog at juice sa isang stall.
Narinig kong nagsigawan ang mga tao kaya bigla akong nataranta. Kinamalas malasan nga naman dahil sa pagmamadali ko natapunan ako ng juice ko. Hindi ko alam kung bakit feeling ko sinadya ang pagkabunggo ko sa lalaking nasa harap ko ngayon, na nakahood.
"Shit! Sorry Maxine!" sabi noong lalaking nasa harap ko. Kilala niya ako? Nakatungo kasi siya kaya hindi ko makita ang mukha niya pero pamilyar ang kanyang boses.
"hindi dapat ganito e! hindi dapat ganito karami!" inis niyang sabi.
"Are you okay?" tanong niya sa akin habang pinupunasan ako.
"Stupid question, right?" tanong niya ulit.
"Tsss!" sabi niya sabay hila sa akin palabas ng mall.
Noong makalabas kami ng mall, doon na siya umayos ng tayo at tinanggal ang kanyang hood. Sa may parte kung saan madilim kami nakatayo ngayon. Hindi ko alam kung bakit imbis na kabahan ako ay mas panatag pa ako.
Sobrang nanlaki ang mata ko at lalong hindi makasalita noong makilala ko siya.
"Sorry talaga Maxine! I already called my manager, pinabili ko na siya ng damit!" paghingi niya ng tawad sa akin. Hindi ako makapaniwala.
"You know my name!" sabi ko sa kanya
"Ofcourse, I know your name!" sabi niya sa akin
Hindi nakapansin na kanina pa pala ako nakatulala sa kanya kung hindi lang may sumigaw. Hindi ako babalik sa aking wisyo
"Ano ka ba naman Maximo?! Bigla bigla ka na lang umaalis! Tapos bigla kang tatawag, bumili ng damit ng babae na dapat ay pantalon tsaka pantaas! Ano nakipagsex ka muna bago lumabas doon!" sigaw sa kanya ng isang lalaki matipuno. Eto siguro ang manager niya. Natahimik na lamang siya noong mainis si Maximo sa kanya at tumingin sa akin kaya napatingin na rin sa akin yung lalaki.
Binigyan ako ng apologetic smile ni Maximo noong matapos manermon ang lalaki.
"Mali ang iniisip mo Jim! Alam mong hindi ko ginagawa ang ginagawa mo!" inis na sabi ni Maximo roon sa lalaki
"Osya! Osya! Bilisan mo riyan at 30mins na lang mag-uumpisa na ang mallshow mo!" paalala ni Jim sa kanya
"Eto nga pala yung pinabili mo!" sabi ni Jim sabay abot kay Maximo ang paperbag. Agad hinalungkat ni Maximo iyon.
Hindi ko alam kung bakit nakakatakot ang itsura niya ngayon, sobrang sama kasi ng tingin niya kay Jim.
"What the fuck Jim! Really?! Nakapantalon nga pero nakaspaghetti strap na sando! What the hell!" inis na sigaw ni Maximo
"Kaya ko nga.. Kaya nga! Tsss!" hirap na hirap niyang sabi sabay tanggal ng kanyang jacket. Ibinigay sa akin ni Maximo ang paperbag kasama ang kanyang jacket.
"Wear all of those! Diyan ka na sa kotse magpalit, tinted naman yan!" sabi niya sa akin kaya tumango ako bilang sagot
Nang makalabas ako ng sasakyan naabutan ko si Maximo na may kausap sa kanyang cellphone. Pagkatingin niya sa akin ay agad niyang ibinaba ang cellphone.
"Mag-uumpisa na show in 10mins Maximo" paalala sa kanya ni Jim
"May I know your name?" tanong sa akin ni Jim
"Not her Jim!" madiing sabi ni Maximo
"Its just her name! I will not do anything, promise!" sabi naman ni Jim
"I'm Maxine!" pakilala ko sa sarili ko
"Ooooh?" sabi ni Jim sabay tingin niya kay Maximo na nakakunot ang noo. "I'm Jim, Maximo's Manager!" pakilala niya
"Eto na pala si Isko! So, tara na!" sabi ni Jim noong mapansin niya ang isang lalaki na papalapit sa amin
"Kuya Isko, siya si Maxine! Alam mo na dapat mong gawin" sabi ni Maximo kay Kuya Isko
"Hindi yan mawawala Maximo! Let's go!" yaya ni Jim kay Maximo.
Tinitigan muna ako ni Maximo bago tumango kay Jim. Naunang umalis si Jim papunta sa entrance ng mall at si Maximo ay nakatitig lang sa akin. Bigla na lamang niya akong tinapiktapik sa uluhan ko pagkatapos ay ngumiti. Umalis na siya at sinenyasan si Kuya Isko.
Ano yun?!
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...