43

82 19 1
                                    

Hinatid ako ni Christian pabalik ng tent ko. Agad din siyang umalis doon dahil sabi niya may importante pa raw siyang pupuntahan.

Ilang sandali lang ay tinawagan na ako ng staff para sabihin na kailangan na namin magstandby. Pagkalabas ko ng tent ay ngiting ngiti ako, ayaw ko lang maapektuhan ako ng kahit ano kasi magshoshooting na naman kami dapat nasa wisyo ako, ayaw kong mapagalitan ni direk ulit.

Sinalubong ko ng ngiti si Maximo pero sinuklian niya lang ako ng kunot noong tingin. Natatawang inilingan ko naman siya.

"What is the reason behind those smiles?"

"Well, I'm just inspired?" hindi ko rin alam kung bakit ako Nakangiti ngayon. Basta alam ko lang na sigurado na ako kung sino ang gusto ko kaya tuwang tuwa ako. Well, matagal na naman akong sigurado. Ayaw ko lang aminin.

"Inspired huh? Is it because of Christian?" napataas ang kilay ko tanong niya

"Christian? No. Why do you suddenly ask?"

"I saw the both of you. I think you two are having fun!" kalma niyang saad pero kitang kita ang pagkairita sa kanya itsura.

"Jealous?" mataray kong tanong. Mukhang naalarma naman siya kaya mula sa galit na itsura ay hindi ko na mabasa ang binibigay niyang emosyon.

"Why would I?"

"Nothing. I was just stating the obvious." Kibit balikat kong sagot. Nanlaki ang mata niya at pinigilan ako bago pa ako makaalis sa pwesto ko.

"What the hell? Don't assume!" naiinis niyang saad. Still, the mad hotdog Maximo that I know.

"Guilty." Natatawa kong sabi pagkatapos ay tumakbo na ako sa pwesto ko.

Sinabihan kami ni Direk na bibigyan niya kami ng hotel rito at magstay na kami tutal bukas naman ay off namin. Napapalakpak pa ako kasi sabi ni Gabby wala raw akong pictorials bukas. Mabuti na lang ready ako para sa ganitong sitwasyon. Napangisi ako nang makita ko ang red bikini ko at white bandeau. Smoking hot, puri ko sa sarili ko.

Nilanghap ko ang simoy ng hangin pagpunta ko sa seaside. Buti na lang naisipan ko na huwag na dalhin ung hat ko para hindi lumipad dahil sa hangin. Ilang mga teenagers ang lumapit sa akin para magpapicture, syempre pinaunlakan ko naman iyon.

This place is really beautiful. Nakakatuwa kasi puro pamilya ang nandito. I suddenly missed my parents. Pagkatingin ko sa akin kaliwa ay nakita ko si Maximo. Shit! What the fuckin fuck! He looks so damn hot! He is wearing a red shorts and being a bench body model in the Philippines, ofcourse he is topless.

Tumingin siya sa bandang kinaroroonan ko. Binigyan ko siya ng sweet na ngiti pero tinaasan niya lang ako ng kilay at naglakad papunta sa akin. Nagulat na lang ako dahil ang bilis niyang makarating sa harapan ko. Bigla na lang niya hinapit ang aking bewang kaya nanlaki ang aking mata.

"What are you doing?" nagtatakang tanong ko

"I just want to tell the people here that you are no longer available and you are mine." Seryoso niyang bulong sa aking tainga. Napakagat ako ng labi pero tinry ko siyang itulak palayo sa akin.

"Stop that" mariin kong saad

"I will. If you change your clothes, if you can call that clothes. Seems like you don't want to wear something. I suggest, you wear that in our bedroom. You think?" binigyan ko siya ng isang sapak sa balikat dahil sa kalokohan niya.

"Perv!"

"What? Just wear rashguard instead." Malumanay niyang sabi

"No! I don't like, this swim wear looks perfectly fine."

"No. All the boys here are drooling because of you!" mariin niyang sabi. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"Hindi mo ako pwede utos-utusan lang! You are not my boyfriend to begin with." Pananaray ko sa kanya pero hindi ko maintindihan kung bakit nasaktan ako sa sarili kong salita.

"Oh, right! You are not my girlfriend." Sarkastiko niyang saad. Lalo atang napunit ang puso ko dahil sa kanya na mismo nanggaling iyon.

"You may not be my girlfriend. But I'll make sure you will be Mrs. Padilla in no time." Nakangisi niyang saad.

"What the hell! You are not my boyfriend! So, there is no chance that I can be your wife." sigaw ko pero ang puso ko parang nagkakarera na sa sobrang bilis. Paano niya nasasabi iyon? Nanliligaw pa lang naman siya. Tinanggap ko nga ba ang panliligaw niya? Ako pa ba ang choosy? Tss.

"I told you, I don't have to be your boyfriend. I want to be your husband as soon as possible." Kitang kita ko ang pagsmirk niya kaya napalunok ako. Hindi ko alam kung ano pwede kong ipambara sa kanya para matigil na siya sa kalokohan niya.

"You are impossible!" duro ko sa kanya

"Watch and I'll make you Mrs. Padilla." Nakangisi niyang saad kaya hindi ko mapigilan ang mapanganga.


It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon