11

182 61 10
                                    

Nasa isang venue kami nila Macy, Vic at Chikee, dito kasi namin napagplanuhan ang ganapin ang birthday ni Maximo. Ito ang surprise namin sa kanya.

Isang garden venue ang pinili namin para kay Maximo. May stage sa harapan, kulay green ang kulay neto dahil ito ang paboritong kulay ni Maximo. Naglagay din ng carpet papunta sa stage at nakahilera roon ang mga balloon.

Ilang minuto na lang ay darating na si Maximo. Si Jim lang ang nakakaalam tungkol sa planong ito. Siya ang tutulong sa amin para maganap ang plano ito.

Sobrang aligaga na ng mga tao rito. Isang daang fans ni Maximo ang nandito ngayon, iyon lang kasi ang capacity nitong venue. Nakita ko iyong iba, hindi mapakaling tingin ng tingin sa entrance ng venue, yung iba naman ay nakatingin sa relo nila. Yung iba ay inihahanda na ang vtr para kay Maximo.

Parang kailan lang mula noong sumali siya pero sobrang dami na agad ang sumusupporta sa kanya.

Nakareceive ako ng text mula kay Jim sabi niya sa akin malapit na raw sila. Kaya sinabihan ko na ang bawat na isa na maghanda na dahil parating na si Maximo.

Pagbaba na pagbaba ni Maximo sa kanyang kotse ay pinasabugan namin siya ng confetti. Ako ang kumukuha ng litrato kaya natawa ako noong nakuhanan ko siyang nagulat doon.

Noong makaupo na siya sa gitna ng stage inumpisahan na namin ang event. Ang bawat isa ay nagbigay ng mga special messages nila para kay Maximo. Si Maximo naman ay walang ginawa kung hindi tumawa sa mga message ng mga tao.

Noong ako na ang magbibigay ng message, tumahimik silang lahat. Pagkatapak na pagkatapak ko sa bilog kung saan magsasalita, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinakabahan ako.

"Hi Ry... uhm. Maximo" napapikit ako noong muntikan ko ng masabi ang pinapatawag niya sa akin.

"First day of school pa lang, hinangaan na kita. Gusto na kitang supportahan sa lahat ng ginagawa mo. Nagfofootball ka pa lang, nandoon na ako sumusupporta sayo. Kaya ngayong artista ka na, hindi ako magsasawang susupporta sayo! Ako ang laging number 1 supporter mo." Natatawa kong sabi sa kanya. Naconcious lang ako noong hindi man lang siya natawa sa sinabi ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Ahm. Sana hindi ka magbago. Isa sa nagustuhan ko sa iyo ay yung kabusilakan ng puso mo. Mabait ka. Matulungin ka, wala kang hinihintay na kapalit. Sana pagpatuloy mo lang yan. Sana magboost pa lalo ang career mo. Happy Birthday Maximo!" dagdag ko.

Hanggang sa makababa ako mula sa kinatatayuan ko ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Iyong iba naman ay naririnig kong napapatawa at napapa-aww sa mga sinabi ko. Iyong iba naman noong bumaba na ako ay pumapalakpak.

Bago kami maggift giving, kumain muna kami. Hinayaan ko ang sarili kong maging busy sa mga Gawain sa event dahil kung hindi ko iyon gagawin baka hindi ko na mapigilan ang umiyak. Sobra akong nasasaktan sa mga reaksyon na nakukuha ko mula kay Maximo.

Habang abala ako sa pagkuha ng mga drinks para iserve sa mga guest ay may mga naririnig akong chismiss. Isa na roon ang nagpagimbala ng mundo ko.

'Nakita niyo na iyong bagong article tungkol kay Maximo?' tanong ng isang kulot na babae

'Ay? Oo! May girlfriend daw si Maximo?' sabi naman ng isa

'Baka naman hindi iyon totoo!'

'hindi totoo? Eh. Palagi nga raw niyang sama itong babae ito'

'Nihindi nga pinapakita o pinapangalanan yung babae e. baka naman hindi totoo'

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon