37

97 22 1
                                    

Nag-aayos ako ng mga gamit ko noong mapansin kong kami lang ni Jim ang natitira sa tent. Kinuha ko ang susuotin ko para sa next scene, isa iyong tube cocktail dress. Napangisi ako sa gagawin ko.

Pumunta ako sa isang dressing room. Napangiti ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Wala na talaga si Maxine, ang mahinang Maxine. Ang Maxine na minsan nang tinapakan ang pagkatao.

Lumabas ako ng dressing room at namataan si Jim na preskong nakaupo lang habang nakapikit. Tumikhim ako sa harap niya habang hawak hawak ko ang suot suot ko ng damit. Napamulat agad siya at umayos ng upo.

"Ugh. Can you help me here? I can't zip this dress" reklamo ko

"Okay" agad na lumapit sa akin si Jim.

Nang makita kong mejo malapit na siya sa akin ay tumalikod na ako sa kanya. Tinignan ko siya sa salamin kitang kita ko natetense siya sa nangyayari. Not so you, Jim! Binitawan ko ang damit ko at muntikan na iyon mahulog sa sahig, mabuti na lang ay nahawakan niya agad iyon.

Kitang kita ko ang pagbuga ng hinga ni Jim. Natawa ako sa isip ko. inilagay ko sa gilid ang aking buhok para maayos ang pagtaas ni Jim sa zipper ko.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa tanong ko, you are making me laugh Jim!

"What?"

"I said are you okay? You looked tense!" inosente kong sabi

Nagulat ako noong makita kong pumasok si Maximo sa tent. Kumunot agad ang noo niya nang makita kami ni Jim, mukhang mas maganda pa ito kaysa sa pinaplano ko.

"What the fuck dude!" inis na inis na sabi ni Maximo at itinulak si Jim, hinawakan agad ni Maximo ang damit ko

"Maximo" banta ko sa kanya

"I am just helping her" napapataas na kamay na sabi Jim

"Back off! I will be the one who will do it!" mariing sabi ni Maximo

"Okay! Okay!" lumabas si Jim ng tent dahil sa inis na mukha ni Maximo

"What are you doing?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang ayusin ang damit ko

"No Alexa! What are you doing?"

"I am just asking for his help, Maximo. Besides, wala rin naman si Gabby rito. Si Jim lang ang kasama ko" baliwala kong saad.

"Fuck! Fuck! Don't go near him, Alexa! Don't go near him!" banta niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. I know Maximo.

"Ano naman kung kasama ko siya? Para namang may gagawin siya sa akin"

"Just listen to me okay? You don't know him!" trust me Maximo! I already know him.

"Are you jealous?" natatawa kong saad sa kanya. Kitang kita ko ang pag-igting ng kanyang panga dahil sa sinabi ko

"Lalayo ka na ba sa kanya kung sasabihin kong oo?" napasinghap sa sinabi niya

"You're impossible!" hysterical kong saad, tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa labas pero bago pa ako makalabas ay agad na niya akong niyakap mula sa likod

"So, what if I am? So, what if I am jealous Alexa" mahinang bulong niya sa akin na nagpanginig ng buong katawan ko

Napaaga ang tapos ng taping namin kaya nagkayayaan kaming pumunta ng bar. Madalas akong customer sa bar na pinuntahan namin. Dito kasi kami tumatambay ng mga temptress kapag maganda ang ratings ng mga music video namin.

"Good evening Ms. Alexa, nice to see you again" bati sa akin ng isa sa waiter roon. Sweet ko lang siyang nginitian.

Narinig ko naman ang tikhim sa gilid ko kaya napalingon ako agad sa tumikhim kasabay noon ang pag-alis ng waiter na bumati sa akin.

"What?" mataray kong sabi kay Maximo

"I didn't know that you are a regular customer here"bulong niya sa aking tainga at naramdaman ko ang disappointment sa boses niya. Namutla ako dahil doon.

Pumwesto kami sa pinakagilid na pwesto kung saan madilim. Nasa kanang gilid ko si Maximo habang sa kabila naman ay si Gabby. Pagkaupo na pagkaupo namin ay umorder na agad sila.

"Ms. Alexa! Same order?" nakangiting sabi ng isa pang waiter na kakilala ko

"Yes Jake" tumango agad siya at umalis din

Inakbayan ako bigla ni Maximo kaya kumunot ang noo ko sa inasta niya.

"What are doing?"

"Well, I can see that most of the people here are checking out, what's mine. I cant let them do that! Not especially in front of me" mahinang bulong niya sa akin.

Napatingin ako agad sa kanya kaya laking gulat na sobrang lapit pala ng mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang paghinga. Ang kanyang mata na nakatingin sa akin mata kanina ay bumaba papuntang labi.

"Hey guys! We'll just dance!" natatawang sabi ni Gabby, mukhang tipsy na

Hinila ko muna si Gabby para bulungan na dapat mag-ingat siya kay Jim bago pinaalis. Tinignan ko lang habang napapailing si Gabby na game na game sumayaw.

Paglipat ko ng tingin ko kay Maximo ay abala siya sa pagtetext. Kitang kita ko pa ang pag-igting ng panga niya dahil sa inis sa katext niya pero napalitan din ito ng tawa. Sino naman kaya ang katext niya?

Napaiwas ako noong tumingin siya sa akin pagkatapos ay ininom ko agad ang hawak ko. Noong muli ko siyang tinignan ay naglalahad na siya ng kamay habang nakataas ang kilay.

"Let's dance" nakangising yaya niya sa akin. Tinanguan ko siya at nagpahila sa kanya

Nang makapunta kami sa dance floor ay saktong pinatugtog ang isang slow song. Dahan dahang inabot ni Maximo ang kamay ko na nasa aking gilid, ipinatong niya iyon sa kanyang balikat. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa seryosong tingin niya. Mabilis akong napalunok noong bigla niyang hinapit ang aking bewang kaya ang nangyari ay napahigpit ang kapit ko sa kanya.

Napakagat ako ng labi dahil amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. Kitang kita ko ang pag-awang ng kanyang labi.

Nagulat kami noong bigla na lang kami ginulat ni Gabby dahil sa pag-akbay niya sa akin. Halos nagwala wala pa siya kaya hindi namin mapigilang matawa ni Maximo.

Bumalik na kami sa upuan namin ni Maximo habang patuloy pa rin kaming natatawa. Naunang naglalakad si Maximo pabalik sa upuan namin. May natanaw akong taong nakaupo roon sa pwesto namin.

Tumayo ang lalaking preskong nakaupo sa pwesto namin. Naglakad siya papunta sa amin, nakipagman to man siya kay Maximo. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang taong iyon. It's Kean!

Nanlaki rin ang mata ni Kean nang makita ako pero napalitan agad iyon ng ngisi. Humiwalay siya kay Maximo, tumingin sa akin si Maximo para siguro ipakilala ako kay Kean.

Kumunot ang noo ni Maximo noong makita ang ngisi ni Kean. Pinandilatan ko ng mata si Kean dahil sa ngising niyang iyan.

"Oh? My favourite girl is here!" natatawang sabi ni Kean pagkatapos ay inilang hakbang niya ako at niyakap. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Maximo.

"How are you Maxine?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, tinignan ko si Maximo at pinaglalaruan niya lang ang kanyang labi

"I'm fine!" sarkastiko kong sabi sa kanya.

Nagkita kami ni Kean dito last year same place, hindi pa nga niya ako nakilala noon pero noong pinakita ko ang picture namin dati ay naniwala siya.

"Oh! What the fuck dude!" sabi ni kean habang pabirong tinutulak si Maximo. Napakunot ang noo ni Maximo sa ginawa ni Kean, ilang mura ang narinig kong binulong ni Maximo

"Now I know! I remembered! Shit dude!" natatawang sabi ni Kean, napataas na rin ang kilay ko sa kabaliwan ng lalaking ito

"Shit! Hindi ba si Maxine ang babaeng nasa kwarto mo Maximo! Iyong babaeng, nasa sa side table mo? Iyong picture roon" nakangising saad ni Kean. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, napatingin ako kay Maximo at kitang kita ang pag-igting ng kanyang panga

"Shut up fucker!" naiinis na sabi ni Maximo, humalakhak si Kean at inakbayan ako

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon