Love month! Ang pinakainaabangan na buwan ng mga taong inlove at ang pinakaayaw na buwan ng mga taong single.
That is the month kung saan magiging sobrang busy ang schedule ko. Mabuti na lang din ay nagkaroon ng pagkakaabalahan ang mga kaibigan ko.
Naging viral ang video ng panliligaw sa akin ni Christian at hanggang ngayon ay hindi iyon mamatay matay. Madalas niya rin akong niyayayang makipagdate pero madalas ko rin iyon tinatanggihan. Mabuti na lang hindi siya nagtatampo at naiintindihan naman niya na busy ako.
Mayroon kaming meeting kasama ang big boss namin sa Hollywood. Ipapakilala niya raw sa akin ang magiging bago kong katambal sa gagawing movie ko. Isa ito sa special project na ibibigay nila sa akin dahil sa four years ko sa industry. Dagdag pa nila ay magkakaroon ako ng concert kasama ang Temptress. Doon din daw ko ipropromote ang movie ko dahil doon ay makakasama ko ang bago kong leading man sa concert. Wag daw akong mag-alala dahil magaling ding kumanta iyon at siguradong magbleblend ang boses namin.
Nakaplain white t-shirt lang ako na tinernuhan ko ng fitted jean and I folded it twice. Hindi na rin ako nagmake-up, I just put a pink lipstick para hindi ako masyadong pale.
Tuwang tuwa kong sinalubong si Mrs. Carina sa loob ng room. Nasa isang hotel kami kung saan may conference room doon. Magpipirmahan na kami ng kontrata lalo na't nalalapit na ang love month. Magkakaroon din ng maliit na interview mula sa aming dalawa ng katambal ko.
"Hi, Alexa dear!" bati sa akin ng big boss ko
"Good morning Mam"
"My nephew will be coming soon" ang pamangkin kasi ng big boss ko ang makakatambal ko. Sigurado akong gwapo siya dahil maganda ang big boss ko. Sa edad niyang 50 ay bata pa rin ang kanyang itsura.
"I know you two will click. I think you two look good together! I am so excited for your loveteam, I know your fans will get wild again!" sabi niya
Natawa na lang ako sa mga sinasabi ng big boss. Nagkaroon ng komosyon sa may pintuan kaya napatingin kami roon ni Mrs. Carina. Gulat na gulat ako noong makita ko sila Chikee, Macy at Vic. Nagulat din sila noong nakita nila ako. Nilapitan nila ako habang papalapit si Macy ay kinilabutan ako sa ngisi niya. Hindi ko alam kung bakit.
"Maxine! You are here!" tuwang tuwang sabi ni Macy
"Mabuti na lang nandito ka at kasama mo kami. You'll be thrilled! Sayang lang hindi ka nakasama kanina pero tingin ko mas maganda iyong ganitong sitwasyon!" excited na sabi ni Chikee. Takang taka kong tinignan ang dalawa. Humingi pa ako ng tulong kay Vic dahil tingin ko kailangan na namin sila dalhin sa mental.
"What are you talking about?" dapat kasi kanina ay may coffee date kami pero hindi ako nakasama dahil may pinuntahan ako kanina.
"Well, actually your long lost love one is...." Hindi na natuloy ni Chikee ang maala dramatic niyang sasabihin dahil bigla akong tinawag ni Mrs. Carina para papwestuhin na roon sa harap. Tinanguan ko siya at hinarap ang mga kaibigan ko.
"Let's talk after this" sabi ko
"Wait lang.. kasi si..." tinawag na naman ako ni Mrs. Carina kaya hindi ko na naman nalaman ang sinasabi ni Chikee. Nagmamadali na akong iwan silang tatlo roon.
"Bahala ka! Wag mo kaming sisisihin sa mangyayari!" pasigaw na sabi ni Chikee kaya binigyan ko lang siya ng death glare.
Umakyat na ako agad sa mini stage sa harap ng conference room. Nakangiti akong humarap sa mga camera. Hanggang ngayon ay pinagkakaguluhan pa rin nila ang nangyayari sa labas. Habang naghihintay ay binasa ko muna ang nasa kontrata.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...