20

148 52 10
                                    

Maaga pa lang nagising na ako para makapunta ng school. Gusto kong mapunta sa star section para hindi mahirap na pumasok sa mga universities. Sabi kasi nila mas pinapriority nila ang mga estudyante na nasa mataas na rank.

Pinag-usapan kasi namin nila Macy, Chikee at Vic na sabay sabay kaming mag-eenroll. This time, gusto naming magkaklase kami. Last year kasi nagkahiwa-hiwalay kami dahil nahuli ang bigay ng pera ng mga magulang nila.

Nakafitted jeans ako at fitted din na white t-shirt na pinartneran ng sneakers. Sabi nila Macy, kahit simple lang ang suotin ko angat na angat pa rin ang kagandahan ko.

Pagkapasok sa school agad kaming pumunta sa library para ipaprint ang registration form namin. Sa totoo lang ay kaninang papunta kami sa school ay binuksan ang website namin kung saan doon kami mag-eenroll para mapabilis ang proseso.

"Grabe! Guys nabalitaan niyo na ba yung bagong chismiss tungkol kay Maximo" sabi ni Tricia. Isa sa mga fans ni Maximo.

"Oh! Wait, wow ate Maxine huh! Lalo ka atang gumaganda! Infairness, blooming ka! Anong sikreto mo?" tanong ni Tricia. Binatukan ko siya kasi hindi niya tinuloy ang kwento niya tungkol kay Maximo.

"Hala siya! Sorry na ate! Eto na kwento ko, atat ka masyado!" sabi niya habang kinakamot ang kanyang batok

"Kwento na kasi!" sabi ni Macy sa kanya

"Eto kasi. Magkakaroon ng teleserye si Maximo! Sabi nila tungkol sa family ang kwento pero I doubt it, baka magkaroon ng kaloveteam yan si Maximo." Napatingin ako sa malayo noong marinig ko ang huli niyang sinabi. Happy ako para sa next project niya pero hindi ko maiwasan ang magselos.

"Pero wait, meron pa!" napatingin na naman ako sa kanya

"Bayan e! putol putol magkwento to!" inis na sabi ni Chikee

"Mga atat! Hindi ba kayo nanunuod ng news?! Duh, hindi niyo ba nabalitaan na sa isang event nakuhanan na naman si Maximo na may kasamang babae! Tss! At ang balita pa ay iisang babae lang daw iyong nasa Batangas at iyong nasa event. Nakakainis na huh! Sino ba kasi iyong babaeng iyon ng mahusgahan na natin! Hindi sila bagay, mas bagay pa sila ni Yna Mendez! Iyong nalink sa kanya na nakasama niya sa isang dressing room noong gumawa siya ng music video last month!"napakunot ang noo ko kay Tricia. Mayroong ganong issue?

Napatingin sila Macy, Chikee at Vic sa akin noong marinig nila iyon. Ang mukha ni Vic ay seryoso lang habang sila Macy at Chikee ay may nag-aalalang mukha.

"Wait! Kung makahusga ito doon sa babae akala mo kilala mo na siya!" tanggol ni Chikee. Kinwento ko kasi sa kanila ang tungkol sa nangyari sa event last 2weeks.

"Hay nako! Hindi ko na kailangan malaman kung sino siya. Basta ang alam ko, kinakapitan niya ang kasikatan ni Maximo. Obvious naman dba? Isang ordinaryong tao lang siya tapos biglang napasama siya sa ganoong event. Nihindi nga siya mapakilala sa tao e. Kung maganda ang estado ng buhay niya, ang reputasyon niya bakit hindi siya pinapakilala?" explain niya

"Pero wala ka pa ring karapatan na husgahan iyong tao! Hindi mo naman siya kilala!" sabi ni Macy

"Bakit kayo kilala niyo ba?" pinanliitan kami ng mata ni Tricia

"Hindi pero masamang manghusga ng tao na hindi pa natin nakikilala. Hindi ba dapat supportahan natin ang idol natin" paliwanag naman ni Vic

"Oo nga. Kaya nga tayo nandito para supportahan siya at protektahan siya sa mga taong gustong gamitin ang kasikatan niya" nangggagaliti na ako sa galit sa naririnig ko mula kay Tricia. Alam kong hindi niya alam ang sinasabi niya pero hindi ko mapigilan ang mainis.

"Tama na yan!" saway ko sa kanila

Hinila ko na sila Chikee, Macy at Vic palayo kay Tricia baka kasi hindi na nila mapigilan ang inis nila kay Tricia. Ramdam na ramdam ko ang inis ni Vic kahit hindi siya masyadong nagsasalita.

Dinala ko sila sa footfield kung saan wala masyadong tao.

"Hindi ako nananakit ng tao pero kung para sayo Maxine! Nako, hinding hindi ko uurungan ang mga baluktot na isip ng ibang fans" inis na sabi ni Chikee.

Si Macy naman ay busy sa kanyang cellphone. Mukhang may tinitignan siya sa kanyang cellphone. Napapangisi siya habang lumalapit sa amin.

"Guys! Don't worry! May mga nagtatanggol naman kay Maxine e! May supporters na rin siya, tinatawag siyang Maximo's Mystery girl!" sabi niya kaya agad agad kaming nag-unahan para makita ang sinasabi niya.

"Wow! Ang gaganda ng feedbacks ng iba huh" nakangiting sabi ni Chikee

Iba iba ang mga komento ng mga fans. May mga iba naman sa kanila na sinusupportahan ako pero mas marami pa rin ang hinuhusgahan ang pagkatao ko.

'She's Maximo's Mystery girl'

'Manggagamit yan! Huwag nating hayaan gamitin niya ang idol natin'

'Malay ba natin na siya pala ang tunay na mahal ni Maximo'

'Mas bagay pa sila ni Yna Mendez'

'MaxYna for the win'

'Kay Mystery girl kami kasi mas madalas siyang kasama ni Maximo at may purpose kung bakit siya ang madalas na kasama ni Maximo. Baka siya ang pag-ibig ni Maximo!'

Ang sumusunod na komento ay puro panglalait. Mejo nakaramdam ako ng ginahawa dahil sa may mga tao pa ring open ang pag-iisip. Hindi man totoo ang sinasabi ng iba pero importante pa rin para sa akin iyon dahil involve roon ang kasikatan ni Maximo. Sinabi niya sa akin na pangarap niya ito kaya ayaw kong maging dahilan ng pagbagsak niya.


It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon