47

77 13 0
                                        



Ilang beses na nga ba akong napapalunok ngayong oras na ito. Kaharap ko na ngayon si Maximo at hanggang ngayon hindi pa rin ako ready. Binigyan kami ng instructions ni Direk na itaas lang namin ang kamay namin kung ready na kami lalo na raw ako. Sinabi rin ni Direk na kailangan ay French kiss ito pero dapat passionate kung maghahalikan. I want it to be one take only!

Pumikit ako para alalahanin ang mga sasabihin ko bago ang kissing scene. Mamaya kasi makalimutan ko iyon dahil sa sobrang kaba ko.

Sa totoo lang kanina pa ready si Maximo na gawin ang eksena. Mukha pa ngang excited ang loko. Bakit nga ba ako kinakabahan? It is just a kiss.

Hay! Sige, lokohin mo ang sarili mo Maxine! Syempre, hindi lang iyon kiss. Magkikiss kami ng taong mahal ko. What the hell! Kung para sa iba dream come true ito, para sa akin din naman pero sobra talaga akong kinakabahan talaga ako.

Huminga akong malalim bago ko tinaas ang kamay ko. napathumbs up naman si Direk dahil sa wakas ay mag-uumpisa na kami.

"Ready. Lights! Camera! Action!" sigaw ni Direk.

Lumapit ako kay Maximo at tinignan siya ng may pagmamahal. Nang makalapit ako ay hinawakan niya ang isang kamay ko pagkatapos ay kinarass niya ang aking mukha.

"We made a long journey. From those journeys, you kept on running away from me." Lumunok si Maximo bago magpatuloy at inilingan ko siya habang kagat kagat ang aking labi.

"But those time makes us stronger and matured. It made me also realize that how many girls that I've dated, they can't be you. They can't make me happy. Well, they can make me happy but not the way you do. You made my heart flutter. You made happy and cry all at once." Humihikbi ako habang sinasabi niya ito.

"So, I made a decision before going here to see you. From now on, you can't run away from me because I'm going to marry you." pabulong niyang sinabi ang huli kaya lalo akong humikbi.

"As my wife, you must stay by my side for better or for worst. For richer or for poorer. Till death do us part." Lumuhod siya at inilahad ang singsing sa akin harapan.

"Yes! Yes! Yes!" nakangiting saad ko pagkatapos ay tumayo at siniil ako ng halik. Nanlaki ang mata dahil sa gulat. I should have expected this!

"CUT!" sigaw ni direk. Napayuko dahil alam kong may mali na naman akong ginawa. Hinawakan ni Maximo ang aking kamay para iencourage ako.

"Alexa! You looked stiff! You shouldn't be shocked from that kiss! You should kissed him passionately! Torridly with happiness and love, ofcourse!" tinanguan ko si Direk para sabihin na naiintidihan ko.

Binigyan naman ako ni Maximo ng encouraging smile. Fuckin shit! Bakit kailangan niya pa ngumiti? Naawkward ako sa ngiting niyang iyon para bang kahit Nakangiti siya ay hinahalikan niya pa rin ako! Nakakainis!

Sisimulan namin ang take sa kissing scene kaya todo kabog ang dibdib ko.

"Action!"

Hinawakan ni Maximo ang aking baba at buong puso akong hinalikan. I responded to his kisses. Ang mga halik niya ay puno ng pagmamahal at pag-asa. I don't know pero iyon ang nararamdaman ko noong hinahalikan niya ako. I know eksena lang namin ito sa pelikula pero hindi ko maiwasang isipin ang halik na ito dahil punong puno ito ng emosyon.

"CUT!" napapalakpak ang mga staff ng matapos ang kissing scene.



Hindi ako mapakali nang matapos ang kissing scene. Bakit nga ba ako kinakabahan? This is just a work! Kailangan maging professional ako!

Hindi ako mapakali nang dilaan ni Maximo ang kanyang labi. He's so damn hot! Kasabay noon ang pagkindat niya sa akin kaya agad nanlaki ang mata ko.

"Your face sweetheart. Seems attracted huh! You want more?" nakangising bulong niya sa akin at agad na naglakad palayo.



Hindi ako mapakali sa loob ng tent ko dahil sa sinabi sa akin ni Maximo! What the hell! Mukha ba talaga akong attracted sa kanya? Shit! Shit! Nakakahiya! Parang gutom na gutom ako sa mga halik na iyon.


Napapitlag ako nang biglang magring ang bell sa tent ko. Sino kaya ang dadalaw sa akin ngayon? Sumigaw ako para papasukin ang tao sa labas ng tent ko. Hinarap ko ang salamin para matignan ko kung maayos pa ba ang itsura ko.


Napataas ang kilay ko nang bumungad sa akin si Christian. Ilang araw na nga ba nang huli ko siyang makita? Naging missing in action siya mula noong huli niyang bisita rito sa set.

Inaya ako ni Christian na maglalakad lakad tulad ng ginagawa niya tuwing nasa set ako dahil alam niyang hindi ako pwedeng lumayo kasi hahanapin. Sakto naman ng paglabas namin sa tent ay nakasalubong namin si Maximo, sinabihan ko na maglalakad lakad lang kami.

Tinignan ko si Christian habang naglalakad kami. Nasa tabi ko ngayon ang lalaking naging karamay ko sa tagumpay ko. Ang lalaking hindi ako iniwan kahit na lugmok na lugmok ako. Hindi ako makapaniwala na isa siya sa taong magpaparamdam sa akin ng pagmamahal. Siya ang isa sa mga taong ayaw kong masaktan.



Huminto kami ni Christian sa parte ng beach na may mga bulaklak ang paligid. Hindi naman ito malayo sa site ko kasi tanaw ko pa ang tent ko. Hindi ko rin maitatanggi na sobrang namangha ako. Nginitian ako ni Christian nang makita ang ngiti sa aking mga mata.

"What's this?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla na lang lumuhod si Christian sa aking tabi kaya napaharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay sabay ngiti sa akin ng napakatamis.

"Maxine. You are the one who brought colors to my life. You are my bestfriend, my best buddy, and my love. You are the person who I want to spend my life with but for now all I'm asking for you is that. Please, please be my girlfriend." napanganga ako sa bilis ng pangyayari. What the hell?

Napatingin ako sa malayo kasabay noon ang pagkakita ko sa lalaking seryosong nakatingin sa akin. It is Maximo. Napapikit ako dahil sa sobrang kaba. Tinaas niya ang kanyang kamay at itinuro ang relo. Mukhang tinatawag na kami ni Direk! Kaya agad ko siyang tinanguan.

"YES" nanlaki ang mata ko dahil sa malakas na sigaw ni Christian. Kita ko rin ang pagkunot ng noo ni Maximo na nagpakaba sa akin.

+++

6/3/16


It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon