Ilang sandali lang mula noong pumasok si Maximo sa entrance ay pumasok na rin ako. Hinagilap ko pa ang way papuntang activity center. Sa totoo lang first time kong pumunta sa mall dahil madalas hindi ako pinapayagan ni mama at papa na pumunta sa ganito karaming tao. Ngayon ngayon lang nila ako pinayagan.
Nang makabalik ako sa activity center, nahagip ng aking mga mata sila Vic, Macy at Chikee. Mukhang sinadya talaga rin nila si Maximo sa unang mall show niya.
Tinapik ko ang balikat ni Macy. Nanlaki ang mata niya noong makita ako sabay ngiti rin at kinalabit si Vic at Chikee.
"Nandito ka rin Maxine! Ibig bang sabihin neto, inaamin mo na sa amin na may gusto ka rin kay Maximo?" pang aalaska ni Chikee. Hinampas ko siya kaya nagtawanan kaming apat.
"Nako! Ikaw talaga!"
"Hay nako Maxine! Wag ka na nga magpakipot! Kunwari pa ito! Wag kang mag-alala hindi ka namin ibubulgar kay Maximo!" sabi naman ni Vic sabay appear kila Chikee at Macy. Napailing na lang ako sa kalokohan noong tatlong iyon
"Wag ako iyong pagtripan niyong tatlo jan! Grabe na kayo sa akin huh!"
Natigil kami sa pag-aasaran noong naging wild na ang mga fans ni Maximo. Hindi ko akalain na sobra siyang hahangaan ng mga tao.
"Ayan na siya!" sigaw ni Macy
Iba't ibang reaksyon ang narinig ko mula sa mga tao noong mag-umpisang kumanta si Maximo. Kakaiba talaga ang boses niya. Nakakahumaling!
"AHHHHHH! Maximo, pakiss!" sigaw ng isa sa babae rito
"Maximo! Maximo, baby!"
"Maximo! I love you!"
"Rip it Maximo! Argh!" sigaw ng isang babae na nagmukhang leon dahil sa aksyon niya.
Nagkatinginan kami nila Vic noong marinig namin iyon at hindi namin mapigilan na tumawa.
"MAXIMO! Nakakakilig ang boses mo!" sigaw ko
"Hindi mo nga siya crush! Hindi nga!" sarkastikong sabi ni Macy
Nakita kong may hinahanap sa crowd si Maximo kaya tinititigan ko lang siya para malaman kung sino hinahanap niya. Nagulat ako noong mapatigil ang kanyang mga mata sa akin. Hindi ko alam kung sa akin ba talaga iyon o sa amin nila Vic! Nang maispotan niya ang pwesto namin ay napangiti siya.
"Omygosh! Omygosh! Nakatingin siya sa akin!" sigaw noong babae. Doon na ako nadismaya, sabagay ang layo ko naman kasi para malaman kung sa akin ba talaga siya nakatingin.
Noong patapos na ang kanta, nagkayayaan kami nila Vic na lumapit sa harap para makapagpapicture kay Maximo, syempre ako naman ay game na game. Sana makita niya agad kami para maaccomodate niya kaming apat.
Habang naghihintay ng turn namin, nag-usap usap na lamang kaming apat.
"Iba ang kasikatan ni Maximo! Kinakabahan ako!" sabi ni Chikee kaya nabuhos ang buong atensyon namin kay Chikee
"Bakit naman?" tanong ni Macy
"Syempre, kita mo naman magiging busy na siya. Marami siyang fans, hindi dapat mabahiran ng kung ano anong issue ang career niya para magpatuloy! Nakakatakot kasi baka isang araw makalimutan na lang niya tayo!" malungkot na hayag ni Chikee
"Hindi naman siguro Chikee! Kilala natin si Maximo, humble yun!" depensa naman ni Vic
"Sabagay tama ka riyan pero mawawalan na siya ng oras sa atin. Hindi man niya tayo makalimutan pero baka mawalan siya ng oras lalo na ito ang landas na tinahak niya" sabay sabay kaming napatango sa sinabi ni Chikee. Tama siya!
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...