Hindi naging madali para sa akin ang first year high school dahil mahirap makipagkaibigan, akala ko napakadali lang. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan. Madalas kasi ay pagtritripan ka na lang ng mga tao lalo na kung hindi ka lalaban.
Minsan naiisip ko kung nasa isang libro ba ako dahil iyong mga nababasa ko sa libro ay nangyayari sa buhay ko.
Ganoon ba talaga? Kailangan ba nasa uso ka muna bago ka tanggapin sa kanilang grupo parang hindi naman makatarungan iyon. Mabuti na lang tinuruan ako ni Gem sa mga ganitong bagay.
Tulad na lamang ngayon, madalas sa mga taong mahihina pinapagawa ng mga kagroupmates ko ang mga projects namin. Sila naman, nakikipagkwentuhan lang sa isa't isa kung hindi iyon ang inaatupag nila ay nakikipaglandian lang sila sa kanilang mga boyfriend or girlfriend.
"Maxine! Gusto mo sumama? Pupunta kaming starbucks." sigaw sa akin ng isa sa kagrupo namin.
Agad akong napaisip sa kanyang inalok, kanina pa ako gutom dahil sa dami ng ginagawa. Tinignan ko ang mga kagrupo ko't kinagat ang aking labi. Umiling ako para sa 'di pagsang-ayon
"Bahala ka!" sabi niya at nagpatuloy na sa pag alis.
Hindi ko pwede iwanan ang iba kong kagrupo, nakakatempt gawin ang ginagawa nila dahil maiiwasan ko ang stress pero hindi ko rin naman pwede iwanan ang iba kong grupo lalo na't nakikita ko silang pagod na pagod na.
"Hmmm. Malapit na ba tayo matapos?" tanong ko sa isa sa kagrupo ko na si Vic.
"Hindi pa Maxine, mejo marami-rami pa ito. Alam mo namang kailangan natin ng tig-iisang example. Ang hirap nito lalo na't hindi pa tumutulong ang iba nating kagrupo tapos marami pa tayo" reklamo ni Vic.
"Nakakainis naman kasi e! Bakit ganito rito? Akala mo kung sinong magagaling! Hindi naman sila naghihirap sa pagsagot o paggawa ng mga projects tapos makakakuha sila ng mataas na grades." inis na sabi ni Macy, isa sa mga kagrupo ko.
"Hindi ko rin maintindihan iyan!" sabi ko habang gumagawa ng reaksyon paper sa laptop.
Nakita ko sa gilid na aking mata na nakatingin sa akin ang tatlo kong kagrupo, si Vic, Macy at Chikee.
"Hindi ka rin namin maintindihan!" sabi ni Chikee. Kaya napatingin ako sa kanya at kinunutan ko siya ng noo.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Ang ibig ko lang sabihin ay bakit ikaw hindi mo sinasamantala ang pagiging mahina namin?Halata namang isa ka ring katulad nila na mayaman at kayang kaya mo rin gamitin ang iyong boses para utusan kami." Pagpapaliwanag ni Chikee kaya tumango ako bilang pag-intindi.
"Tama! Nandito ka imbis na sumama sa kanila na nagsasaya lang." sabi naman ni Vic.
"Alam niyo, mas maganda ang pinaghihirapan mo ang isang bagay para makamit iyon. Hindi iyong iaasa mo na lamang ito sa iba sapagkat dito ka mas matututo." Napatango naman sila sa sinabi ko.
Lumapit sa akin si Macy at maamo akong tinignan.
"Alam mo Maxine bihira na lang kami makakilala ng isang katulad mo madalas kasi ang tulad mo ay nakikilala lang namin dahil kauri lang din namin sila." Sabi ni Macy.
Napangiti ako sa kanya't tinapik ko ito sa balikat dahil alam kong nawawalan ito ng tiwala sa sarili.
"Tsaka pababayaan ko ba kayo? Syempre, groupwork ito! Alam ko kaya kung ano ang ibig sabihin ng groupwork! Matalino ako no! Kayo ba, alam niyo iyon?" napatawa naman sila sa aking banat.
"Ayan ang gusto ko! Maganda na, mabait pa! Grabe, sa yaman mong yan ang simple simple mo lang. Sabagay, sabi nga nila simplicity is beauty." sabi ni Chikee kaya sabay kaming napailing ni Vic sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/49417576-288-k121856.jpg)
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...