Tulala ako nang makarating ako ng condo unit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makahinga dahil sa sagutan namin ni Yna. Maraming bumabagabag sa akin.
Ayaw kong pangunahan ako ng mga tanong na gumugulo sa akin pero iyon ang nangyayari. Pumikit ako at huminga ng malalim. I need to focus. Hindi dapat ako magpaapekto.
I need to trust Maximo in this. Hindi ko hahayaang lamunin ako nito. Ayaw kong magdulot ito ng pag-aaway o paghihiwalay namin ni Maximo. Iniisip ko pa lang na pinaglalaruan niya lang ako ay bumibigat na ang aking damdamin.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang laptop. Lumabas muli ako para makasagap ng mas malakas na internet connection. I am going to research about the past. Gusto ko may mga alam ako tungkol dito bago ko komprontahin si Maximo. I don't want to look blind about those things. Ayaw kong magmukha akong tanga.
Kalahating oras na ata akong nakatanga sa laptop. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang hahanapin ko. Saan ako magsisimula? Handa na ba akong malaman lahat ng nangyayari?
Pigil hininga kong binuksan ang google. Ityped Maximo Padilla and Yna Mendez's relationship. Maraming lumabas doon. May mga video rin. Lahat na ng nakaugnay sa kanila ay binuksan ko kahit na ata ang background nilang dalawa.
Pinili ko muna ang parte kung saan una silang nagkakilala hanggang sa nilink sila sa isa't isa. Doon ko nalaman na matagal na palang crush ni Yna Mendez si Maximo. Hindi pa man nag-aartista si Maximo ay kilala na niya ito.
Napasinghap ako nang makita ang pamilyar na litrato. Ikinompara ito sa litrato nila ni Yna. The picture was taken when I and Maximo went to Batangas. Akala ko ay matagal na itong nawala. Marami ang nagkomento roon. Hindi ko na pinakialaman ito dahil matagal na naman iyon.
Napunta ako sa parte kung saan kinukumpirma kung may relasyon talaga sila Yna at Maximo. They were just both silent. Ang komento lamang ni Yna ay he's a special person. This was the time when I left for my studies. Two months after I went to California.
Maraming mga pictures na sweet na sweet sila sa isa't isa. Hanggang sa makikita ako ng video tungkol sa pag-alis ni Yna at pagpapahinga sandali sa showbizness. I was real nervous when the video is still loading.
Lumabas doon ang malungkot na itsura ni Yna habang iniinterview siya ni Tito Boy.
"Maraming balita na kumakalat ngayon na di umano'y aalis ka ng showbiz. Maraming haka-haka ang pumaloob dito. Buntis ka raw at marami ang nagsasabi dahil ito sa naghiwalay kayo ni Maximo. Ano nga ba ang katotohanan dito Yna?"
"Yes, Tito Boy. Magpapahinga muna ako sa showbiz. Hindi dahil sa buntis ako lalo na hindi dahil sa naghiwalay kami ni Maximo."
"So, Yna what is the real reason about this?"
Tumigil si Yna at yumuko. Mukha siyang nagbabaliktanaw ng mga pangyayari. Huminga siya ng malalim at agad pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.
Inabutan siya ng tissue ni Tito Boy at nagsimula siyang magsalita.
"Ang totoo kasi niyan Tito Boy, I need to go to the States for my father. He's suffering from cancer. I want to personally take care of him. Hindi lang ako makaalis alis kasi sa mga nakapilang projects para sa akin kaya nang makaluwag luwag ako napagpasyahan kong lisanin muna ang showbiz."
"He's asking for my presence there. Matagal na matagal na niya akong gustong papuntahin doon pero ngayon ko lang naisipan pumunta. Actually, may tampuhan kasi talaga kami ni Daddy way back. Kaya natiis ko siya pero kinausap ako ni Mommy. Patawarin ko na ang daddy kaya niya lang naman ginawa iyon dahil sa mahal niya ako."
"I cried so hard after that. Halos hindi ako makatulog dahil doon. Three straight days akong hindi makatulog ng maayos kakaisip. Hanggang sa may nakita akong bata na nawawala in Quiapo. She's looking for her dad. She was crying real hard! That touches my heart, bakit nga ba hindi ko kayang patawarin si Papa. He's my dad after all. Ayokong mahuli ang lahat. Ito ngang batang ito e, nawawala lang siya sobra na kung umiyak pero ako possibleng mawala na talaga si daddy sa akin."
"Now, I want to take a break for my father. Kaya ako pumasok ng showbiz para sa Daddy ko. I want to prove him that he is wrong. Ginagawa ko lahat ng ito para ipagmayabang sa tatay ko kaya para saan na lang ang lahat ng tagumpay ko kung mawawala na siya sa akin."
"We'll support you in your decision Yna. I hope your father will get soon."
"Thank you Tito Boy."
"Mabilis na sagot, alam ba ni Maximo ang desisyon mo tungkol dito? He's your partner after all."
"Yes po. Sa totoo niyan, siya ang una kong kinausap tungkol dito at sinusupportahan niya ako. Gusto pa nga niya po akong samahan pero sinabi ko ay nandito ang pamilya niya. Kailangan siya ng pamilya niya rito. I also told him that he can visit me there anytime he wants."
"Ano ang mensahe mo para sa mga fans mo? Sa fans niyo ni Maximo?"
Doon ko na itinigil ang video. Hindi ko napigilang maiyak sa nangyari kay Yna. Sympathy was all over me pero hindi ko dapat kalimutan na kanina lang ay inaway-away niya ako.
Marami pa akong nakita na mga balita tungkol sa kanila ni Maximo. Ang kumuha ng atensyon ko ay ang biglaang pag-alis ni Maximo sa Pilipinas. Wala siyang iniwan na kahit anong mensahe o paliwanag man lang.
Ang mga sumunod na litrato ay ang picture nila ni Yna na kasama ang parents niya. This news was published couple of weeks ago before our first conference. Hanggang sa bumalik na si Yna ng Pilipinas at si Maximo naman ay pumasok ng Hollywood.
Napatigil ang pagreresearch ko dahil doon. Did he really looked for Yna when he was in States? Sobrang bilis ng pintig ng aking puso, nararamdaman ko ang pagkahabag nito sa aking sarili.
Does this confirm that Yna was right? Ano nga ba ang alam ko sa totoong pakay ni Maximo roon? Ano nga ba talaga ang alam ng media? Pero iyong mga litrato ang mga nagpapatunay ng mga bagay bagay!
The pictures want to tell me that Yna was fucking right! I don't know what to do. Kung mahal naman pala talaga ni Maximo si Yna at si Yna ay mahal si Maximo, bakit kailangan ko pa mainvolve rito? Bakit kailangan pa akong paibigin ni Maximo?
Paano kung tama si Yna na pinaglalaruan lang ako ni Maximo? May mga ebidensya akong nakalap na may relasyon silang dalawa. Pero feelings change right? Paano kung ako na ang mahal ngayon ni Maximo?
Oh right, Maxine! Give yourself a false hope! Ikaw ang magiging talunan dito! Pinagtutulungan ka na nila pero ang pagmamahal mo pa rin kay Maximo ang iniintindi mo? C'mon, wake up!
Niyakap ko ang aking sarili dahil sa nararamdaman ko pagiging isa. I feel so alone! I want to talk to Chikee, Macy and Vic. I want to share this to Gem. Gusto ko ng karamay. Hindi ko ata kakayanin lahat ng ito. Para akong walang kakampi!
Napahagulgol ako nang maraming pangyayari ang pumasok sa aking isipan. Gusto kong magwala dahil maraming bumubuong panyayari na tingin ko ay totoo.
What if he doesn't really love me? What will I do? Should I beg for him to stay?
I will surely beg for him! I love him! I love him so much! Ayaw ko siyang isuko dahil lang dito. Kung kinakailangan kong maging kabit wala akong pakialam basta narito lang siya sa aking tabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/49417576-288-k121856.jpg)
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...