May NCAE exam kami ngayon para malaman kung ano bang course ang nararapat sa amin. Sabi ng adviser namin makakatulong daw iyon para sa mga taong hindi pa alam kung ano iyong gusto nilang kurso.
Naging mahirap ang exam, nagfocus talaga ako para malaman ko kung ano ba iyong para sa akin. Sana culinary din ang lumabas sa resulta o kaya business course. Tuwang tuwa akong lumabas sa classroom dahil alam ko sa sarili ko na nasagutan ko ng maayos ang exam.
Ilang sandali lang ay kasama ko na sila Macy, Vic at Chikee. Inintriga nila ako tungkol kay Kean kahit ilang buwan na ang nakakalipas. Ilang buwan ko na rin siya hindi nakikita, hindi na rin siya pumupunta sa modelling class namin. Nakokonsensya talaga kasi ako dahil iniwan ko siya noong araw na iyon para mahabol iyong lalaki kahit hindi ako sigurado na si Maximo.
"Maxine, sumali ka na kasi sa Ms. Alma Mater! Para naman Manalo ang section natin, kung si Jamie at Rica lang sasali. Hmmm? Ewan ko lang huh! Pero nawawalan ako ng pag-asang mananalo tayo. Though, magaganda sila, sa q&a kasi e, mejo mahiyain sila kahit matatalino sila. Eh. Ikaw yakang yaka mo iyon!" sabi ni Chikee
"Oo nga Maxine! Sumali ka na, afford mo naman iyong expenses para doon tapos magaling ka pa" sabi niya habang tumataas baba ang kilay niya.
Every year naghahanap ng Ms. Alma Mater para maging isang role model sa buong campus. Noong unang tungtong ko rito, alam ko na sa sarili ko na gusto kong sumali roon dahil gusto kong ipakita sa tao na kaya ko. Kahit home-schooled lang ako dati, alam kong kaya kong makisalamuha sa ibang tao. Ngayon, gusto ko man sumali pero wala naman iyong tao aalayan ko ng pagkapanalo ko kung sakali man.
Hindi na kasi pumapasok si Maximo, ang balita ay home-schooled na siya dahil nag-umpisa na ang taping ang teleserye niya kasama si Yna Mendez. Tuloy na tuloy na talaga ito, sa totoo lang inair na last week ang trailer ng teleserye pero hindi pa alam kung kailan ang simula noong teleserye. Kasabayan din ang pag-air ng mga teleserye ng mga bigating artista.
"Sumali ka na Maxine huh! Wag kang mag-alala, maraming susupporta sayo. Fansclub pa lang ni Maximo. Eh, ano pa kaya kung sumama pa iyong mga nagkakagusto sayo dba?" tinaasan ko ng kilay si Vic dahil sa sinabi niya. Nagkakagusto? Seriously, wala akong nababalitaan na mayroong nakakagusto sa akin.
"Si Maximo lang kasi ang laging nasa isip mo kaya hindi mo napapansin Maxine" paliwanag ni Vic.
"Hindi yan totoo!" depensa ko sa sarili ko pero halata namang hindi sila naniniwala sa akin
"Weh? Hindi mo na siya naiisip? Hindi mo siya namimiss?" sunod sunod na tanong ni Macy. Inirapan ko siya para malaman niyang naaasar ako sa mga sinasabi nila
"Hindi nga sabi" mataray kong sagot
"Sigurado ka?" tanong ulit ni Macy. Tumango naman ako para tumigil na siya. Bigla namang nagbulungan sila Macy at Chikee at parang may tinitignan sila.
"Uy. Si Maximo!" sigaw ni Chikee sabay turo. Napalingon ako agad sa tinuro niya pero laking dismaya ko na wala namang tao roon sa tinuro niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang sinukli niya lang sa akin ay peace sign.
"Hindi nga naiisip. Hindi nga namimiss!" sarkastikong sabi ni Macy kaya nilayasan ko na sila.
Pagkarating ng bahay sinalubong agad ako ng mga halik ng mga magulang ko. Nagtaka naman ako kasi nandito sila ngayon, madalas kasi kapag malapit na ang December umaalis sila ng bahay para mangibang bansa. Minsan sinasama nila ako pero madalas iniiwan nila ako kaya nasanay na ako.
"Mom, Dad? Ano pong meron?" inosente kong tanong sa kanila. Nagkatinginan naman sila Mommy & Daddy at binigyan ako ng malungkot na tingin ni Daddy.
"Princess, ayaw mo bang nandito kami?" malungkot na saad ni Daddy, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi naman ganun iyon.
"Dad, alam niyo pong hindi ganun iyon. Its just that, I find it curious po kasi you used to be in other part of the world" paliwanag ko sa kanila
"Well, my dear. We just received an email from someone from the other country." Takang taka kong tinignan si Mommy
"Princess, ipinasok ka kasi namin sa isang university sa States. You just get in to the next level, kailangan mo lang sagutan ang entrance exams nila sa website nila para matanggap ka na sa school nila. Iyon ang pinakamagandang culinary school sa buong mundo anak, kaya alam kong magugustuhan mo iyon. Kapag mataas makukuha mo sa exams, you'll get a scholarship" Tuwang tuwang balita ng magulang ko. I want to. I want to try pero ayaw kong iwan si Maximo.
Nagresearch ako tungkol doon sa school na sinasabi nila mommy at daddy. Tama nga si Daddy, ang Eastern States University ang number 1 sa culinary. Maraming sikat na restaurant na ang may ari ang nag-aral sa ESU. This is a great opportunity for me. Lalo na't mas excited pa sa akin sila Mommy & Daddy. Maybe, I should consider it. Pwede naman akong mag-exam and kapag hindi ako pumasa, I'll stay here.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...