Naging busy kami sa school sa nagdaang araw. Malapit na kasi ang finals kaya sobrang naghahabol kami sa mga projects namin. Tumatambay kami nila Vic, Macy at Chikee sa football field. Wala kasing naglalaro ngayon doon kaya pwedeng tumambay sa mismong field.
Nagdidiscuss kami ng mga events na sasalihan namin sa nalalapit na summer. Sabi ni Vic sasali raw siya sa isang musical habang si Macy naman ay gustong sumabak sa writing workshop. Si Chikee naman ay susubukan niyang sumali sa mga sports tulad ng volleyball.
Habang nag uusap ay biglang napadaan si Maximo sa harap namin. Agad kong inagaw ang pansin niya.
"Maximo!" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa gawi namin kaya kumaway ako sa kanya ngunit laking dismaya ko dahil hindi siya kumaway pabalik sa akin o kaya'y ngumiti man lang. Tinignan niya lang ako pagkatapos ay tuloy tuloy ng umalis.
"Bakit ganon?" bulong ko
Ano nangyari? Parang kailan lang ok kami huh! Ilang araw lang naman ang nagdaan mula noong pumunta kami ng Batangas. Nananaginip lang ba ako? Hindi ba totoong naging close kami? Hindi ba totoo na nagkaroon kami ng special time sa isa't isa?
"Baka naman nagmamadali lang!" pampalubag loob ni Vic
"Tama! Base sa binigay mong schedule niya. May recording siya ngayon kaya sigurp nga nagmamadali na siya" ngumiti na lang ako sa sinabi ni Macy pero hindi pa rin ako mapakali kasi dapat ngumiti man lang siya dahil napatingin siya sa akin.
Baka naman hindi niya nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya? Kasi hindi ba, sabi niya dapat Ryler ang itawag ko sa kanya? Siguro nga!
"Tapos mamaya may shooting siya para sa music video niya. Gusto niyong manuod?" nakangising sabi ni Chikee
Inextend ni Chikee ang kamay niya para roon namin ipapatong kamay namin kung sasama kami sa mall show ni Maximo.
Ipinatong na ni Macy ang kanyang kamay, sunod naman ay kay Vic. Sabay sabay silang nagtinginan sa akin. Tinaasan ako ng kilay ni Chikee, siguro nahalata niyang nagdadalawang isip ako.
"Wag ka na magtampo kay Maximo. Busy lang talaga yun!" pag-eencourage ni Chikee
"Oo nga! Wag ka na mag-inarte jan!" sabi naman ni Macy.
Pabalibag kong ipinatong ang kamay ko sa taas ng kamay nila. Sabay sabay nilang tinanggal ang kamay nila dahil sa sobrang lakas ng impact ng pagbaba ko ng kamay.
"Aray huh!" reklamo ni Vic
"Tss. Basta I'm in!" mataray kong sabi sa kanila pagkatapos ay sabay sabay nila akong binatukan kaya nagtawanan kaming lahat.
Pagkarating namin sa site kung saan ang taping ng music video ni Maximo ay kami lang ang mga fans doon. Siguro dahil kami lang binigyan ni Jim ng schedule ni Maximo tsaka nga pala ako ang President ng lahat ng fansclub ni Maximo kaya ako lang ang nakakaalam ng sched niya.
Sinabi rin pala ni Jim sa amin na may kasabayan na batikang actor ngayon si Maximo kaya wag daw kaming magugulat kung may mga fans dito na iba ang sinusupportahan. Mamaya raw kasi ay magwala kami rito dahil iba ang sinusupportahan ng ibang fans.
Sinuot ko ang t-shirt ko na may mukha ni Maximo. Baka magulat siya kapag nakita niya ako. Nauna ng naglakad lakad sila Chikee, Macy at Vic habang ako ay nasa likod lang nila. Binabagalan ko ang lakad ko kasi pinagmamasdan ko pa ang paligid. Ang ganda ng lugar, pwede kang mag-emote rito sa lugar na ito. Kung gusto mong magmuni muni bagay ang lugar na ito roon.
May fountain sa gitna nito, mas maganda siguro ang fountain na ito tuwing gabi kasi may ilaw na makikita rito. Lumapit ako sa gilid ng fountain dahil gusto kong mas makita itong malapitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/49417576-288-k121856.jpg)
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...