40

90 18 0
                                    


Dinala ako ni Christian sa isang restaurant malapit sa site na pagtatapingan namin. Napakarefreshing ng lugar, kitang kita mo ang view ng lugar. Sa isang swing kami nakaupo, nandoon na ang table kasama ang upuan, kasyang kasya lang kaming dalawa roon ni Christian. Ang swing kasi ang gumaganap bilanh

Maraming kinukwento sa akin si Chrsistian pero hindi ko iyon masundan lahat dahil lumilipad ang isip ko sa sinabi ni Maximo. Why would he say that? Naiinis ako dahil sa sobrang apektado ako sa lahat ng iyon.

"Alexa!" tawag sa akin ni Christian

"Huh? Why?"

"You are not listening and you are not even eating your food" napakagat ako ng labi. Nakakainis ka Maxine, kasama mo si Christian pero si Maximo ang iniisip mo. Bad girl!

"Sorry. I am just pre-occupied" nahihiya kong paghingi ng tawad

"Is this because of Maximo?" napatingin ako sa mata niya. Matapang niyang tinanong iyon pero ang nakikita ko sa mata niya ang kalungkutan.

"Christian" malumanay kong tawag sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

"Chris..I'm sorry but.." malungkot kong ulit

"I'm not starting yet, Alexa" mariing sabi ni Christian

"Christian, you don't understand" nafrufrustrate kong sabi. Napapikit ako dahil nakita ko ang pag-igting ng panga ni Christian

"No Alexa. Just let me!" napatango na lang ako dahil alam kong hindi ko mababago ang isip niya

Malungkot kong tinignan si Christian. Hindi ko alam kung paano ko siya papatigilin. This is so frustrating. Alam ko sa sarili ko na siya pa rin. Si Maximo pa rin.

"Maxine!" napalingon ako sa taong nagsalita.

Nanlaki ang mata ko noong makita ko si Kean kinawayan ako with all smiles pa. Nasa likod niya si Maximo na nakahalukipkip lang. Nagtama ang tingin namin ni Maximo na naging dahilan ng pagiging uneasy ko.

"Hi Max!" nakangising saad ni Kean. Umupo siya sa tabi ko na parang wala si Christian sa harapan ko

"Anong ginagawa niyo rito?" pabulong pero mariin kong tanong kay Kean

"May nagseselos na unggoy kasi" natatawang bulong naman ni Kean. Tinignan ko siya ng masama para tumigil na siya sa kalokohan niya

Nakarinig kami ng malakas na tikhim sa gilid kaya napatigil kami sa pagbubulungan. Tinignan ko naman si Christian sa harap ko at nakataas lang ang kilay niya sa akin.

"Ugh. Chris, this is Kean my friend. And ofcourse, Maximo" nagtanguan lang ang tatlo.

Nagtaas ng kamay si Kean para umorder. Pagkatapos niyang umorder ay hinila niya ako para maupo siya sa pinakadulo. Kaya ang nangyari ay katapat ko si Maximo habang magkatabi naman si Maximo at Christian.

"Good thing, I ordered food for us. This food is not your thing, right? You don't need to eat this one" seryosong saad ni Kean pero alam kong natatawa siya deep inside dahil nakita ko ang pagkindat niya sa akin. Tinignan ko si Chrisitan para ipaalam na kalokohan lang ang sinabi ni Kean. Napakagat ang labi ko dahil sa lungkot ng kanyang mata.

"No, I like this. It's been a long time since we hang-out Kean. There are things that I like now" nakangiting saad ko.

"Ahuh! Like your type in men?" nanunuyang sabat ni Maximo.

Pinigilan kong hindi mainis sa kanya kaya imbis na magsalita ay kumain ako. Anong gusto niyang sabihin? Inis kong binalingan si Kean dahil sa lakas ng tawa niya.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon