Hinatid ako ni Maximo sa magiging kwarto ko. Napakalaki ng kwartong ito mas malaki pa ito sa master's bedroom nila Mom & Dad parang kasya kaming tatlo nila Auntie rito at walang mahuhulog sa amin kahit sakupin pa namin iyon.
Lumapit ako sa kama at ibinagsak ko ang aking katawan. Ang lambot ng kama! Bigla namang lumubog ang kama sa may kanan ko, umupo kasi si Maximo sa aking tabi.
"You really look like an angel!" sabi niya sa akin. Tinignan ko siya at ngumiti sa kanya
"Do you want to sleep now? We'll stroll around tomorrow in the morning" tumango ako bilang sagot sa kanya
"Mukhang pagod na pagod ka sa byahe lalo na sa pakikipagkwentuhan kay Auntie! I'll leave you here, okay?" sabi niya habang nilalabas ang cellphone nila mula sa kanyang bulsa. Pumikit na ako dahil alam kong lalabas na siya pero napamulat ako noong marinig ko ang tunog ng camera. Pinipicturan ako ni Maximo habang nakahiga at antok na antok. Loko loko talaga
"Maximo!" inis kong sabi sa kanya sabay hagis ng unan sa kanya. Napatawa siya sa ginawa ko. I really love to hear those laughs!
"Call me Ryler, Maxine! Ryler!" napangiti ako sa sinabi niya. Ryler! He wants me to call him, Ryler!
"Okay Ryler!" nakangiti kong sabi. Tinignan niya ako ng seryoso bago siya magpaalam
"Good night!" sabi niya bago tuluyan nang lumabas ng kwarto
Inutusan ni Auntie Belle si Maximo na ilibot ako sa palasyo niya. Si Auntie pa nga ang nag ayos ng gamit ko. Pagkagising ko ay saktong pagpasok ni Auntie sa kwarto na tinulugan ko. Ipinakita niya sa akin ang mga pinamili niya. Lahat iyon magaganda kaya hindi ako agad nakapili ng damit. Kaya sa huli ang pinili ko ang kulay light pink na sleeveless dress na 1 inch na lagpas sa tuhod ko.
Sabi kasi ni Auntie binilin iyon ni Maximo. Hindi ko alam kung ano mismo ang binilin ni Maximo pero kahit ganoon ay natuwa ako.
Naglakad kami ni Maximo sa tabi ng dagat. Malakas ang hampas ng alon. Masarap ang simoy ng hangin. Napakapayapa rito, parang masarap tumira sa ganitong lugar. Kaya siguro pinili ni Auntie Belle na rito manirahan kasi payapa rito.
Nakakita kami ni Maximo ng taong nagkukumpulan sa may pangpang kaya lumapit kami roon dahil mukhang nagkakasiyahan ang mga tao roon. May nagdiriwang ng kanilang kasal kaya may kasiyahan. Mukhang kilala ni Maximo ang ikinasal dahil binati niya ang mga ito.
Inanyayahan nila si Maximo sa handaan, ako naman ay napatinaod lamang. Mukhang magkakakilala lahat ang mga tao malapit sa bahay ni Auntie.
"Maximo, kamusta ka na? Ang tagal mo ng hindi napaparito!" bati sa kanya ng isang matandang lalaki
"Maayos lang naman po Mang Rico. Nag-aaral po kasi ako ngayon sa Maynila kaya hindi ako ganoon kadali para pumarito muli" paliwanag niya
"Iho, sino itong magandang dalaga na kasama mo? Nobya mo ba ito?" sabi naman ng matandang babae na nasa gilid ko lang
"Hard to get po ako Manang Alicia!" nakangising sabi niya. Nanlaki ang mata ko at hinampas ko ang balikat niya.
"Ikaw talagang bata ka! Masyado kang mapagbiro" sabi ni Manang Alicia na napapailing
Lumapit sa amin ang ikinasal para batiin kaming dalawa ni Maximo.
"Maximo, ito nga pala si Linda! Ang aking napangasawa!" nakangiting sabi ng groom
"Congratulations sa inyo Mark! Linda, buti nabola ka nito ni Mark!" biro ni Maximo kay Linda. Napangisi naman si Mark sa itinuring ni Maximo tapos ay tumingin sa akin. Tumaas ang kilay niya tapos ay lalong lumaki ang ngisi
"Sino kaya ang magaling mambola sa atin?" pabirong sinuntok ni Mark si Maximo sa kanyang braso kaya nagtawanan ang dalawa
"Si Maxine, Maxine si Mark at Linda" nakipagkamayan ako kay Mark habang kay Linda naman ay nakipagbeso beso ako
"Ano oras ba kayo nagpakasal at ganito kaaga ang selebrasyon niyo?" natatawang tanong ni Maximo kaya agad siyang binatukan ni Mark
"Six am kami ikinasal! Eto kasing si Linda hindi na makapaghintay na ikasal sa akin!" biro ni Mark kaya agad siyang hinampas ni Linda. Sabay naman kaming napatawa ni Maximo, magkaibigan nga silang dalawa!
Agad ding umalis sila Mark at Linda dahil tinawag sila para sa sayaw nila. Habang kami naman ni Maximo ay tahimik lang na kumain.
"Kapag may birthday dito, lahat dapat imbitado kaya hindi maiwasan na halos lahat magkakakilala rito" kwento ni Maximo
"Buti pa rito hindi nanghuhusga ang mga tao. Buti pa rito ang mga tao nagtutulungan!" sabi ko naman
"Ganoon talaga. Wala rin naman kasing maasahan e, kung hindi ang isa't isa!" tumango ako sa kanya bilang pag sang-ayon.
Napakasaya ng dalawang magkasintahan na nagsasayaw sa gitna. Halatang mahal na mahal nila ang isa't isa. Tumawag na rin ang emcee ng mga tao na gustong magsayaw. Nagkayayaan na ang mga tao. Walong pares na ang nasa gitna ng dance floor na sumasabay sa ritmo ng sayaw. Napakasweet magtinginan ng mga tao.
Nagulat ako noong may naglahad kamay sa aking harapan. Pag angat ko ng tingin ko, nakita ko ang nakangisi at mapangusap na mata ni Maximo.
"Can I have this dance?" tanong niya sa akin. Napahagalpak ako ng tawa sa tinuran niya. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko kaya imbis na hintayin ang sagot ko ay hinila na agad niya ako sa dance floor.
Noong nasa dance floor ako, hindi pa rin ako tumitigil sa katatawa. Mabuti na lang pinagdress ako ni Auntie Bell dahil bumagay ito sa kasal!
Natigil lang ako sa katatawa noong hinawakan ni Maximo ang kamay ko at inilagay ito sa kanyang balikat. Napatingin ako sa kanyang mga mata. Seryoso lang ang mga mata niya pero maraming emosyon ang lumalabas. Pangungulila, pagkasabik, kasiyahan, kalungkutan at pagmamahal? Hindi ako sigurado dahil marami itong gustong ipabatid. Gusto kong maiyak sa puntong iyon dahil achievement ito bilang isang tagahanga ng artista! Siguro kung may mga pictures kami ngayon at ipopost sa social media. Marami ang maiinggit sa akin.
"I hope we can stay like this forever" bulong sa akin ni Maximo. Ako rin Maximo! Gusto ko rin na sana pwedeng ganito na lang tayo
"I hope I can turn back the time" dagdag niya. Napakunot ang noo ko sa huli niyang sabi. Nakangiti sa akin si Maximo pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Naguguluhan ako!
Hinigit niya ako papalapit sa kanya. Magkayakap na kami ngayon. Sobrang higpit ng mga yakap niya sa akin. Damang dama ko ang mga maiinit niyang bisig. Masarap ang ganitong pakiramdam. Parang safe ka kapag nandito ka sa mga bisig niya.
"Ryler?" naramdaman kong napangiti siya bigla
"Please say my name again" bulong niyang muli. Napapansin kong pinagtitinginan na kami ng tao sa paligid pero wala akong pakialam. Masaya ako ngayon! Sobrang saya ko dahil nandito si Maximo sa tabi ko. Ang taong hinahangaan ko. Ilang months ko pa lang siya hinahangaan pero ganito na agad kalaki ang impact niya sa akin. 8 months pa lang? Ganoon pa lang pero alam kong malalim itong nararamdaman ko.
"Please, Maxine!"
"Ryler" napangiti ako noong masabi ko ang pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko ang Ryler sa Maximo, siguro dahil nakakatakot ang Maximo o dahil mga taong malalapit lang sa buhay niya ang tumatawag sa kanya ng ganoon.
"Heaven!" bulong niya. Agad akong nagtaka sa sinabi niya sa akin sabay naman noon ang paglayo ng katawan niya sa akin. Ipinakita niya ang masayang aura sa akin.
"Let's go! We have many itinerary to do!" sabi niya sabay alok ng kamay niya sa akin
Bago kami umalis ni Maximo. Isa isa niya munang nilapitan ang mga tao roon kasama na ang mga newly weds. Nilapitan niya rin ang photographer pagkatapos ay binayaran niya ito ng isang daang libong piso. Napakunot ang noo ko dahil doon, para saan ang isang libo?
**

BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...