Naging mabilis lang ang retreat namin. Kaya ngayon abala ako sa mga activities ko para sa summer. Marami kaming pupuntahan na mga shows in Maximo lalo na't tuwing summer ay birthday concert ni Maximo. Mabuti na lang nakakapag-ipon ako.
Isa rin sa pagkakaabalahan ko ang pagmomodel. Sa katunayan ay enrolled na ako sa isang modelling agency. Modellete ang pangalan ng agency nila. Napakaganda ng lugar, malawak ang espasyo na pagprapraktisan. Bilang lang sa aking darili ang nag-enroll ngayong summer.
Naging mahirap sa akin ang unang araw sa Modellete kasi mahiyain ako sa harap ng mga tao. Mabuti na lang iyong mga kasama ko ay tinutulungan ako para magain ang confidence ko. Pagkatapos ng isang pagsubok kung saan pinaglakad kami ay nagcomment ang mentor namin. Marami raw sa amin ay maganda na ang lakad kaso ay walang confidence na nakikita. Marami ring kailangan ng improvement dahil nakaslouch sila. Pati ang pag-upo namin ngayon ay pinuna nung mentor.
Pagkatapos niya kaming pinaglakad ay pinapunta niya kami sa isang studio kung saan kukuhanan kami ng litrato. Tatayo lang naman daw kami roon o uupo kapag pipicturan. Hindi naman daw namin kailangan magproject ngayong araw. Gusto lang daw magkaroon ng profile ng Modellete mula sa kanilang models. Titignan kasi nila kung anong improvement ba ang nangyari sa amin.
Agad kaming nagbreak pagkatapos ng photoshoot, nasa loob kami sa iisang circle ng mga kasama kong nag-enroll. Nagpakilala kami sa isa't isa kaya madali kaming nakipagpalagayan sa isa't isa. Nagkwentuhan din kami kung bakit kami sumali rito sa Modellete.
Ang iba ay gustong maboost ang confidence nila. Ang iba naman ay gusto nilang maging isang modelo at mapansin ng isang talent coach. Kaya ang iba ay hindi lang ito ang pinagkakaabalahan, iyong iba nag-enroll din sa isang acting workshop.
"Ikaw Maxine? Bakit ka sumali rito?" nakangiting tanong ni Melissa
"Well, gusto ko kasi iprove sa buong mundo na bagay kami" nakangisi kong saad sa kanila. Nagkaroon naman ng hiyawan dahil sa sagot ko.
"So, you are inlove!" conclude ni Melissa. Agad akong napatango sa sinabi niya
"Aren't you investing too much for this kind of love? Well, who knows right? Maybe the person you love & you isn't meant for each other?" inosenteng tanong ni Miguel, isa sa lalaking model. Napangiti ako sa sinabi niya
"Well, I know everything is worth it! And besides, isn't it great that I am gaining friends and boosting my confidence because of this." Napatango sila sa akin
"Kanina pa kita tinitignan Maxine pero hindi ko talaga malaman kung saan kita nakita! I know your face but hindi ko maalala kung saan kita nakita" sabat ni Kean. Nagkatinginan ang co-models ko kaya kumalabog agad ang puso ko. Hindi kaya nakita nila ako sa news at kasama ko naman si Maximo baka mabash ako ng di oras dahil dito.
"Hay nako, Kean! Bakit hindi mo na lang sabihin agad na gusto mo itong si Maxine! Hindi ka naman namin masyadong aasarin" nakangising sabat ni Miguel kaya nagkaroon ng halakhakan dahil doon. Kinantyaw nila si Kean sa akin at ako seryoso lang ang tingin kay Kean. Kinakabahan talaga ako dahil baka may alam siya
"Seriously? I have a girlfriend! Don't tease me!" nakangiting saad ni Kean
"Weh? Baka naman niloloko mo lang kami para hindi ka halata kay Maxine" sabi ni Melissa. Agad humagalpak ang tawa ni Kean.
"But its true! I have a girlfriend" nakangising saad ni Kean habang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya.
"Mukhang nagkakaigihan na kayo jan my little angels!" sabi ng mentor namin. Kumalabog ang puso ko noong tinawag niya kaming ganun. I miss Maximo. I miss him, calling me his angel!
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...