14

168 57 8
                                    

Pagkauwi ko ng bahay agad kong nilabas ang pagkaing nasa bag ko. Nanlaki ang mata ko noong makita kong kumalat ang pagkain, mabuti na lang may plastic iyon. Chicken orange ang nasa loob ng styro. Sobrang sarap ng pagkain, sobrang lambot din ng chicken. Nakakatakam. Nakailang kuha ako ng kanin dahil doon. Gusto kong malaman ang recipe nito.

Pagkatapos kong kumain agad akong umakyat sa taas para magpahinga. Napangiti ako noong makita ko ang kwarto ko. Punong puno na ng pictures ni Maximo ang kwarto ko. Kung dati ang study table ko lang ang mayroong pictures ni Maximo ngayon buong kwarto na. Pati ceiling ay may pictures niya, kasama na ang unan ko ngayon. Mukha na ni Maximo ang nakalagay.

"Hi Maximo! Miss na miss na kita! Gusto na kita makausap ulit! Gusto na ulit kitang lapitan!" kausap ko ang unan na may mukha ni Maximo

"Ano nga pala iyong ibig mong sabihin kanina? Hmmm. Nakakainis ka Maximo! Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon gustong gusto pa rin kita! Mahal kita Maximo! Mahal na mahal na kita! Bakit ganoon? Hindi tayo ganoon katagal nagsama pero nahulog na ako sayo! Ang unfair! Sobrang unfair kasi hindi kita kayang abutin! Kung dati siguro, yung bago ka pa maging artista baka pwede pa tayo pero ngayon sobrang hirap na" pinipigilan ko ang pagluha habang kausap ang bawat pictures ni Maximo sa kwarto ko. Nababaliw na siguro ako!

"I need to back off para sa future mo. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon magreact ang ibang fans mo Maximo. Syempre, isa ka sa pinakagwapong heartthrob sa showbizness. Sana maging worth it ang pagpapalayo ko sayo. Sana maging masaya ka sa pangarap mo. Sana makamit mo lahat ng blessings na nakakamit mo" hindi ko na napigilan ang pag-iyak dahil doon

"Narereceive mo ba ang mga love letters ko sa locker mo? Sana binabasa mo iyon minsan, alam kong walang initials lang nilagay ko roon pero sana kahit minsan nabigyan mo ng pansin ang letter ko sayo"

Maaga akong pumasok sa school. Wala pang masyadong tao sa school pagpasok ko. Tumambay muna ako sa field kasi wala namang praktis ang mga players kapag malapit na ang exams. Malamig sa pwesto ko kaya napayakap ako sa sarili ko.

Maya-maya lang may narinig akong tugtog. Agad akong nagtaka dahil doon, ang alam ko kasi mamaya panghapon tugtog ang mga banda kasi mamaya ang last day for finals. Tapos sa isang araw ay retreat ng buong school.

Tumayo ako para pumunta sa stadium na malapit lang sa field. Doon ko kasi narinig ang tugtog. Sumilip ako sa pinto ng stadium. May limang lalaki ang nandoon. May dalawa pang tao ang nasa baba ng stage. Mukhang papanuorin nila ang gagawin ng banda. Masyadong maaga ang bandang ito para sa event mamaya baka madistract ang mga estudyante sa last exams nila.

Nanlaki ang mata ko noong mahagip ng mata ko si Maximo. Napakaswerte ko ngayong araw dahil matutunghayan ko si Maximo. Siya ang nasa gitna nila, hawak hawak niya ang mic. Noong sumenyas si Maximo ay agad na tumugtog ang mga kasama niya.

Nakapikit ang mga mata ni Maximo habang pinapakinggan ang intro ng kanta. Napapangisi siya habang pinapakinggan ito. Para bang may iniisip siyang konektado sa kantang kakantahin niya.

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko noong sabihin niya ang unang linya ng kanta. Bakit parang konektado rin ako sa kanta? Parang hinahaplos ang puso ko sa bawat linya ng kanyang kanta.

Gusto kong lumapit sa kanya. Gusto kong ipaalam na nandito ako sa likod para supportahan siya. Gusto ko siyang sabayan sa pagkanta ng kantang iyon.

Napapikit ako noong bigkasin ni Maximo ang chorus. Naramdaman kong ang tubig sa aking pisngi. Napapaluha ako dahil sa mga naalala kong mga pangyayari noong pwede ko pang kausapin si Maximo.

Nagulantang ako noong may tumawag sa akin. Ready na akong umalis doon noong tinawag akong muli ng isa sa estudyante na nasa likod ko na. Napapikit ako sa nangyayari. Gusto kong sigawan ang tumawag sa akin na hindi pwedeng malaman na nandito ako.

Nagtanong siya sa akin kung ano ang ginagawa ko rito. Nakakairita lang kasi sobrang lakas ng boses niya. Mas malakas pa ang boses niya kaysa sa tugtog na nasa loob ng stadium, sobrang tinis kasi neto.

Napakunot ang noo ko noong may sumisigaw sa loob ng stadium na nakakaistorbo kami sa pagpapraktis nila. Nagrereklamo sila na mas malakas pa ang daldalan namin ng taong kausap ko kaysa sa tugtog nila. Alam kong totoo iyong sinasabi nila pero parang hindi naman ata tama ang ganyanin nila kami lalo na't gustong sumikat netong bandang ito. Ano nga ulit pangalan ng bandang tumutogtog? The Players? Tsss!

Handa na akong sumugod sa loob noong magulat ako na nasa harap ko na si Maximo. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Napapikit siya habang nakakunot ang noong inosente ko siyang tinignan. Sinulyapan ko naman ang katabi ko at nakita kong nagpipigil siya ng hininga.

Nang iminulat ni Maximo ang kanyang mata, wala akong mabasa roon. Wala siyang pinapakitang ekspresyon. Basta seryoso lang siya sa roon.

"Can you please leave?" sabi ni Maximo na walang kaemo-emosyon

Nanlaki ang mata ko at literal akong napanganga sa sinabi niya. Hindi ako agad makahulma sa gusto niyang iparating.

"I said leave! You are disturbing us!" mariin niyang sabi. Lalo akong napanganga sa sinabi niya.

"You are asking us to leave in OUR own school?" mariin ko ring sabi sa kanya

"Can't you see, you are disturbing us! Hindi bale sana kung nagbubulungan lang kayo! Dinaig niyo pa ang nakalunok ng microphone" malamig niyang sabi. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay inirapan ko siya sabay hatak sa nakangangang estudyante na kasama ko.

Masakit pala kung sa kanya magagaling iyong katagang iyon. Alam kong hindi ang pag-alis sa buhay niya ang ibig niyang sabihin pero hindi ko pa rin mawala sa isip ko iyon. I am disturbing him! Sa kanya na nanggaling iyon! Parang ganoon na rin ang ibig niyang sabihin. Totoo ngang nakakagulo ako sa career niya.

"Kinausap niya tayo, Ate!" tuwang tuwang sabi ng estudyanteng nasa harapan. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napatahimik siya

"Seriously? Masaya ka nun? Sinungitan niya tayo! Ano ka ba naman?!" hysterical kong sigaw sa kanya

"Atleast kinausap tayo ng gwapong artistang tulad niya!" depensa niyang muli

Inirapan ko siya at iniwan doon. Tinahak ko ang way papuntang classroom ko. Now I fully understand it Maximo. I am no good to you! I will be your destruction! After so many years, now I must accept the fact.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon