Late akong nakarating sa pagshoshootingan namin. Naiinis naman si Gabby dahil sa itsura ko ngayon. Haggard na haggard daw ang mukha ko at halatang hindi pa ako nakakatulog. Paano naman kasing hindi ako makakatulog? Hinanap ko pa kung totoo ang movieng sinabi ni Maximo.
Sa mahigit na apat na oras pagbababad ko sa internet ay hindi ko man lang mahanap iyong linyang iyon. Kaya pagdating ng alas otso ng umaga ay tinawagan ko agad sila Macy para itanong iyon sa kanila. Mabuti na lang at sinabi nilang pamilyar ang linyang iyon kaya napanatag ang puso ko.
Bakit ko nga ba iyon iniisip? Ano namang pakialam ko sa linyang iyon hindi iba? Bakit ko nga ba pinoproblema iyon? Dahil lang sa parang para sa akin talaga iyon. Mag-isip ka nga Alexa!
Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang mga yabag na papasok sa aking tent. Napakunot ang noo ko ng makita kong pumapasok sa tent ko sila Maximo at si Jim. Nandito na si Jim? Bakit ko nga pala nakalimutan na siya nga pala ang manager ni Maximo? Pero bakit wala siya noong mga nakaraang araw?
"Ugh. Alexa, they are here because their tent will be occupied by the other artist. Is it okay with you?" tanong sa akin ng producer. Tinanguan ko na lang siya.
Pinagmasdan ko ang mga kilos nila Maximo at Jim. Nasa kabilang dulo sila ng tent, si Jim ang naging aligaga sa pag-aayos ng mga gamit nila habang si Maximo ay tumutulong lang.
Kinalabit ni Maximo si Jim at itinuro ako. Napatango lang si Jim pagkatapos ay lumapit sila sa akin. Tinaasan ko ng kilay si Maximo.
"My manager, Jim. Jim, Alexa my friend/co-actor" o'yeah! Friend/co-actor! Huh! Ano ikinakadismaya mo jan Alexa? Wag kang mag-inarte!
"Nice meeting you!" Nakangiting bati sa akin Jim, pagkatapos naming magshakehands ay pinanliitan niya ako ng mata.
"Maximo, I think she's familiar" bulong ni Jim kay Maximo. Tinaasan ng kilay ni Maximo si Jim at inilingan
"Not her! I already told you that before" mahinang bulong pero madiing sabi ni Maximo
Kinunutan ko ng noo ang dalawang lalaki sa harap ko. They are talking as if I am not here!
"Have we met before?" nakakunot na noo na sabi Jim, inirapan ko lang siya. Ofcourse we've met before! Natatandaan ko pa ang pinagawa mo sa akin Jim. How will I forget about you?
"Nope" walang gana kong saad. Narinig ko na lang napa-Oh si Jim.
Wala akong pakialam kung sabihin man ni Jim na mataray ako dahil ganun naman talaga ako pagdating sa kanya. How will I forget the day bago ako umalis?
Lumabas ako ng tent para magpahangin. Napapikit ako noong maalala ko ang araw ng bago ako umalis. Iyong araw kung saan halos ayaw ko ng bumalik sa Pilipinas pero ngayon mas gugustuhin ko pang bumalik ng Pilipinas ngayon dahil sinusundan ako ng bangungot na iyon.
Hinihintay ko na lang si Mom & Dad para makakaalis na kami. Maaga pa naman pero mas pinili kong mas maagang pumunta sa airport para wala ng dahilan para mapigilan ang pag-alis ko.
Umupo ako sa may sala habang naghihintay. Binuksan ko ang t.v para hindi ako mainip. Sakto naman ay pagbukas ng t.v ang balita ay tungkol kay Maximo.
'Base sa ating mga sources na may isang non-showbiz girlfriend daw ang sikat na actor na si Maximo Padilla. Iba't ibang reaksyon ang narinig natin mula sa mga fans ni Maximo pero halos lahat sila ay hindi ito nagustuhan' sabi ni Toni Gonzaga
'Paanuorin po natin mga kaibigan ang kompirmasyon tungkol sa ulat na ito galing sa manager ni Maximo' sabi naman ni Tito Boy
'Totoo po bang may non-showbiz girlfriend si Maximo?' tanong ng reporter
![](https://img.wattpad.com/cover/49417576-288-k121856.jpg)
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...