Idinala ako ni Maximo sa isang open market restaurant. Sa tinagaltagal ko rito, ngayon ko lang ito nakita. Para kaming nasa park, napakaromantic ng dating ng lugar na ito. Maraming mabibilhan ng pagkain, tapos ay may mga upuan along the way, sa bandang kanan naman ay ang seaside.
"How did you found out this place?" tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko noong makita kong namumula siya. Is he embarrassed?
"Well, ugh! I..I just read it in a blog" napataas ako ng kilay dahil halatang nagsisinungaling lang siya.
Nilapitan ko ang isang stall na nagtitinda ng mga fish. Diet kasi ako ngayon, kailangan imaintain ang figure tsaka syempre ano oras na rin, kailangan matunaw ang pagkain.
Pumwesto kami sa isang lamesa kung saan malapit lang ang seaside. Mayroong puno sa gitna ng lamesa, napapalibutan ang puno ng lanterns. Napakagandang tignan, dapat pala dinala ko ang camera ko.
Romantic man ang lugar pero nararamdaman ko ang awkwardness sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ako lang iyon o pati siya. Tinignan ko si Maximo na nakatingin sa seaside, nakangisi siya na para bang may inaalala.
"Hey! What's with your smile?" pag-agaw ko sa kanya ng pansin. Napanganga siyang tumingin sa akin agad din naman siyang sumeryoso.
"Nothing. I just remembered a scene about the sea" kinunutan ko siya ng noo. Hindi ko alam na may pagkaweird din pala siya.
Nagulat ako noong bigla na lang inalis ni Maximo ang kutsara at tinidor na hawak niya at bigla na lang dinampot ang pagkain. Napanguso ako noong makita kong kamay ang gamit niya sa pagkain.
Napansin niyang nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain kaya huminto siya sa pagkain. Nilunok niya ang kanyang kinakain bago magsalita.
"You should try eating with your hands. Its more delicious!" kinuha niya ang kutsara at tinidor ko pagkatapos ay inakto ang pagkain gamit ang kamay.
Tinunguan ko siya para sabihin na naiintindihan ko ang itinuturo niya. Pagkatapos kong isubo ang pagkain ay nagthumbs up si Maximo. This is a new experience for me.
Pagkatapos kumain ay pumwesto kami sa seaside. Rinig na rinig ko ang hampas ng alon, ang sarap ng sariwang hangin. Napansin kong natitig lang sa akin si Maximo kaya tinignan ko rin siya, pagharap ko sa kanya ay nginitian niya ako. Napalunok ako noong bigla na lang niya hawakan ang kamay ko.
"Alexa, why don't we share things with each other? I mean, we should get to know each other" napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Kainis! Bakit kailangan niya pang hawakan ang kamay ko? pafall talaga itong lalaking ito!
Napaayos ako ng upo at hinila ko ang kamay ko sa kanya. Mahirap na baka sabihin niya pang gusto ko rin ang ginagawa niya.
"Yeah! You are right especially you're such a mad ape when we had our first get to know each other trip. Whatsoever!" maarte kong saad sa kanya. Napailing siya dahil sa sinabi ko.
"I'm sorry because of that" defensive niyang saad
"Let's forget about that! Hmmm. So, I just want to ask, what is your reason for coming here in Hollywood? I mean, yeah! You proved your skills but I think you have a stable career in the Philippines"
"The truth is I am finding someone. I was here for 1year now." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. One year na siyang nandito? Hindi ako makapaniwala!
"Who are you finding? You are here for one year? I think this person is really important to you huh!"
"Yes. She is the most important person for me." Seryoso niyang saad. Sino naman ang tinutukoy niya? Hindi ko maiwasang mainggit doon sa taong iyon lalo na't babae pa ito. Tinanguan ko na lang si Maximo dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...
