13

169 58 13
                                    


Iyon ang nangyari sa akin two years ago. I am now third year highschool. Hindi ko binalak na damdamin ang mga nangyari noong last kong nakita si Jim. At hindi ibig sabihin na nangyari ang mga bagay na iyon, tumigil na ako sa pagsupporta kay Maximo sa totoo niyan todo supporta pa rin ako sa kanya. Hindi pa rin natitibag ang pagsupporta ko sa kanya. I just became a silent leader of Maximo's fansclub. Ako pa rin ang nagpapaplano ng mga gagawin namin pero hindi na ako iyong nangunguna na pumunta sa mga concert, taping at mallshows niya. Pinupuntahan ko pa rin naman lahat ng activities niya pero nasa likod na lang ako, hindi na ako iyong isa sa mga nakikipagbakbakan pa para makuha ang atensyon ni Maximo.

Magtwotwo years kong iniiwasan si Maximo, sobrang hirap kasi palagi ko siyang gustong lapitan. Ang totoo lagi ko siyang sinusundan kapag nasa school siya pero twice to thrice a week lang siyang pumupunta sa school. Minsan nga mga dalawa hanggang apat na beses ko lang siya nakikita sa school. Kapag summer naman ay pumupunta siya ng school para magtraining ng football minsan naman para magbasketball. Hindi ko na maintindihan kung ano ang gusto niya talaga. Naging busy si Maximo kaya minsan na lang siya kung pumasok, kaliwa't kanan na kasi ang offers sa kanya. May mga endorsement na nga rin siya e. Napapabalita na rin na magkakaroon na siya ng loveteam.

Kung dati ayaw ng mga fans niya na may kaloveteam siya, ngayon naman ay todo supporta sila sa napapabalitang magiging kapares niya. Magkakaroon kasi ng teleserye si Maximo kaya hinahanapan siya ng partner. Totoo niyan hindi pa alam kung lovestory ba ito o isang pangpamilyang istorya kaya marami ang nag aabang.

Nasa isang coffee shop ako ngayon kasama ko sila Macy, Chikee at Vic. Naghahanda kami para sa finals namin kasabay noon ay pagpaplano namin para sa darating na concert ni Maximo. Napagpasyahan kong hindi ako pupunta sa concert ni Maximo dahil fresh pa rin sa akin ang nangyari noong first year ako.

Naging abala kami sa pagpost ng mga updates sa website namin at facebook fanpage. Habang naghihintay ng mga comments mula sa mga fans, nagbabasa ako ng mga post sa facebook. Ang kumuha ng atensyon ko ay iyong advertisement ng isang modelling company.

Naging madali lang pagpapaalam ko kay Dad na gusto kong sumali sa modelling company. Navolunteer pa siya na ang mag-enroll sa akin doon.

"Maxine. Two years na lang, college na tayo! Saan ka magcocollege?" usisa sa akin ni Chikee. Iniisip ko kung sa Lyceum ako o sa La Salle mag-aaral.

"Hmm. Its either Lyceum or La Salle" Nakangiti kong sambit sa kanya

"Wow! Rich kid ka talaga" singit ni Macy. Umiling ako sa kanya.

"Kami kasi ni Chikee kukuha ng scholarships sa mga university. Manghihingi rin kasi sa Ched at sa iba pang government agency para magpatuloy ng pag-aaral" dagdag ni Macy

"Ikaw Vic? Saan ka mag-aaral?" tanong ko naman sa kanya.

"Kung makakapasa ako sa U.P baka roon ako, kung hindi naman sa FEU" sabi niya.

Nirereview namin ang isa't isa. Nagtatanong kami sa isa't isa ng possibleng itatanong o lalabas sa exams namin. Habang nagrereview ay pinagmasdan ko ang paligid. Dumadami na ang mga tao rito sa coffee shop. Mukhang tataas ang sales nito ngayong araw.

Nagulat ako noong mahagip ng aking mata ang taong nagpapalundag ng aking puso. Wala pa rin siyang pinagbago, gwapo pa rin siya tulad noong huli ko siyang nakita sa isang mallshow. Mukhang may hinahanap siya, kaya agad akong tumayo at nagpaalam sa tatlo na magccr lang habang dala dala ang mga gamit ko. Ayaw kong makita niya ako rito baka hindi ko lang mapigilan ang sarili kong lapitan siya.

Nang makapunta na ako sa hallway papuntang cr, nagstay muna ako roon para silipin ang bawat galaw ni Maximo. Nakita kong nanlaki ang mata niya noong makita ni sila Macy, Vic at Chikee. Nilapitan niya ang mga ito. Mukha silang nagkakamustahan. Napaatras ako noong tinuro ni Macy ay papuntang cr at napatingin doon si Maximo. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko.

Nagulantang ako noong makareceive ako ng text mula sa guidance counsellor namin. Mula kasi noong magthird year ako, naging engage na ako sa iba't ibang activities. Panghatak din kasi iyon ng grades, isa sa sinalihan ko ang pagtakbo sa student council. Ako na ngayon ang President ng student council namin.

Dire-diretso akong naglakad palabas ng coffee shop. Nang makalabas ako sa roon ay halos tumakbo ako para lang masigurado na hindi man lang ako makikita ni Maximo. Hindi man ako umaasa na papansin niya ako pero sinisigurado ko na rin para iwas sa gulo.

Nang makarating ako ng school ay agad kong pinuntahan ang si Mrs. Reyes, iyong guidance counsellor namin. Pinaupo niya ako roon sa kanyang harap at nakipag-usap tungkol sa mga activities namin para sa retreat.

Pagkatapos ng usapan namin tungkol sa retreat ay may inilahad siya sa aking styro. Agad kumunot ang noo ko.

"Lunch mo yan Ms. Smith. Pinagbibigay pa rin noong secret admirer mo" biro niya sa akin.

Agad ko iyong tinanggap at inilagay sa akin bag pagkatapos ay umalis na sa office niya. Mula noong magsecond year ako ay nakakatanggap na ako ng lunch mula kay Mrs. Reyes pero sabi niya ay mula raw iyon sa estudyante na nandito sa school. Sobrang consistent ng taong iyon, hindi niya pa nakakalimutan na bigyan ako ng lunch. May mga notes din na nakalagay sa bawat styro, hindi nauulit ang mga sinasabi niya katulad ng eat well, lunch time, don't forget to pray, words of wisdom at ngayon ang nagpatindig ng balahibo, I am hoping to see you. Iyon ang nakalagay sa sulat. Hawak hawak ko ito ngayon. Lahat ng mga sticky notes na nilalagay niya ay tinatago. Feeling ko kasi importanteng tao ang nagbibigay sa akin nun.

Nawala ang pag-iisip ko noong may mabangga ako. Napakalakas ng impact ng pagkakabunggo ko sa kanya kaya ako ay napaupo sa sahig. Ilang beses ba ako dapat mabunggo bago ako matuto. Nakakainis na huh!

"Sorry Miss!" biglang tumindig ang balahibo ko sa boses ng lalaking iyon. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Maximo.

"Maxine!" nakangising tawag niya sa akin sabay lahad ng kamay. Napakalakas ng elektrisidad na dumaloy sa aking Sistema noong nahawakan ko ang kamay niya parang nabuhay iyong mga namatay na bagay noong huli ko siyang makausap.

Habang tinatayo niya ako ay tinitigan ko lamang siya. Sobrang lawak ng ngiti niya sa akin. Nang matayo niya ako, agad akong humakbang papalayo sa kanya. Kailangan ko siyang iwasan.

Napahinto ako noong bigla siyang sumigaw

"I know what you are doing Maxine! I'll make sure, you can't get enough of me! Stop your stupidity!" tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha.

Humarap ako sa kanya ng nakangisi. Nakita ko ang seryoso niyang mukha na nakatingin sa akin.

"I know what I am doing! You don't tell me what I should do!" sigaw ko sa kanya

"Balang araw, pwede na kitang akinin" tumigil ang aking paghinga sa puntong iyon pero noong makita kong may dumadaan na mga tao. Agad akong umalis doon bago pa kami pagkaguluhan ng mga tao.

Hingal na hingal akong bumalik sa kotse ko. Nakita kong tinignan ako ni Kuya Isko sa salamin. Ngayon ko lang napansin na nanlalamig pala ako sa sobrang kaba. Damn you, Maximo!

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon