Naging abala ako sa Modellete kaya madalang na lang ako pumupunta sa meetings ng mga fansclub ni Maximo. Nakakainis lang dahil magkakaroon ng first time na pwedeng pumunta sa bahay ni Maximo. Hindi man lang ako makakasama. Naging hectic kasi ang schedule ko lalo na ngayon kasi magkakaroon kami ng isang fashion show event. Irarampa namin ang mga likha ng isang sikat na fashion designer.
Tungkol sa headline last week, iyong araw ng birthday ni Maximo. Totoong umiyak nga talaga siya, may tinitignan nga siya malayo. Hindi ko lang matukoy kung ano tinitignan niya, pwede ang mga fans iyon. Pwede rin iyong manager niyang si Jim na nakatayo sa gilid o ang way palabas na malapit kay Jim.
Kasabay naman noon ang paglabas n
Noong tinanung ni Tito Boy si Maximo tungkol sa nangyari sa birthday niya, hindi niya ito sinagot. Sabi niya gusto niyang itago ang pangyayari behind that scene. Gusto niyang itago ang lungkot niya sa araw na iyon.
Bigla akong tinapik ni Kean sa balikat para sabihin na kami na ang susunod sa pagrampa. Naging close na kami ni Kean, mayabang pa rin siya pero mabait naman pala ang mokong. Hindi na rin niya ako masyadong kinukulit o kaya kung ano-anong weird na salita ang sinasabi. Minsan kasi kinukulit niya pa rin na nakilala niya na talaga ako, matagal na. Madalas nga kaming magkasama rito sa Modellete, siya ang naging buddy ko sa industriya na ito.
Ipinakita sa akin ni Ms. Naddy ang sikat na fashion designer, ang mga damit na susuotin namin. Isa ako sa last na rarampa. Hindi ko nga alam kung ano nakita nila sa akin kung bakit ba naman ako ang napili para magmodel ng isa sa best designs niya.
Ang susuotin ko ay isang gown na kulay red. Puro sequence ang nasa harap nito, maikli ang harap nasa kalahati ito ng balakang hanggang tuhod ko. Haba naman ang nasa likod, aabot ito sa sahig. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ito ilalakad.
Maganda ang venue ng gaganapin na event. Black and white ang theme nito, the usual one. Marami ang dadalo sa araw na ito, sabi nila may mga designers din, directors, producers at may mga artista rin kaya lalo akong kinabahan.
Naging mabilis ang phasing ng mga models. Nakikinuod ako sa mga co-models ko para maiwasan ang kaba pero mas lalo ata akong kinabahan noong makita kong may nadapang co-model ko.
Nagulat ako noong may umakbay bigla sa akin.
"Are you nervous?" tumango ako kay Kean bilang sagot
"Don't! I know you can!" pag-eencourage niya sa akin
"Ang dami kasing tao e, hindi ako sanay! Lalo na't hindi ko naman sila kilala! Tapos bigatin pa sila, ayaw kong mapahiya si Ms. Naddy!"
"Hindi ba maganda yung hindi mo sila kilala. Mas magagawa mo ng maayos ang rampa mo kasi hindi mo iintindihin masyado ang mga comment nila sayo. Hindi naman sila close sayo para magpaapekto ka. Hindi ka naman kilala e" para akong tinamaan sa sinabi niya. Tama naman siya na dapat hindi ko pansinin ang sinasabi ng tao lalo na't tungkol sa iyo ito. Lalo na kung konektado ito sa mahal mo.
"Tsaka magaling ka, every time na naglalakad ka. You catch everyone's attention." Napatingin ako sa kanya parang hindi naman. Never pa nga ako napapalakpakan tuwing rumarampa ako.
"That's not true! Hindi pa nga ako napapalakpakan tuwing.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na siyang sumabat
"Believe me! Nakanganga silang lahat kapag naglalakad ka. Hindi mo lang napapansin at iyon din ang dahilan kung bakit ka nila hindi mapalakpakan. You walk with grace, Max" napangiti ako sa sinabi ni Kean.
"Oh, it's my turn!" sabi ni kean kaya nagmadali siyang pumunta sa may entrance.
Parang wala lang sa kanya ang mga crowd. Kung si Kean na, ako na ang susunod. Kaming dalawa ang napili sa mga rarampa para sa huling designs.
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...