First Day of school! First time kong papasok sa isang eskwelahan dahil dati ay home-schooled lang ako. Mabuti na lang nandito ang bestfriend kong si Gem para tulungan ako tsaka nakadagdag din ang kanyang mga kinukwento sa akin tungkol sa school.
Dahil first day of school wala pa kami masyadong ginawa kaya madalas sa ibang klase namin ay dinidismiss kami agad. Napakalaki ng St. Benedict College para ata akong maliligaw.
Sa football field kami tumambay ni Gem dahil sabi niya ito raw ay gitna sa campus. Napakalawak nito at ang damo na nakalatag rito ay isang artificial grass. First day pa lang ay abala na agad ang mga varsity ng football. Mukhang magaling ang mga varsity ng football dahil sa halos wala pang nakakapuntos sa magkalaban.
Maraming mga babae ang tumatambay dito para manuod ng football. Nakita ko pang sumisigaw sila para icheer ang kanilang gusto.
Humanga ako sa lalaking naka#26 sapagkat sobrang swabe ng kanyang galaw. Siya nga ang nakaunang pasok ng goal. Pinagmasdan ko ng maigi ang lalaki, mukhang ganadong-ganado siya. Nakakahalina ang kanyang mga mata. Hindi ko agad maalis ang titig ko sa kanya. Matangkad siya, Moreno. May kulay pink na labi at bagay sa kanya ang magulong buhok. Gusto kong alamin ang buong pangalan niya ngunit ang apelyido lang nito ang nakikita ko.
Noong magpahinga sila ay nagmasidmasid ako sa aking paligid. Maraming bagay ang pumasok sa aking isip nang tignan ang paligid. Hindi ko alam kung paano ko uumpisaha ang first year ko rito lalo na't bago lamang ako.
Sana marami akong maging kaibigan dito kahit iba-iba ang personalidad namin. May mga estudyante kasing bully. May mga mean girls din. Mayroon ding mga nerds. May mga nasa average lang. Hindi ko alam kung saan ako lulugar doon.
Sa aking pagmamasid ay may umagaw ng atensyon ko mula sa pinakadulo ng football field. Napasinghap naman ako nang malaman ang kanilang ginagawa.
Nakakita ako ng dalawang estudyante, parehas silang nakatayo pero ang babae ay nakasandal sa may pader habang ang lalaki naman ay parehas hinarang ang kanyang mga kamay sa pagitan nito. Nakita kong nakangisi ang dilag, laking gulat ko noong hinalikan siya ng lalaki. Lalong nanlaki lamang ito noong hinapit nito papunta sa kanya ang mukha ng lalaki.
Napakurap ako nang mapagtanto na masama iyon sa edad ko. Pwede ba iyon sa school? Hindi ba ginagawa lang iyon ng mga nakakatanda?
Nawala ang focus ko roon noong natamaan ako ng bola sa aking braso. Napakunot ang noo ko dahil doon. Tinignan ko ang direksyon kung saan nang galing ang bola. Nakita kong may patakbong football player sa aking direksyon mukhang kukuhanin ang bola kaya pinulot ko agad ang bola para iabot sa kanya.
Nahihiya itong lumapit sa akin at napakamot ito sa kanyang batok. Nginitian ko ito para mapawi ang kanyang hiya.
"Pasensya ka na Miss, hindi ko sinasadya." paghingi niya ng pasensya kaya tumango na lamang ako at inabot sa kanya ang bola.
Narinig ko namang ang kantyawan ng kanyang mga kaibigan sa baba noong inaabot ko na ang bola. Ngunit agad din iyon natigil dahil sa maharas na saway ng isang lalaki at ito ang nakakuha ng aking atensyon.
"Kung saan saan kasi nakatingin. Focus!" sigaw noong nakanumber 26 na lalaki.
Alam kong ako ang pinapatamaan niya dahil sa akin siya nakatingin, hindi naman malayo ang pwesto namin kaya nakakasiguro ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako nagagalit sa kanya pero imbes ay humanga ako.
"Pasensya na Cap." sagot noong lalaking kumuha ng bola.
Tumango na lamang ang kanilang Captain bilang pagsabi na ok lang iyon tapos ay tumingin na naman sa akin at bumalik sa laro. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, ang kanyang mata ay nakakapanghikayat.
Nagulat ako nang bigla naman akong hampasin ni Gem na parang mauubusan na ng hininga dahil sa kanyang pagpipigil.
"Grabe Maxine Alexandra Smith, ang haba ng hair mo! Nakita ko yun! Nakita ko yun!" pagwawala ni Gem kaya umunot ang noo ko sa kanya.
"Ano ka ba? Hindi mo ba nahalata? Tinignan ka ni Maximo. Achievement yun girl!" malakas na bulong sa akin ni Gem. Maximo? Sino yun?
"Maximo?" nagtatakang tanong ko
"Yes po! Yung nakanumber 26, first time niyang tumingin sa isang babae. Alam mo ba yun? Well, si Maximo Ryler Padilla lang naman ang team captain ng football at isa sa heartthrob ng school na ito! Alam mo rin bang kinukuha siyang artista? Naku, ang swerte mo girl!"
So, siya pala si Maximo. Maximo talaga? Parang nakakatakot naman ng pangalan niya, masyadong matapang. Hindi ba pwedeng Ryler na lang para mejo sweet naman.
Napabuntong hininga ako sa aking naisip at tinignan muli si Maximo. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang aming mga mata. Is he looking at me? For real?
====
2/22/2016
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanficIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...