38

90 22 0
                                    

Hinila ako ni Kean palabas ng bar. Hingal na hingal ako pagkalabas namin dahil tumakbo kami. Itinulak niya ako sa front seat ng isang kotse, marahil ay sa kanya ito.

Nakangisi lang siya habang iniistart ang engine ng sasakyan. Nang makarecover ako sa pagtakbo namin ay hinampas ko siya ng hinampas. Siya naman ay hindi tumigil sa pagtawa.

"Shit Maxine! Ang lakas mo!" natatawang sabi ni Kean habang pinoprotektahan ang sarili niya sa mga hampas ko

"You mother fucker!" naiinis kong saad

"This is interesting!"

"Nakakainis ka! Ano gusto mong mangyari?"

"Hmmm. We'll see" tinigil niya ang pagstart ng engine. Tumingin lang siya sa may pinto ng bar para bang may inaabangan siya.

Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya kaya tinignan ko na rin kung ano iyong gusto niyang mangyari. Nanlaki ang mata ko noong makita ko si Maximo na hingal na hingal na lumabas sa bar. Mukha siyang naglaro ng basketball sa itsura ngayon pero hindi pa rin nababawasan ang kakisigan. Tumingin tingin siya sa kaliwa't kanan.

Narinig ko naman ang halakhak ng katabi ko rito para bang nakakatakot ang mga tawa niya. Bigla na lang niya binuksan ang pintuan ng kotse at itinulak ako kasabay noon ang paglabas niya rin. Halos murahin ko siya ginawa niya.

"Maximo!" natatawang tawag niya kay Maximo habang kinakawayan ito. Nakahawak lang si Kean sa akin.

Nanginig ang buong katawan ko noong humarap si Maximo sa amin. Masama ang timpla ng kanyang mukha para bang kahit anong oras ay mapapaway ito sa sobrang inis niya.

Nagulat ako noong marahas akong hinila ni Maximo mula kay Kean. Muntikan na ako tumilapon mabuti na lang ay hinawakan ako ng maigi ni Maximo.

Itinulak niya si Kean pero ang itinulak niya ay natatawa lang. Pumagitna na ako sa kanilang dalawa dahil halatang galit na galit talaga si Maximo.

"Stop it Maximo!" mariing sabi ko sa kanya, matalim niya akong tinignan.

"We are a public figure!" mahina pero mariin ko pa ring sabi sa kanya.

"Chill dude! We are just catching up. C'mon dude" napapataas na kamay na sabi ni Kean

"Shut the fuck up Kean!"

"Okay! I'll shut my fucking ass" natatawang biro ni Kean

Tinignan ng masama ni Maximo si Kean dahil sa kakulitan niya. Humagalpak na rin ako ng tawa dahil kay Kean pero lalo atang sumama ang tingin ni Maximo.

"Why are you laughing?" mahinang bulong sa akin ni Maximo. Napatigil ako sa pagtawa dahil tumindig ang balahibo sa sobrang kaba

"Nothing. Kean.. K..ean is just so funny" shit Maxine! What's with your stuttering words? Ngumisi siya dahil sa hindi ko pagiging komportable

"I don't want to see you laughing because of other people." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What the fuck dude! Didn't know that you're that cheesy" natatawang banat ni Kean, ilang mura ang pinaulan ni Maximo

Inaya kami ni Kean sa isang restaurant malapit sa bar. May mga taong napapatingin sa table namin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa public figure kami ni Maximo o they are just checking out this two guys. Silang dalawa na ang umorder para sa kakainin naming tatlo.

"I really missed you Maxine! It's been one year since we talked" pormal na sabi ni Kean habang sinisimsim ang kanyang wine.

"Silly! I missed you too, Kean" natatawa kong sabi. Nakarinig kami ng malakas na tikhim sa gilid ko.

"Jealous boy!" tawang tawang sabi ni Kean

"I'm not"seryosong saad ni Maximo

"Ofcourse your not!" nakataas na kilay kong sabi sa kanya

"Maxine, wala ka na bang balak umuwi sa Pilipinas? Miss na miss ka na ng pamilya natin sa Modellete" sabi ni Kean, tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa tanong niya iyan.

"I'll see. Besides, my job needs me to be here" kibit balikat kong sagot

"You should go back, you know" tinanguan ko siya. Hindi ko pa kayang bumalik sa Pilipinas, not now! Marami pa akong dapat paghandaan pagbalik ko roon dahil alam kong maraming pagsubok ang sasalubong sa akin doon.

Niyakap ako ni Kean bilang paalam at binilinan na mag-ingat ako kay Maximo. Natawa na lang ako dahil ilang beses niyang niloko loko si Maximo kaya naman ay sobrang badtrip talaga ang isang to sa kanya.

"Tandaan mo ang bilin ko sayo Maxine!" pabulong na sabi ni Kean habang tumatawa.

"So, Maximo! Alagaan mo itong favourite girl ko! Goodbye Max Lovers" natatawang sabi ni Kean

Nang umalis si Kean ay hinigit na ako ni Maximo papunta sa kotse niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang sumakay sa kotse niya kung may sarili naman akong kotse.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla dahil kaming dalawa na lang. nagulantang ako noong bigla na lang lumapit si Maximo sa akin. Itinukod niya ang kanyang siko sa upuan ko. napalunok ako ng maraming beses dahil sa paghinga niya sa akin tainga.

"I know that it's you! I am happy that I am right! I am beyond happy because you are here Maxine" napalakas ang tindig ng balahibo ko sa sinabi niya.

++++

Please also support my other story entitled Kung Ako Na Lang Sana

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon