52

67 12 1
                                    


Inilayo ko ang sarili ko kay Maximo nang nasa dressing room na kami. Hindi ko mapigilan ang pagkainis kay Yna dahil sa kanyang ginawa.

Napatingin ako sa cellphone ko noong umilaw ito. Isang text mula kay Gabby ang nareceive ko. Agad nangitngit sa galit ang kalamnan ko nang mabasa ko ito.

Tinignan ko sa social media ang sinasabi ni Gabby. Isang picture iyon ni Maximo at ni Yna, itong kuhang ito ay eksena kanina.

Ilang mga comments ang binasa ko roon.

'Together again?'

'Finally! After a long wait.'

'Bagay na bagay talaga silang dalawa'

'Teka lang parang may kaholding hands si Maximo'

'Balita ko si Alexa at Maximo na. Baka umeepal lang yan si Yna'

'MaxYna is the best couple ever'

'MaLexa states the true meaning of love!'

Hindi ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong ipakita sa mga tao na ako si Maxine Alexandra Smith, ang tunay na minamahal ng pinakamamahal niyong si Maximo Ryler Padilla.

Nang makita kong seryosong nakatingin sa akin si Maximo mula sa salamin ay agad ko siyang inirapan. Tumayo siya't maaamong lumapit sa akin. Hinagod niya pataas pababa ang aking braso para bang pinapakalma ako nito.

Niyakap ako nito habang nakatalikod nang mapansing hindi ko pa rin siya kakausapin. Inilagay niya ang kanyang baba sa aking balikat kaya bumigat ang paghinga ko.

"Sweetheart." Tumindig ang balahibo ko dahil sa intense niyang pagtawag sa akin.

"You know the truth, right?" mukhang alam na niya ang pinagpuputok ng buchi ko ngayon

"You are the only woman that I love, Maxine. Please sweetheart, don't get mad. I don't want you upset." Mahinang bulong niya sa akin.

Pinipigilan ko namang maiyak sa kanyang harapan. Kinagat ko ang aking labi dahil sa unti-unti ko na nararamdaman ang pagtulo ng aking luha. Marahil ay ito ang nararamdaman niya noong malaman ang issue tungkol sa amin ni Christian noon o mas higit pa.

Humarap ako sa kanya't agad ko siyang niyakap. Niyakap niya rin ako ng mas mahigpit pa kaysa kanina.

Tawang-tawa ako kay Gabby nang makarating siya ng studio dahil sa kanyang pagrereklamo sa aking namumugtong mga mata. Kung gusto ko raw ma-impress ang mga fans ni Maximo ay dapat hindi ako umiyak-iyak ng ganito.

Si Maximo naman ay iniilingan na lang kaming dalawa. Habang minimake-upan ako ni Gabby ay nakahawak lamang ang kamay ni Maximo sa aking kamay. Pinaglalaruan niya ito kaya hindi matapos tapos si Gabby dahil sa kiliting aking nararamdaman.

Ilang sandali lang ay pinatawag na kami. All smiles kaming pumasok ng studio, maraming fans ni Maximo ang nandito ngayon.

May kumaway sa aking batang babae kaya nilapitan ko ito at binigyan ng isang yakap. Nanlaki ang mata ko noong ipinakita niya ang picture na hawak niya. Picture ko ito noong nagsisimula pa lamang ako. Hinawakan ko ito at hinalikan sa likuran kaya bumakat ang lipstick ko roon. Nang hiram ako ng ballpen at pinirmahan ito.

Nakipagkwentuhan naman muna si Tito Boy sa aming dalawa. Binriefing niya kami ng ilang mga possibleng itatanong niya sa amin. Halos purihin niya ako dahil sa gandang ganda siya sa akin. Marami rin kaming napagkwentuhan bago sinabi na magsisimula na kami.

Napatingin muna ako sa paligid, doon ko nakita si Yna Mendez na nakikisingit sa mga fans. Ngiting ngiti siyang nakatingin kay Maximo kaya't tinignan ko ang katabi. Masaya lamang nakikipagkwentuhan si Maximo.

Bumalik naman ang tingin ko kay Yna, nakatingin na rin pala ito sa akin. Binigyan niya naman ako isang hagod na tingin bago ngumisi't umiling.

�Xd��

Hi. Magkakaroon po ako ng new story entitled "Hopelessly Addicted." Sana po tulad ng pagsubaybay niyo kay Maxine at Maximo ay tangkilikin din ang new story ko.

Mas matured ang scenes for my new story. Don't worry I'll post the prologue of the story here after the epilogue.

8chapters left :'(

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon