End

152 10 3
                                        

Kanina ay ilang prenup shots ang ginawa namin ni Maxine. Wala siyang kaalam-alam sa susunod pang mangyayari. Ang alam niya lang ay gagawin namin ang shoot dahil ito ang bilin ng clothing line na iniendorse niya.

Halos mag-alburoto na siya dahil sa pagpupumilit kong pumasok muli siya sa dressing room para magpalit. Alam kong gusto niya pang maglambing sa akin. Halos ayaw na niya humiwalay sa akin.

Natawa pa ako dahil inireklamo niya pang may malaking event na mangyayari sa Maxims ngayon. Little she'd know that it is her event. It is her wedding. Lahat planado! Ang hindi ko pakikipag-usap sa kanya ay planado. Ayaw ko man pero kailangan kong tiisin.

Lahat ng ito ay siya ang nagplano. Mula sa gown, sa pagkain at prenup videos namin. Kinuntsaba ko ang sekretarya niya sa Maxims para rito. Gusto kong lahat ng plano niya para sa sarili niyang wedding ay mangyari.

Ang ginawa ko lang ata rito ay ang mag-invite ng mga tao at bayaran lahat ng expense na ginastos namin. Habang pinagmamasdan siyang hands-on sa kasal namin ay nakapaghatid sa akin ng sobrang kagalakan. Alam ko kapag nalaman niyang kasal niya ang inaayos niya ay mas gaganahan pa iyon.

Napailing na lang ako nang maalala ang kanyang itsura kanina. Nanlamig ang aking kalamnan nang makita ang kanyang pag-iyak. I hate to see her cry. But I know that she's happy. I can see it in her eyes.

Pumwesto na ako sa tabi sa pinakaunahan habang naghihintay sa aking bride. Huminga ako ng malalim dahil sa kabang nararamdaman.

Napapitlag ako nang umakbay sa akin ang Daddy ni Maxine. Isang malaking ngisi ang ginawad niya sa akin. Hinalikan ko sa pisngi ang Mommy niya nang lumapit ito sa amin.

"I know son that you and Maxine will come true! I can see that in your perseverance." Komento ng daddy ni Maxine.

"I really like you for my daughter." Sweet na saad ng mommy niya.

It was summer back then when I first saw Maxine. Magfifirst year highschool pa lang ako noon. Nagbibisikleta ako noon nang mapadaan ako sa kanilang bahay. Paalis ang kotseng sakay sakay niya. Nakabukas ang bintana na nasa side nito. I got easily mesmerized by her beauty. Para bang may anghel na bumaba sa langit.

Mula noon ay hindi ko na siya makalimutan. Halos buong summer ay palihim akong sumusulyap sulyap sa kanilang bahay. Hanggang sa mapansin ako ng Daddy niya.

I remembered how he laughed at me when I asked about her daughter.

"Iho, anong ginagawa mo sa tapat ng bahay namin? Kanina pa kita napapansin. Mukhang may sinisilip ka." Nakapameywang na saad ng daddy niya.

"Sorry po sir pero po inaabangan ko po kasi ang anghel na nakatira riyan."

Napataas ang kilay niya sa akin dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi siya maniniwala sa akin pero alam ko kung ano ang nakita ko.

"Anghel? Nagbibiro ka ba?" natatawang saad niya sa akin.

"Totoo po. Noong isang araw nakita ko po siya sa kotse! Napakaganda po ng ngiti niya." Nakangisi kong saad sa kanya. Napanguso ang daddy niya at tinapik tapik ako.

Inilabas niya ang wallet mula sa kanya bulsa at pinakita ang family picture nila. Nanlaki ang mata ko ng makita ang anghel na sinasabi ko. Napatingin ako sa kanya at itinuro ang babae sa picture.

"Siya po! Siya po!" natatawang ginulo niya ang aking buhok.

"Siya ang prinsesa namin iho!"

"Saan ka nga ba nag-aaral?" seryosong saad ng daddy niya.

"Sa St. Benedict College po."

"Sakto. Doon ko rin pag-aaralin ang unica hija ko. Sana'y bantayan mo siya roon." Tuwang-tuwa ako nang marinig ko iyon.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon