Naging abala ako para sa retreat namin ngayon. Ako kasi ang isa sa team leader sa walong grupo. Hinati sa dalawa ang bawat year levels ang school namin. Halo halo rin ang hatian. May mga kasama akong 1st year, 2nd year at 4th year. Mayroon kaming makakasamang taga ibang school kaya sobrang dami namin doon. Mabuti na lang kagrupo ko sila Macy, Vic at Chikee.
Nasa isang napakalawak na lupain kami sa Zambales. Ang bawat grupo ay may tig-tatatlong dormitory kaya para kaming nasa isang gameshow sa nangyayari.
Tinignan ko ang schedule ng aming activities. Tatlong araw ang retreat namin. Bawat araw ay may praise of worship activity. Tuwing gabi ay kakausapin kami ng isa sa staffs para ibahagi ang salita ng Diyos. Pagkatapos naman ng dinner ay magjajamming kami gamit ang mga hillsongs. Magkakaroon din kami ng extra curricular activities, may pagligsahan ng bawat grupo. Dito makikita ang teamwork ng bawat grupo.
"Hi team leader!" pabirong bati sa akin ni Chikee kaya sinapak ko siya sa braso. Sabay namang napangisi sila Macy at Vic.
"Magtigil nga kayo!" sabi ko
"Hanggang dito, nadadala mo pa rin ang pagiging leader mo Maxine!" sabi ni Vic
"Ewan ko sa inyo. Tara na nga sa hall!" yaya ko sa kanila at sabay sabay kaming pumunta sa hall kung saan doon magtitipon tipon lahat ng magpaparticipate sa retreat.
Sobra akong thrilled sa mangyayari sa araw na ito. Sabi kasi kanina ay ngayon magaganap ang unang activity namin. Maglalaban daw ang bawat grupo at kung sino ang Manalo ay may libreng dessert mamaya. Kaya sobra kaming ginanahan dahil pagkain ang pinag-uusapan dito.
Naghiyawan naman ang mga taong inlove noong sinabi noong emcee na may love box kami na nakalagay sa gilid ng stage. Doon namin pwedeng ilagay ang mga letters namin para sa taong crush namin dito sa retreat na ito. Bubunot daw ang emcee roon at babasahin ito sa harapan kaya sobrang lakas ng sigawan. May mga name plate kasi kami na pagkalaki laki kaya malalaman ng bawat isa ang pangalan ng bawat isa.
Mukhang ito ang pagkakataon ko para sulatan si Maximo. Malay mo, mabasa ang sulat ko para sa kanya. Kahit naman sungitan ako ni Maximo, hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya. Lalo pa nga itong lumala e.
Inumpisahan na namin ang first game, humingi ng ten participants ang emcee sa bawat grupo. Syempre kabilang na roon ang bawat team leader kaya wala akong kawala kahit gusto kong umayaw. Sabi ng emcee ang unang laro ay, tag war. Maghihilahan ang bawat grupo at ang grupong tatapak sa linya ng kalaban ay talo.
Naging madali ang pagkapanalo namin sa una dahil sa puro lalaki ang kagrupo ko sakto naman ang tumapat sa amin ay puro babae. Sa susunod na laban ay apat na grupo na lang matitira. Nahirapan kami sa pangalawa naming kalaban kasi hindi talaga sila nagpapatalo. Mabuti na lang malalakas ang kagrupo, hindi ko nga alam kung nakakatulong ang lakas ko sa grupo ko e.
Huling laban na ang mangyayari, isa sa grupo namin ang pumasok sa last round. Nagulat ako noong ang grupo nila Maximo ang makakalaban namin. Hindi dahil sa grupo nila ang makakalaban namin kung hindi dahil hindi ko akalain na kasama namin si Maximo sa retreat. Sa sobrang busy ng schedule niya nagawa niya pang sumali sa retreat namin.
Sa harap ako pinapwesto ng mga kagrupo ko dahil baka madaganan daw nila ako kung sakaling manalo kami. Nagulantang ako noong sa harap din pumwesto si Maximo pero hindi ko ito pinakita sa kanya. Nakangisi siyang tumingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Sobrang lakas ng kalaban at nakakainis pa ang mga ngisi ni Maximo. Malapit na akong mapunta sa linya ng kalaban dahil sa lakas nila. Noong nasa dulo na ng paa ko ang linya, nagulat ako noong bigla na lang hinatak ng pagkalakas lakas ang lubid sa nahawak namin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko iyon ineexpect. Sabay noon ang pagbuhol ng paa ko kaya ang resulta ay nadapa ako. Napapikit ako bago ako mahulog. Nabingi naman ako sa hiyawan ng mga taong nasa paligid. Kinapa ko ang pinaglandingan ko. Laking gulat ko noong parang ang taas ng pinagbagsakan ko at hindi natural ang pagkatigas ng sahig. Iminulat ko ang mata at laking gulat ko na lang na nasa sobrang lapit ng mukha namin ni Maximo. Napakalaki ng ngisi niya dahil doon. Hindi ko alam kung paano ako aalis parang nawala ang utak ko.
Kumilos na lang ako noong marinig ko ang asaran ng mga tao sa paligid kaya agad akong tumayo at lumayo sa pwesto roon. Uminit ang pisngi ko dahil sa kantyawan nila.
Pagkatapos ng game agad kaming pinabalik sa hall at pinapila papunta sa isang malaking canteen. Napasimangot ako noong makita ko ang dessert na nakahain sa kabilang mesa. Nakakatakam ang pagkain na iyon.
Pagkaupo ay napakuno't ang noo ko noong nakita kong seryosong nakatitig si Maximo sa akin. Magkatapat kaming dalawa kaya nacoconcious ako! Naging limitado lang ang galawa ko dahil sa kanya. Nakakahiya! Napapangiti siya habang nakatingin sa kanyang dessert. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako naiinis sa kanya. Para bang napipikon ako sa ginagawa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay noong tinaas niya ang kutsara niya na naglalaman ng dessert at umakting na sarap na sarap sa pagkain. Napasimangot ako sa ginawa niya. Agad kong inubos ang natitirang pagkain ko at tumayo roon. Naiinis man ako sa kanya pero hindi ko maiwasang matakam sa kanyang labi. Grabe sa bawat kibot ng labi niya para niya akong hinahalikan!
BINABASA MO ANG
It Had To Be You
FanfictionIsang kalokohan nga lang ba ang pangarapin na makasama habang buhay ang iniidolo mong artista. Alam mo sa sarili mong hindi mo siya maabot dahil malayo ang buhay niyong dalawa. Isa ka lang karaniwang tao pero siya maraming humahanga sa kanya. Subayb...