25

136 50 9
                                    

Isa ako sa naging modelo sa aming school. Mayroon nga akong isang tarpaulin roon sa daan papuntang mall. Mas naging nakilala ako sa school simula noong Manalo ako. Nakakatuwa kasi tuwing dadaan ako may ngumingiti sa akin. Madalas iyong mga bata ay kinakawayan pa ako pagkatapos ay tatawagin akong 'Ate Ganda'.

I was the talk of the town. Kahit hindi tagaschool ay kilala ako, hindi lang dahil sa nakikita nila ako sa mga posters ng school kung hindi pati na rin ang pagkalat ng videos at pictures namin ni Maximo noong pageant. I was extremely humiliated because of that, ang nakakapagtaka nga lang ay ang biglang pagkapatay ng issue after 3days.

Nagtaka ako dahil wala na akong nakikita na parang tinitignan ako ng masama which is good din naman. Nakakapagtaka nga lang.

I am running for Valedictorian dahil nakadagdag ang mga activities na sinalihan ko noong magthird year ako hanggang ngayong fourth year. Naging kalaban ko roon si Chikee, mas mataas talaga ang academics niya pero naungusan ko siya sa non-academics. Mabuti na lang hindi nagtanim ng sama ng loob si Chikee. Sa totoo nga lang, masaya siya para sa akin.

Nakakuha naman silang tatlo ng scholarships mula sa mga Universities. Si Chikee at Macy ay pumasok sa U.P Diliman. Nakakuha rin naman doon si Vic pero sa standards nga lang ng U.P Los Banos iyon. Kaya ang nangyari ay nagtake siya sa FEU nakapasa siya roon at nakakuha rin ng scholarship.

Nasa mallshow kami ngayon ni Maximo. This will be my last day para puntahan siya sa mga mallshows and concerts niya. Kailangan ko na kasing magmigrate sa ibang bansa for my studies. Pero forever ko pa rin siyang susupportahan, siguro malelessen lang iyon.

Nagkakaroon ng sigawan kapag pinapatugtog ang kanta ni Maximo, lahat naaatat sa pagdating niya. Kapag nalalaman naman namin na hindi talaga siya iyon ay sinasabayan namin ang tugtog.

Punong puno ang activity area, halos hindi ka na makakagalaw. Mabuti na lang nakakuha kami ng ticket kanina. Hindi pa nagbubukas ang mall ay nandito na kami para mag-abang.

Dumagundong ang SM Manila dahil sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao noong lumabas na si Maximo. Tulad ng kinagawian ay kinantahan niya kami.

Nakacolor red na muscle shirt si Maximo. Napanganga ako noong mapansin ko ang kanyang mga braso. Gaano na ba kami katagal nagkita at ganyan na kaagad kaganda ang kanyang mga braso. Nakakapantindig balahibo.

Kitang-kita ang saya sa mga mata ni Maximo habang kumakanta. Halatang halata sa kanya na mahal niya talaga ang ginagawa niya.

"Alam mo, hindi ganyan kaganda ang mga ngiti ni Maximo this past few shows. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano? Pero iyon ang feeling ko. Iba ang glow ng mga mata niya ngayon" seryosong sabi ni Macy, napakunot ang noo ko sa kanya. Paano naman niya nasabi?

"Tama! Parang inspired siya ngayon e! tama ka, ibang kinang ang nakikita ko sa mata ni Maximo" nakangising sabi ni Chikee.

Agad kong tinignan si Maximo, tama sila maganda ang ngiti ni Maximo. Para kang nadadala sa mga ngiti niya. Hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang pinagkaiba ng ngiti niya mula sa mga ngiti niya noon.

"Hindi na siya pilit, hindi katulad noong last week. Kung hindi ko lang siya kilala, masasabi kong totoo yung ngiti niya pero ngayon kakaiba talaga e!" napapailing naman na komento ni Vic

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi nila kasi hindi ko rin naman magets ang mga iyon.

"I LOVE YOU MAXIMO!" malakas na sigaw ko. Napayuko ako at ramdam ko ang init ng pisngi ko noong malaman kong nangibabaw ang sigaw ko sa lahat. Sakto kasi nun ay ang pagtigil ng pagkanta ni Maximo at pagsigaw ng mga fans.

It Had To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon